-Twelve-
Shiinel's Pov
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa kompanya pero hindi na ako nag-abala pang pumasok sa loob ng opisina. Nandoon lang ako sa labas at ginagawa ang trabaho ko. I checked kung anong oras ang meeting ngayon ni Nick kung meron man para maipa-alala ko yun sa kanya half hour before the time.
Hindi ko mapigilang magtaka dahil kahapon ng ayusin ko ang schedule ni Nick, kung hindi ako nagkakamali ay may meeting ito sa umaga, though nakalimutan ko ang exact time, I certain na meron talaga. Pero bakit ngayon kahit isa ay wala? When I checked the other date, ganon pa rin naman. Ang tanging nawawala lang ay iyong, meeting with a certain Felbie Sucuano.
I was about to arrange the schedule again ng biglang mag-ring ang katapat kong telepono. Agad ko iyong dinampot at sinagot.
"Yes sir?"
I tried my best to sound natural kahit ang totooy nagngingitngit na ako sa galit ng maalala ko ang biglaan nitong pag-alis kahapon. May pa-Love me Love me pa itong nalalaman tapos may idini-date naman pala tong iba!
Pumikit ako ng mariin para kalmahin ang sarili ko. Hindi ko dapat ihalo ang personal kong damdamin sa trabaho.
And somehow, hindi ko naman pwedeng ibuhos lahat ng sisi sa kanya. Even I, got myself a part in this thing called foolishness. Nagpauto kasi ako. I let myself believe that what he said was true. Hindi pumasok sa isip ko ang mga posibilidad. Nakalimutan kong mayaman nga pala siya at napapalibutan ng naggagandahang kababaihan sa alta sosyedad kaya sino nga naman ako para seryosohin niya?
Isa lang naman akong baguhang sekretarya niya na hindi pa siya gaanong kilala. Siguro na-bored lang siya sa dinami dami ng trabaho niya kaya naisipan niyang pagtripan.
Yeah. That word. Trip. Akala ko mawawala na, pero para siyang anino ko which keeps on dragging me to misery.
Sana mas maaga kong na-realize, but it was late because eventhough I keep on telling myself that I dont want to assume, I know that deep within, a part of me had been assuming.
Eh bat bitter ka?
I am not!
Nanghihinayang oo, because I thought that what we had was true. It pains? Yes. Sino ba naman kasi ang gustong lokohin diba? Kahit gaano man kaikli ang panahon, still panloloko parin yun.
"Get inside." Utos nito at parang gusto ko siyang dukutin mula sa cord ng telepono.
"Grrr." Bwisit talaga!
Sabi mo di ka bitter?
Shut up.
I heaved a deep breath again bago tuluyang pumasok sa loob. I saw him na prenteng nakaupo sa swivel chair nito at himala dahil walang sandamukal na papeles ang nakapatong sa table nito. Usually kasi ay marami itong nire-review na mga papeles.
Saktong pag-upo ko ay siya naman nitong pagtayo. Yung totoo? Naglolokohan ba kami dito?
"Let's go?"
Napakunot noo ako sa kanya. Saan naman kami pupunta?
"San tayo pupunta?" I Verbalized my thought.
"Meeting. You forget?"
Natampal ko ang noo ko sa narinig. Sinasabi ko na nga ba. How can I be so absent-minded?
"Oo nga pala. Sige tara."
Nginitian niya ako but I didn't waste my time by giving back that adorable smile. He was about to reach for my hand para siguro sabay na kaming lumapit sa pinto pero pasimple ko iyong inilayo sa kanya at tsaka naunang lumabas.
I have enough. Ayoko na lang magsalita at manghusga kasi kahit anong pilit kong isiksik sa isip ko na ako ang niloko at naagrabyado, everything falls to the thought na 'walang kami.' So I don't have the right to feel cheated.
And as I've said, I chose to believe kaya hindi ko pwedeng isisi lahat sa kanya.
I just got my bag at tsaka naunang naglakad sa kanya. Wala akong lingong likod kahit na alam kong nakasunod lang siya sa akin. Alam ko at ramdam ko ang mga matang nakasunod ngayon sa amin pero hindi ko na lang iyon pinapansin, alam ko namang naglalaway lang sila sa boss nila. At tsaka hanggang ngayon kasi ay naiinis parin ako sa kanya. Sino ba namang hindi diba? Sinungaling, paasa, manloloko, siraulo---Ughh hindi na pala kasama yung huli, that's too much.
Yeah I know the truth, kaya hindi dapat ako ganito nagre-react, but I just can't help it. Babae ako and it's my trampled ego which is talking.
Hanggang sa makasakay kami ng elevator ay hindi ko siya pinansin o iniimik. Ramdam ko na sinasadya niyang masagi ang kamay ko pero kahit ganon ay hindi ko talaga siya nilingon. Manigas ka! Magsama pa kayo ng lunchdate mo! Nakakainis talaga!
Nagulat ako nang imbes na sa isang hotel o restaurant ay sa isang mall kami huminto.
Napataas ang kilay ko ng lumingon sa kanya.
"Dito ang meeting mo?"
"Atlast you talked!" Napahampas pa ito sa manibela ng sinabi iyon.
"Tinatanong kita."
"Bakit ba ang sungit mo?" Kunwari naghihinampo nitong tanong. Cute na sana pero naaasar parin ako sa kanya. "But no, walang meeting dito."
Napanganga ako sa sinabi niya.
"Though I really like it when your open mouthed, we need to hurry and start our date."
What? De ...d-date? That sounds good, so good that it smells danger.
Don't believe him Shiinel. You can't believe him again. You got enough remember? May girlfriend na siya and you can't be a fling! You don't deserve to end up as one!
Tama, I won't believe him. Not again.
Tiningnan ko siya ng masama. I have this urge na haklitin siya sa kwelyo niya at ihambalos sa dashboard but I chose to keep my cool though kanina pa kumukulo ang dugo ko.
I won't confront him for the meantime. I'll give him the chance para sabihin sa akin yung totoo.
We got off the car at tsaka pumasok sa mall and I saw how those women swoon and almost drool over the man I'm with now. But to my advantage ay parang wala man lang dito ang atensyong nakukuha nito. Naging cold na naman ang aura nito. Anyway, he's always like that pero nag-iiba kapag kami lang ang magkasama. Like I said, ayoko mag-assume pero yun ang nakikita ko.
I look around at sa di kalayuan ay nakita ko ang dalawa teenager na naka-uniform pa ang panakaw na kumukuha ng picture ni Nick. Pinaningkitan ko sila ng mata pero ni hindi man lang natinag ang mga iyon at patuloy lang sa pagkuha ng picture habang naghahagikhikan.
Mga kabataan nga naman ngayon.
"Bakit kasi hindi na lang tayo sa isang restaurant pumunta."
Hindi ko napigilang maibulalas.
Did I just give a suggestion?
"Well, may dress code doon and I like you on that skirt."
Agad akong napatingin sa suot kong office uniform and hissed ng marinig ko siyang sumipol. Manyak!
"Pwede namang sa hotel." Giit ko pa ng muli kong maalala ang lunchdate niya. Sila nga sa hotel tapos ako sa mall lang?
Huli na ng ma-realize ko ang iba pang maaaring maging implication ng sinabi ko.
"A-ah I-i mean ..." I hope he didn't misinterpret what I've said for something else.
He cleared his throat at ng tingnan ko siya ay parang gusto kong matawa sa pamumula ng mukha niya.
"L-lets not talk about it." Nauna na itong naglakad. Hindi ko mapigilang mapangiti.
He's a few steps away from me ng bigla itong humarap sa akin na ikinapagtaka ko.
"But I can think about that proposal later tonight, babe."
He winked at me kasabay ng tilian ng mga babaeng kanina pa nakasunod ang mga tingin sa kanya. Now it's my turn to blush.
"Ewan ko sayo."
He chuckled after seeing my reaction.
"Let's go?"
"Saan na naman ba tayo pupunta?" Imbes kasi na dumiretso sa loob pa ng mall ay hinila niya ako palabas pabalik ng parking lot.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at tsaka mabilis na umikot sa kotse at naupo sa driver's seat. Saan ba kami pupunta?
Nick, why dont you just quit pretending and stop fooling me? Stop, habang hindi pa ako tuluyang nagagalit sayo.
"Wag mong sabihin na sa karinderya mo na ako dadalhin? kapag siya sa hotel? Tapos ako sa karinderya? wow. Hindi ako sasama. Hindi naman ako ganon kadesperada. you can leave me here, magko-commute na lang ako pabalik." I said firmly, trying to cover the emotion that is starting to rise inside me.
Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob para tuluyan ng sabihin ang mga salitang yun. Naisip ko lang, If he won't stop then I'll be. Kailangan niyang malaman that he can't go on and keep on hurting me.
"Hey, what are you saying?" Tila naguguluhan na ito sa naging reaksiyon ko but I don't care. "Damn, this is not included in my plan." Bulong nito. And what is that plan huh?
"Marami pa akong gagawin sa office. Kung wala naman pala tayong gagawing importante at maglolokohan lang, then I think I'll just go back. You should too. As a CEO, marami ka pang dapat gawin and you can't leave your works just like that."
"Hey, tell me what do you mean?" Magkukunwari parin ba siya?
"Wala, let's just go back." Hindi ako tumitingin sa kanya. I dont want to, baka kasi mawala ako sa konsentrasyon at tuluyang bumigay. His eyes have that kind of power.
Maya maya ay narinig ko ang pagtawa nito. Bahala kang magpakabaliw diyan!
"Tell me, are you jealous?"
Bigla akong napatingin sa kanya.
"ASA!"
He chuckled even more.
"Then why are you reacting that way?"
"And why are you interested? At tsaka bakit naman ako magseselos?" Tuluyan na akong tumingin sa kanya at pinilit makipagsukatan ng tingin sa kanya like I was trying to prove him that I am not jealous. But who am I fooling? Pero nasabi ko na eh. Might as well panindigan ko na lang.
"Because you like me?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin and smiled naughtily pero pinilit ko paring ipakitang hindi ako apektado kaya hindi ako umiwas. Our faces our just inches away and our position is so tempting.
"Ahuh?" I said sarcastically.
Bumaba ang tingin nito sa labi ko and I saw how his adams apple moved. He bit his inner lip and it was so sexy.
"I should be punishing you for talking to me that way, but maybe I'll just reserve it for some other time." Umayos na ito ng upo at parang gusto kong magprotesta. Shut up Shiinel! Come back to your senses!
Pinilit kong papormalin ulit ang mukha ko.
"I told you, babalik na lang ako sa opisina."
Nakita kong mariin itong napapikit at huminga ng malalim.
"Look I didn't take a leave for this."
"I didn---
Pinutol niya ang sasabihin ko. I didn't ask him to take a leave!
"I took a leave to spend a day with you. To be with you."
What?
"Pinilit kong tapusin lang ng nakatambak kong trabaho just so I could have a time with you!"
No Shiinel, don't you dare believe and be fooled by him again. Pero ... kaya ba halos hindi siya lumabas ng opisina kahapon?
"Ni hindi na ako kumain para lang matapos ko agad ang trabaho ko."
Kaya ba tinanggihan niya ang pagkaing dala ko?
"During my free time, I chose to attend my supposedly meeting for today though Zeus knows how much I just want to call you and cuddle you!"
"Pero nakita kitang lumabas sa opisina mo." Giit ko.
"I've met Felbie Sucuano, the one they called Honey'O."
I guess I just misinterpreted everything. I messed up. Bigtime.
"I-im sorry ..." Hindi kailangan ng mahabang paliwanagan para ma-realize ko yung pagkakamali ko. It was me who've been a fool for thinking wrong things.
"No worries." He kissed me on my forehead. "But next time, you could just tell me what the problem is. Aist, nasayang tuloy ang ilang oras natin, dapat ngayon nag---
Binigyan ko siya ng tinging nagtatanong.
"Nevermind."
Hindi ko na lang din inungkat pa.
"Saan pala tayo pupunta?" Okay na ngayon sa akin kahit dito na lang sa mall.
"My first plan is to watch a movie with you but you just gave me a better idea a while ago." He's smiling mischievously. I remembered nong sinabing kong sa hotel na lang kami pumunta. Nanlaki ang mga mata ko. Dont tell me sa hotel nga kami pupunta? What the-- "I realized that if I'm gonna spend a day with you, then i'll spend it with you ... alone."
Tsaka nito binuhay ang makina ng sasakyan.
**************
Gee❤️
Nagmamahal,
Citrisyenn