
Iniwan ng ina sa murang edad. Natutong magbanat ng buto nang dahil sa kahirapan.
Ang bunsong kapatid na lamang ni Cynthia Ocampo ang natatangi niyang dahilan para mabuhay, sa kabila ng araw-araw na pagmamaltrato ng bagong asawa ng kanilang ama.
Lubos na nagmamahal sa natitirang mahal niya sa buhay, ipinangako ni Cynthia na gagawin niya ang lahat para mabigyan ito ng isang magandang kinabukasan, kaya namasukan siya bilang katulong ng mga de Ortiz, isang maringal na pamilyang nagmamay-ari sa pinakamalaking plantasyon ng bayan ng San Vicente Ferrer na may tinatagong malaking sikreto.
Sa isang tagpo, nakilala niya ang tagapagmana ng mga ari-arian ng de Ortiz, si Esmael de Ortiz— ang panganay na anak ni Don Fernando na magtuturo sa kaniya sa sarap at tinik ng pag-ibig.
Sa marangyang pamamahay ng pinakamapangyarihang angkan sa kanilang lugar, mararanasan niyang magdusa, lumuha, puspusang magmahal. . . at higit sa lahat, matututunan din niyang lumaban.
