-Eight-
Shiinel’s
Gumayak na ako para pumasok sa opisina. Matapos kong magpaalam kay Rui at magbilin kay Lilang ay sumakay na ako sa kotse para umalis.
-NAS Company-
Pinaghalong kaba at pagkabahala ang nararamdaman ko habang naglalakad papasok sa loob ng kompanya. That letter left on my bed still bugs me. Ano ba talaga ang ibig sabihin ng Thanks for the night?Naguguluhan ako.
"Uy, angel kanina ka pa tulala dyan! Problema mo?"
Nasa finance na ako ngayon at kasalukuyang inaayos ang mga disorganized na mga files. Ang gugulo kasing tingnan.
"H-huh? Ah wala! May iniisip lang. Balik ka na dun, baka makita pa tayo ni sir na nagkukwentuhan during working hours malagot tayo."
"Angel naman ..."
"Hmp! Angel daw ..."
Napatingin ako dun sa nagsalita, si Alexa. Isa siya dun sa mga babaeng kinaiinisan ni Luz for I dont know what reason. Nginitian ko siya pero inirapan niya lang ako.
"Hayaan mo na yan. Insecure lang yan, mas maganda ka kasi." Bulong ni Gio na ikinatawa ko.
"Bola mo! Bumalik ka na nga don!"
"Ayan, mas maganda ka kapag ganyan." Tukoy niya sa nakangiti kong mukha. "Sige balik na ko. Lunch maya sabay tayo ah!" Tinanguan ko lang siya.
"Ay teka Gio!"
"Ano yun?"
"Si sir Nick ba madalas lumalabas ng office niya? Para alam mo na yun, maglibot libot."
Nangunot ang noo nito na tila naweirduhan sa tanong ko. Ano namang weird don? My father use to do that. Personal nitong ini-inspect ang bawat departments and even the small facilities of our company para makasigurong maayos ang lahat. That might sound tiring sa laki ng kompanyang hinahawakan niya pero nagagawa niya.
"Alam mo kasi yan si sir, once in a blue moon lang namin yang nakikita. Maagang pumapasok and often, late na itong umuwi. Sabi ng mga guard sa labas, gabi na daw nila nakikitang umaalis yung kotse ni sir. "
"Eh yung pagpunta sa mga department, ginagawa niya ba?"
"Nope. May mga trusted employee si sir para sa mga ganyan, katulad na lang ni Mrs. Santillan." Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Gio. Kung hindi pumupunta sa mga departments si sir Nick then I'll be safe. Hindi kami magkikita at hindi ko kailangang mangapa ng eksplanasyon sakaling magtanong siya. Kung tutuosin ay wala akong dapat ipaliwanag dahil nagmagandang loob lang akong dalhin siya sa bahay pero kasi ... what if nalaman niya yung---Hindi naman siguro! Don kasi ako mas kinakabahan.
"Bakit mo naman naitanong? Crush mo si sir Nick no?"
"Hindi ah!" Agad kong tugon na pinagsisihan ko rin dahil nagmukha ata akong defensive. Ayoko namang ma-misinterpret ang pagtatanong ko.
"Defensive ... Andyan na si head! Sige alis na ko. Uy yung lunch ah!" Tinanguan ko lang siya ulet. Ang kulet. Pero mabuti na lang at hindi ko na kailangang kabahan.
"Excuse me, nasaan si Shiinel?"
Napatingin ako doon sa bagong dating. Bakit naman ako hinahanap ni Michelle? Lumingon lingon siya tsaka dumako sa akin ang tingin niya.
"Nandiyan ka pala!"
"Bakit?"
"Pinapatawag ka ni sir Nick sa taas, pumunta ka na daw ngayon."
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa narinig. Akala ko pa naman makakaiwas na ko sa kanya. Ano naman kaya ang dahilan at pinatawag niya ko? Tatanggalin niya na ba ko dahil sa ginawa ko? Pero sobra naman ata yun.
"Bakit kaya yan pinatawag? May ginawa sigurong palpak kaya pagagalitan."
"Siguro. Baka naman tatanggalin na? Pero infairness girl ang swerte niya makikita niya si sir! Sana ako din!"
Mas lalo akong kinabahan sa mga sinabi ni Mia at Alexa. Pano kung totoo nga? Lagot talaga ako.
"Manahimik nga kayong dalawa! Magtrabaho na kayo, hindi yang ginagawa nyong salamin ang monitor niyo!" Saway ni Karen sa kanila. Isa siya sa mga palagi naming nakakasabay tuwing lunch. Dedicated din yan sa trabaho.
"Ewan ko sayo, Maria clara!"
Medyo makaluma kasi manamit si Karen at masyado pang makapal ang glasses na suot. Parang tulad ko rin noon. Ngayon kasi ay nagsusuot na ako ng contacts, though hindi parin ako nagsusuot ng mga fit na damit. Eto nga lang uniform ko ang nag-iisang damit ko na humahakab sa katawan ko. Required kasi kaya kailangan kong pagtiisan.
"Tara na? Baka mainip na si sir Nick. Ibang klase pa naman magalit yun."
Muling bumalik ang kaba sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Michelle. Bakit ba sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya sumisikdo ang dibdib ko? Parang palagi akong kinakabahan na hindi ko maintindihan. Something is different with that name na naghahatid ng kakaibang epekto sa sistema ko.
"Sa tingin mo, bakit niya kaya ako pinatawag?"
Nasa elevator kaming dalawa.
"Hindi ako sigurado eh, pero absent kasi si Luz, baka kailangan niya ng assistant." Sh*t. Ibig sabihin mas magtatagal pa akong kasama siya? I think I can't do that. Bakit naman kasi ngayon pa naisipang umabsent ni Luz?
Habang palapit kami ng palapit sa opisina ni sir ay palakas naman ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Parang may malaking leon sa loob ng opisinang yon na handa akong sagpangin sa oras na pumasok ako don.
"Sige, pumasok ka na. Alis na ko."
"A-aalis ka na talaga? Hindi ba pwedeng samahan mo muna ako sa loob?"
"Hindi pwede ano ka ba. Sige aalis na ko. Ikaw din pumasok ka na at kanina ka pa hinihintay ni sir."
Umalis na nga ito at wala akong nagawa kundi lumapit at dahan dahang buksan ang pinto. This is it. Maaalis na ata talaga ako sa trabaho.
Kinakabahan akong pumasok sa loob. At imbes na galit o iritadong sir Nick ang mabungaran ko, I saw him busy scanning some papers at tila walang anumang dinaanan ako ng tingin.
"You're late." He said coldly without bothering to look at me.
"A-a sir kasi po ..." I tried to explain but end up wondering in to which incident will I apologize, for being late or for kissing him last---uggh not again.
"What?"
"Ummm ..." I bit my lower lip. I dont know what to say!
"Dont bother, I want you to encode those files." Turo nito sa mga nakatambak na folders sa harap nito. Seryoso? Lahat yun? " I need that ASAP. Here use this one." Iniabot niya sa akin ang isang laptop. Kinuha ko iyon kasabay ng ilang mga folders sa lamesa para dalhin sa labas at doon iyon tapusin.
"And where do you think you're going?" Kunot noo nitong tanong.
"Sa labas po. Don ko na lang po to gagawin sa table ni Luz." Pagpapaliwanag ko.
"No, I want you to work on that here. It's better that you're here para masabi ko agad kung may gusto akong idagdag."
I protested inwardly. May telephone naman ah. Tingin ko kasi hindi ako makakapagtrabaho ng maayos kapag nasa malapit lang siya. Pakiramdam ko anytime ay tatanungin niya ko, parang delikado.
Noong una ay nakikiramdam lang ako. Wala naman siyang ginagawang kakaiba o anuman. Busy ito sa pagbabasa at sa pagpirma ng mga papeles. Kung may alam ito, dapat ay kanina niya pa ako pinagalitan o kinompronta, pero hindi eh. He's not even saying a word and continue with his works at para bang hindi ako nag-eexist within his office. So I assume na hindi niya talaga alam. Sabagay, lasing na lasing siya non kaya siguradong oblivious siya sa kung ano ang ginawa ko. Hooh! Bakit ngayon ko lang naisip yun?
With that ay tuluyan na ngang nakalma ang sistema ko. I continue with may work at hindi na pinansin pa ang katahimikang bumabalot sa loob ng opisina. Tanging tunog lang ng keyboard at papel ang maririnig mo sa loob, not even a single word from the both of us. Pero ano nga bang dapat naming pag-usapan? We don't even personally know each other.
Lunchtime na pero hindi pa umaabot ng kalahati ang natatapos ko. Sumasakit narin ang mga daliri ko at nagugutom na ko. Hindi pa ba kami kakain? Dumako ang tingin ko kay sir Nick na kanina pa nagbabasa ng ibat-ibang papeles. Hindi ba uso ang kumain sa kanya? Gutom na ko eh.
I wait for a few minute. Kahit naman gutom na ko ayoko paring mang-istorbo.
Pagkatapos ng ilang minuto ay hindi parin ito natatapos. Gutom na talaga ko, hindi ko na kaya!
"Sir?" Untag ko sa kanya.
"You hungry?" Ibinaba niya ang papeles na hawak niya. Nakakahiya naman kung sasabihin kong oo. "I'll just ask Michelle to send some food."
"Pero sir, pwedeng ako na lang po ang buma---"
"No buts, just stay." Hindi pa man ako natatapos ay pinutol niya na ang sasabihin ko. Pagkatapos non ay muli niyang ibinalik ang tingin niya sa binabasang papeles at di na nagsalita ulet. I just bit my lower lip. Naalala ko si Gio, nakapangako pa naman akong sasabayan siya sa lunch.
Dinampot nito ang telepono at may tinawagan. Maya maya pa ay dumating si Michelle dala ang maraming pagkain na sa tingin ko ay susobra pa para sa dalawang tao. Pagkatapos maihatid ang pagkain ay agad namang umalis si Michelle.
"I think we should eat."
I dont think its a good idea to eat with the great Nickolas Allen Sobremonte. Hindi pa nangyayari, pero naiilang na ko.
"I think we should find a spot where we can eat. Puno na ang table dyan, pati na rin dito ... so san ba?" Mabilis akong napatingin kay sir Nick. Anong bang meron at parang may kakaiba sa sinabi niya? Siguro dahil ngayon ko lang siya narinig nanagalog ng mahaba, pero hindi eh. There's something in his tone, parang may hint of excitement. But why? And for what? "I think pwede dun." Turo nito sa isang bakanteng lamesa na may iilang folders na nakapatong.
Tinulungan ko siyang ilipat doon ang mga pagkain. Isinantabi ko muna ang hiyang nararamdaman ko dahil talagang nagugutom na ko. Habang kumakain ay halos hindi na ako tumitingin kay sir Nick, hindi lang dahil gutom ako kundi dahil ayokong makumpirma ang hinala kong kanina niya pa ako tinititigan habang kumakain.
Kahit papaano ay matiwasay kaming natapos kumain. Nabusog ako pero si sir Nick ay mukhang hindi pa kuntento. He took his glass and drank from it.
"Gutom pa ko."
Sinasabi ko na nga ba. Marami pa namang naiwang pagkain sa mesa. Ayaw niya ng mga yun?
"Sige magpapadala na lang po ako ulet ng pagkain mula sa baba." I was about to stand and make a call but sir Nick was too fast. Nagulat ako ng bigla niya akong hinawakan sa braso. I was about to face and confront him but instead, i've got a smack on the lips.
"Dont bother, busog na ko ngayon lang." My heart skip when he revealed his naughty grin again.
"S-sir?" That's all I could utter. I don't know what to think. I don't know what to say. Nagulo pati ang sistema ko! Bakit niya ko hinalikan?!
"Nabitin ako sa ginawa mo kagabi, but I like it." He said chuckling at hindi ko mapigilan ang mabilis na pamumula ng mga pisngi ko. Ibig sabihin gising siya non?! Sh*t! Parang gusto ko na lang lumubog sa kahihiyan o kaya ay mawala!
"But next time, i'll make sure na gising ako kapag ginawa natin ulit yun."
"SIR!"
Hindi ko na napigilang mapasigaw. Parang wala lang kasi dito ang sinasabi nito samantalang heto ako at hindi na alam kung paano ko ba maitatago ang sarili ko mula sa kahihiyan.
Tuluyan naman itong napahagalpak ng tawa dahil sa naging reaksiyon ko. At kahit sa kasalukuyan kong sitwasyon ay hindi ko parin maiwasang humanga sa kanya.
This is the first time na makita ko siyang ngumingiti at tumatawa. Mas lalo pala siyang gumagwapo kapag ganon. I wonder kung ilang babae na ang nabighani ng mga ngiting yun.
********
Gee❤️