Chapter 7.5

2852 Words
-Seven.five- Nick's Pov Pilit kong inaaninag ang babaeng kamukha ni Shiinel. Gaano ba kalalala itong nararamdaman ko at kahit sa ibang katauhan ay mukha niya ang nakikita ko? Pero bakit ganon? Nakapagtataka. Hindi siya si Shiinel, pero bakit kumakabog ang dibdib ko katulad ng pagkabog nito kapag kaharap ko siya? Katulad ng nangyari kanina. Flashback "Ms. Vinicio?" Teka, why am I calling her? "Yes sir?" Ano bang sasabihin ko? Bakit ko nga ba siya tinawag? Kumunot ang noo nito habang nag-aantay ng sagot ko. "N-nothing." My heart is racing. Akala ko ba isa lang ang puso? Bakit parang sa akin tatlo. I feel weird. Parang napapagod ako at pinangangapusan ng hininga. Pakiramdam ko, anong oras man ay malulunok ko na ang dibdib ko. Ano bang nangyayari saken? Am I sick? I can't find a word to say kaya aligaga akong naghanap ng mapagtutuonan ng pansin. Para umalis na siya at hindi mapansin ang kakaibang reaksyon ko sa presensya niya. Ang gulo. But maybe, just maybe, I just want her to stay. Flasback end Napailing na lang ako ng maalala iyon. I called for the waiter and ask for another shot. "Sir marami na po kayong naiinom, kaya nyo pa po ba?" "I'm not asking for your fvcking opinion. Give me my drink and fvck off." Kaya ayokong ng nalalasing eh. Nagkakaroon kasi ako ng ibang personality depende sa kung ano ang nararamdaman ko. After having my drink. Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa babaeng yun. Nakikipagtawan siya sa mga kasamahan niya. Siya lang kasi ang nakaharap sa direksiyon ko kung kaya't mukha niya lang ang nakikita ko. "Ano ka ba Shiinel, isa lang naman! Sige na, promise hindi to nakakalasing." "A-ano, hindi talaga pwede. Maybe next time." Kinumpas kumpas pa nito ang kamay na sinasabing ayaw niya talaga at tsaka ngumiti ng pilit, but what the fvck?! Did they just call her Shiinel? Sh*t siya nga! My eyes become deadly ng makita kung inabutan siya ng isa sa mga kasamahan nito ng alak. "A-ayoko talaga." Patuloy nitong tanggi. "Ano ba wag niyo na nga siyang pilitin! Akin na, akin na lang yan! Gantong broken hearted ako, wag niyo kong pinagloloko!" That's Luz. "Luz, lasing ka na. Tsaka para kay Shii ito." I've heard that voice ... oh shiizz, siya yung--- Agad akong napatayo sa kinauupuan ko, pero dahil sa sobrang hilo ay muntikan na akong matumba. Mabuti na lang ay medyo nabalanse ko ang sarili ko, yun nga lang ay nakabunggo ako. Uggh, but who cares? "Oh fvck. Look what you've done?! Nananadya ka ba ha?!" Hindi ko siya pinansin. What I have in mind is to wring that bastard's neck! "Bingi ka ba?! Tingnan mo nga tong ginawa sa damit ko! Sh*t this." I look at him with my piercing eyes dahilan para medyo mapaatras ito. No one dares to cross my way, not when I'm this pissed. "You shut the fvck up or I'll throw your filthy face out of here?" "A-ah----" "Tsk." Nilagpasan ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad ng pagewang gewang. But after a few more steps, nakaramdam ako ng matinding pagkahilo and the last thing I remember is when people swarm around me before I passed out. Shiinel's Pov "Sige Shii, una na kami ah. Sigurado ka bang okay lang na iwanan na kita? Pwede naman akong magpaiwan at kay Aldrix ko na lang ipahahatid tong si Luz. Nakanaman kasi tong babaeng to, bungangera na tanggera pa." "Oysh, kung ako bungangera yung dalawa na mang higad na tinibuan ng ngusho, mga feelingera! Psh. Aagawin pa nila shi shir Nick shakin!" Kapit kapit ito ni Gio sa braso dahil lasing na nga ito. Anlakas naman kasi talaga nitong uminom. Maliban sa sarili nitong inumin, inaagaw niya pa pati yung para sa akin. Kaya kung nakainom man ako ay mga dalawang beses lang. Tapos ang ingay ingay pa nito. Ngawa ng ngawa kanina pa. Tsk tsk. Dumako ang tingin nito sa akin. "Ayheychu! Ano ba Gio, bitawan mo nga ako! Sasakay na ko!" Bumitaw nga ito sa pagkakahawak ni Gio. Pikit mata at paggewang gewang nitong tinahak ang daan papunta sa kotse ni Gio. "Let's go party baby!" Napailing na lang kaming dalawa sa paggiging childish ni Luz. Anlakas ng tama ng babaeng yun. "So pano, okay ka na talaga? Una na ko." "Oo nga, ang kulit. Sige puntahan mo na si Luz dun at baka nagwawala na yun dun sa loob ng kotse mo." "Oh sh*t oo nga, sige Shii! Ingat!" Kumaway na lang ito at patakbong lumapit sa kotse nito. "Sh*t Luz! Wag mong sirain ang stereo ko!" Napailing na lang ako habang tinatanaw ang palayong sasakyan. "Pano na to? San natin to dadalhin? Tingnan mo oh lasing na lasing." "Aisst, kasi kanina pinipigilan ko na kaso ayaw magpapigil. Inom pa din ng inom kahit halatang lasing na. Sir, sir, gising po. Kailangan nyo ng umuwi, magsasara na kami." "Mmmm ..." Nakita ko ang dalawang lalaki na may inaalalayang isa pang lalaki. Base sa suot ng dalawa, mukhang mga waiter ito sa loob ng bar. Dumako ang tingin ko sa lalaking hawak ng dalawa. Naka-business suit pa ito pero nakayuko na sa sobrang kalasingan. Ano kayang problema nyan at nagpakalango masyado sa alak? "Teka pre, kapkapan mo nga, tingnan mo kung may ID o kahit calling card sa wallet, kahit anong may address niya basta mapahatid na natin to!" "Pre, pasasakayin na natin to sa taxi? Eh pano kung ma-denggoy to ng luko-lukong driver, eh di lagot tayo? Mukha pa namang anak mayaman to." "Aisst basta, kapkapan mo na lang! Mas delikado kung iiwan natin yan dito! Kung gusto mo iuwi mo to!" "Tss, oo na, kakapkapan na!" Naghanap ito sa bulsa ng lalaking lasing habang bumubulong bulong. "Loko naman tong taong to, oo. Maglalasing di naman pala kaya tapos kami pahihirapan. Madadale naman ako ng Misis ko kapag inuwi ko to." "Matagal pa ba yan? Nangangalay na ko!" "Oo eto na!" "Buksan mo na." Nakita kong binuklat ng lalaki ang laman ng wallet at naghanap don. Pero teka nga, bakit ko ba sila pinapanuod? Kailangan ko ng umuwi at siguradong nagtatampo na sa akin ang anak ko. Kinuha ko ang susi sa loob ng bag ko at tsaka nagtungo sa kotse para buksan yun. Sa pwesto ko ngayon ay naririnig ko parin ang usapan ng dalawang waiter. "Eto may calling card. Hmm ... Nickolas Allen Sobremonte yung pangalan, CEO of NAS Com---Tangna mo ka pre! Siya yung binatang multimillionaire!" "Tangna naman ... tulungan mo na ko dito at baka nabalian ko na to. Kaya pala pamilyar ang mukha. Hanep, mas lalong hindi natin pwedeng basta basta isakay to!" Napatda ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang pangalan ni Mr. Sobremonte. S-si sir Nick yon? Walang pagdadalawang isip akong tumakbo para bumalik sa dalawang waiter na may hawak kay sir Nick. Medyo nagulat pa nga sila ng makitang may tao pa pala doon at babae pa. "Miss gabi na, ano pang ginagawa mo dito?" Tanong nong isang waiter na may hawak sa wallet ni Sir. "Ako na pong magdadala sa kanya, kakilala ko po siya." Walang paligoy ligoy kong pahayag. Nagdadalawang isip ang mga matang tumingin sa akin Ang dalawang waiter at alam kong natural lamang na hindi agad magtiwala ang mga ito. Kinuha ko ang ID ko sa loob ng bag at ipinakita iyon sa dalawa na bahagyang napatango ng mapagtantong empleyado ako ng lalaking hawak nila. Iginiya nila papasok ng kotse ko si sir Nick, sa may passenger seat. Matapos nilang kunin ang plate number ng kotse ko ay tsaka naman sila nagpaalam para umalis. Nagpasalamat naman ako at ganon din sila. Inayos ko lang ang seatbelt ni sir Nick at tsaka binuhay ang makina ng kotse. Patay na ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay maliban na lang sa may bandang sala. Kahit hirap sa paggalaw ay nagawa kong makuha ang susi sa bulsa ko at mabuksan ang pintuan. Uggh, ang bigat pala ni sir! Pagkabukas ng pintuan ay agad kong tinungo ang isang maliit na kwarto sa ibaba ng hagdan. Ang alam ko ay bakante yun. Pwedeng doon na lang muna siya matulog. Pinihit ko ang seradura. Mabuti na lang bukas. "Sino yan? Shii, ikaw ba yan?" Agad kong nahila pasara ulit ang doorknob ng marinig ko ang boses ni Lilang mula sa loob. Oo nga pala, siya na yung umuokupa ng kwartong to! "H-ha a-ah eh, oo ako to. Titingnan ko lang sana kung gising ka pa." Hindi niya pwedeng makitang may dala akong lalaki! Narinig kong bahagyang napaungol si sir Nick sa tabi ko kasabay ng kaluskos ng mga paa mula sa loob. Agad kong tinakpan ang bibig ni sir Nick. "W-wag ka ng lumabas Lilang!" Hindi ko napigilan ang bahagyang pagtaas ng boses ko dahil sa nerbiyos. Hindi niya talaga pwedeng makita si sir Nick! "Shii okay ka lang?" "O-oo, wag ka ng lumabas. Okay lang talaga ako. Naistorbo pa tuloy kita, sige matulog ka na ulet." "Hindi okay lang, gusto mo ba ng makakain ipaghahan----" "Hindi, hindi, hindi! Okay na ko. Sige matulog ka na ulet. Promise okay lang ako." Desperada na talaga ako. "Oh sige." Narinig ko ang muling pagkaluskos ng paa nito, tanda ng pagbalik nito sa higaan. Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa relief na naramdaman ko. "Aah, Shii?" Napapikit ako ng mariin ng muli kong marinig ang boses ni Lilang. Nangangalay na ko eh! "Hindi mo ba dadalawin muna si Rui?" "Oo, sige dadaanan ko mamaya." Lilang tama na please! "Sige, goodnight." "Goodnight." Hooh! Ang problema na lang ngayon ay kung san ko patutulugin si sir. Maliit lang ang bahay ko at may tatlo lamang kwarto. Dalawa sa taas at isa sa baba. Yung isa ay kay Rui at ang isa ay sa akin. Hindi narin bakante ang sa baba dahil nandoon na si Lilang. Hindi naman siya pwedeng matulog sa sala dahil siguradong makikita siya ni Rui. Magtataka ang bata at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kung sakaling magtanong siya. Isa pa, hindi rin pwedeng makita ni sir Nick si Rui dahil ang sinabi ko sa kompanya ay dalada pa ko. Tsk. Problema to. Bakit ko pa kasi naisipang dalhin dito si sir, ayan tuloy namomroblema ako. Pero hindi ko rin naman kasi siya pwedeng iwan don. Konsensya ko pa kapag may hindi magandang nangyari sa kanya. At the end ay naisipan kong sa kwarto ko na lang siya dadalhin. Sa sitwasyon niya ngayon, hindi niya naman siguro makakayang gawan ako ng masama. Ihiniga ko siya sa kama at tsaka tinanggalan ng sapatos. Pinunasan ko narin siya ng basang bimpo para naman mahimasmasan ng kaunti. Basang basa ng pawis ang likod niya. Panong hindi eh ang init init ng suot niyang coat. Hinubad ko iyon mula sa kanya. Shiiz ... pati suot na panloob ay parang mapipigaan na sa sobrang basa. Napalunok ako. Tatanggalin ko rin ba to? Wala naman akong gagawing masama. Kailangan ko lang talagang alisin yun dahil baka magkasakit siya kapag natuyuan siya ng pawis. Pero teka nga, bakit ba ko nagpapaliwanag sa sarili ko? Bago pa man ako mabaliw ay lumayo muna ako para hinaan ang aircon. Pagbalik ko sa kama ay tsaka ko tinanggal ang suot niyang long sleeve. Ilang beses ata akong napalunok ng tuluyang mahantad sa akin ang katawan niya. Hindi nakapagtatakang pinagpapantasyahan ito ni Luz. From his broad shoulders, bumaba ang tingin ko sa dibdib nitong tila napakatigas at kaysarap sandalan pababa sa tiyan nitong may bundok-bundok na--ano nga bang tawag don? Abs? Oo yun nga! Parang ang sarap nilang hawa----uggh! Nape-pervert na ko! Hindi kaya ako tanggalin ni sir kapag nalaman nita tong ginagawa ko?! Pikit mata kong pinunasan ang katawan ni sir. Baka kasi kung ano pang magawa ko kapag nagmulat ako at nakita ang dibdib nito. I wonder how great it is leaning on his chest. Pagkatapos ko siyang punasan ay itinaas ko ang kumot hanggang dibdib nito para hindi ito lamigin. Sa sofa na lang siguro ako matutulog. Mag-aalas dos na ng madaling araw at inaantok na talaga ako. Umupo ako sa kama at inabot ang isang unan sa tabi ni sir Nick, pero ganon na lamang ang gulat ko ng maramdaman ko ang pagyakap ng mga braso niya sa bewang ko dahilan para mawalan ako ng balanse at mahiga sa tabi niya. Gulat na napatingin ako sa kanya. Mahimbing parin naman ang tulog nito at tila walang alam sa ginagawa. Nananaginip ba siya? Pero ang mas nakapagtataka, wala man lang akong makapa ni kaunting pagkabahala sa ginagawa niya bagkus ay parang nagustuhan ko pa iyon. Pinili ko na lamang pagmasdan ang mukha niya. Nakakatuwa naman, ganito pala siya kagawapo sa malapitan. Walang bakas ng kasupladuhan ang mukha nito kapag tulog, di tulad kapag gising ito na palaging nakakunot ang noo. Napadako ang tingin ko sa mga labi nitong bahagyang nakaawang. Bakit ngayon ko lang napansin na nakakaakit pala ang mga iyon? Hindi ko napigilang pasadahan ng daliri ang mga labi nito. Napakalambot. A part of me is urging my body to do something. Pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko, nauuhaw ako and only one thing could clench that thirst. I lowered my head. Even the smell of his breath is enticing. Mas nakakalasing pa ata iyon kesa sa alak na ininom ko kanina. Hindi niya naman siguro malalaman diba? Lasing naman siya. Kahit isang beses lang. Before I could even change my mind, idinikit ko ang mga labi ko sa labi niya. Tama nga ako, napakatamis nila. Nakakalango ang mga iyon, nakaka-addict. I heard him groan, pero imbes na tumigil, I deepened the kiss. They're just so sweet that I can't help it but to ask for more. I bit his lower lip. Thinking that in that way ay sasagot ito sa mga galaw ko kahit alam ko namang imposible dahil tulog ito. Ano kaya ang pakiramdam ng maramdamang gumagalaw din ang mga labi nito? I continued kissing him. Huli na ng ma-realize kung ano ang katangahang ginagawa ko. Sh*t! Sh*t! Sh*t! What am I doing?! Agad kong inilayo ang mukha ko sa kanya. Ganito na ba ako ka-desperada?! Nasapo ko ang noo ko. Tinanggal ko ang pagkakayakap sa akin ni Sir Nick at tsaka mabilis na umalis sa kama. Sa sofa na lang ako matutulog. Umaga na ng magising ako. Nang tumingin ako sa kama ay wala ng anumang bakas doon ni sir Nick. Siguro madaling araw pa lang ay umalis na ito. Kawawa naman siya baka may hang over pa yun. But I saw a piece of paper sa may side table. Kinuha ko iyon at binasa. Thank you for last night. Yun lang ang nakalagay sa sulat kaya hindi ko napigilang maguluhan. Para san siya nagpapasalamat? Sa pagdala ko dito sa kanya? O para sa--- Uggh! Hindi niya naman siguro nalaman yun diba? I hope so. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at ginawa ko yun! "Mom? Can I come in?" Narinig ko ang tinig ni Rui mula sa labas. Bigla tuloy akong nasabik sa anak ko. Naalala kong hindi ko nga pala siya nadaanan kagabi. "Sure sweetie, come in." Suot pa nito ang spiderman pajama nito at plain white T-shirt. Kusot kusot pa nito ang mata at halatang ako ang unang pinuntahan pagkagising. "Sweetie, I told you not to rub your eyes. That isn't a good habit." "Sorry mom. Let's eat? I'm starving." "Okay." Bumababa na kami para makakain ng agahan. Naabutan pa namin doon si Lilang na naghahanda ng pagkain. "Aba, tinotoo mo nga yung sinabi mo kagabi na aagahan mong magising para makasabay mo ang mommy mo sa pagkain ah." Nilagyan ko ng sinangag, hotdog and egg ang plato ni Rui. "Of course, people should do what they've said. Right mom?" Tinanguan ko na lamang ito. Batang to, ke aga aga ang seryoso! But i'm glad that despite of my son's age ay alam na nito kung ano ang tama. "Kuuu, sige pagbibigyan kita ngayong bata ka dahil kahapon ay mukha kang pinagsakluban ng kaldero. Alam mo Shii, sabi niya kahapon kaya ka daw hindi umuwi dahil naghanap ka na daw ng mas gwapong baby! Kaya ayun, lungkot na lungkot siya. Hahaha." "I didn't said that! Mom don't believe her. I really didn't say that." Namumula na ang mukha ni Rui. My son is so cute. I know that he's trying to be mature and it's just cute na lumalabas parin talaga ang natural nito. "Sinabi mo kaya yun!" Pilit pa ni Lilang na ikina-pout ni Rui. "Mom ... don't believe her." Pilit kong pinipigilan ang tawa ko dahil ayokong tuluyang mapahiya ang anak ko. Gustung-gusto niya talagang isipin ng ibang tao na matanda na siya. I wonder why? Marami pang tuksuhan ang nangyari habang kumakain kami. Si Lilang at Rui lang naman ang nag-aasaran. It's good to know na sa sandaling panahon ay nagkapalagayan na ng loob ang dalawa. Kung palagay nga bang matatawag ang pag-aasaran ng dalawa. Dahil maaga pa naman, ako na ang nagpaligo kay Rui. Babawi muna ako sa anak ko at siguro'y mamaya ko na lang iisipin kung papano ko pakikiharapan si sir Nick. [Unedited] ******* Gee❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD