Parang nawalan siya ng lakas para sampalin ito. "Why are you crying? Masakit ba, Lana? Masakit bang masampal ng katotohanan na ipinagpalit mo ako sa pera?!" Gusto niyang isigaw dito na hindi iyon totoo, na nagawa niya lang iyon dahil sa nanay niya. Ayaw niyang malaman nito ang katotohanan dahil alam niyang hindi siya titigilan ni Ethan. Mabilis niyang pinahid ang mga luha niya pagkatapos ay mapait na ngumiti at ibinalik ang pera sa may palad nito. "Salamat na lang, Ethan pero hindi ko matatanggap iyan. Hindi ko ipinapabayad ang mga sandaling sumaya ako sa piling mo kahit sa sandaling panahon lang. Totoong minahal kita, pero hindi pala sapat ang pagmamahal lang." At mabilis na siyang tumalikod at tumakbo papasok para hindi na siya nito maabutan. Mabilis siyang pumasok sa may kwarto

