“ARE YOU ready, Carli?” tanong ni Rob habang kumakatok sa pinto ng hotel suite ni Carli. Katatapos lamang niyang ayusin ang buhok niya nang kumatok ito. Nakapaa siyang naglakad patungo sa pinto at binuksan iyon. “Not yet, I see,” agad na sabi ni Rob nang pasadahan siya ng tingin. Apologetic na ngumiti siya. “Sorry. Magsasapatos lang ako. Okay lang ba itong suot ko?” tanong niya. Nakasimpleng pulang bestida siya na humahakab sa katawan niya at hanggang kalahati ng mga hita. Naka-crisscross sa leeg niya ang strap niyon na hanggang kalahati ng likod niya. Wala siyang makeup maliban sa face powder at pulang lipstick. Ngumiti si Rob. “You’re gorgeous. Now, put your shoes on and we’re ready to go.” Tumalima si Carli. Pagkasuot niya ng sapatos niya ay nagtungo siya sa banyo upang pasadaha

