WALANG ibang gusto si Cade kundi ang matapos na ang gabing iyon. He wished he had another important appointment he couldn’t postpone. O sana pinilit niyang pagsalitain si Ross kung sino ang mga taong gusto nitong ipakilala. Sana ay nakapaghanda siya. Di sana ay wala siya roon ngayon. Caught off-guard. At sa propesyon man niya o personal na buhay, ayaw niyang nangyayari iyon sa kanya. Mabuti na lang ay dumating na ang mga order nila at maaari niyang abalahin ang sarili sa pagkain at pagbigay ng atensiyon kay Ava habang nakikipag-usap ang mga barkada niya kay Carli at sa manager nito. Who doesn’t act like a manager, puno ng disgustong naisip niya. Legal bang ganoon umakto ang manager sa talent nito? Hindi ba unethical na ganoon ito makahawak sa kamay at makalapit ng mukha sa talent nit

