bc

My Ex-Lover Is My New Step-Mom - SPG

book_age18+
14.8K
FOLLOW
76.4K
READ
possessive
sex
fated
second chance
drama
bxg
first love
stepmother
wild
like
intro-logo
Blurb

SPG - TAGALOG COMPLETED

Gulat na gulat si Lana nang muli silang magkita ni Ethan, pero sa kakatwang pagkakataon. Dahil ang unang lalaking kan'yang minahal at pinag-alayan ng kan'yang katawan ay anak pala ng kan'yang asawa. Paano mo pakikitunguhan ang lalaking galit na galit sa iyo dahil ang tingin nito sa kan'ya ngayon ay isang babaeng malandi at gold-digger.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Lana! Aba'y tanghali na!" sigaw ng nanay niya habang busy ito sa paglilinis ng mga kuko nito sa may isang paa. "Opo nay, mabilis na lang po ito." At mabilis na kinuha ang isang bilao na gagamitin para sa paglalako ng mga bananaque at iba pang klase ng mga kakanin. "Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa iyo! Kung humihinto ka na lang sa pag-aaral mo ay hindi ka napupuyat sa kaka-review! Aba'y Lana, kahit mag-graduate ka pa ng 2 years course hindi tayo makakaahon sa kahirapan! Kung ako sa iyo, tanggapin mo na lang ang trabahong inaalok ni Martha sa iyo!" bulyaw sa kan'ya ng ina niyang si Lorena. Gusto kasi ng nanay niya na tanggapin niya ang inaalok na trabaho sa kan'ya ni Martha na isang waitress sa isang sikat na bar sa lugar nila. Kung sana ay pag-we-waitress nga lang ang ginagawa ng mga ito roon, kaso ay napag-alaman niyang may extra service pa pala ang mga ito. "Nay, hindi ko ho kayang sikmurain ang ginagawa nila sa bar," mariing sabi niya rito. "Hoy! At anong gusto mo ha?! Matulad ka sa akin na nakapangasawa ng mahirap? Tignan mo ang buhay natin ngayon! Mahirap pa tayo sa daga. Kung mag-aasawa ka na rin lang, iyong mayaman na. Gamitin mo ang utak mo, Lana!" Inis pa na sabi nito sa kan'ya bago pabalyang tumayo at iniwanan siya. Napapailing na lamang siya rito, sa totoo lang ay sanay na siya sa araw-araw na sermon ng nanay niya. Ilang sandali lang ay naayos na niya ang mga dadalhin sa pagtitinda. Isinuot na niya ang kalahating apron niya at itinali sa may bewang. Pagkapatos ay itinukod sa may gilid ng bewang ang bilaong naglalaman ng kan'yang mga paninda. "Nay, aalis na po ako," mabilis na sabi niya. Hinintay pa niya itong sumagot man lang ng mag-iingat siya pero bigo siya. Kahit mahirap ang buhay ay kinakaya niya para sa ama niyang may sakit sa puso, kailangan niya kasing makabili ng mga maintenance nito araw-araw dahil wala pa silang pera na pampa-opera para rito. Nag-abang siya ng tricycle na maghahatid sa kan'ya papuntang bayan. Kung dito kasi siya maglalako sa lugar nila ay baka langawin lang ang tinda niya, mga barat pa naman ang mga tao rito. Nang makasakay ay ilang minuto lang ay mabilis na siyang nakarating sa pupuntahan. Mabilis siyang nagbayad ng sampung piso at nagpasalamat. Kaagad siyang nagpunta sa paradahan ng mga tricycle sa may bayan. Ang mga toda kasi roon ang mga pangunahing suki niya. Halos nakaka-limang hakbang pa lamang siya nang may isang mabilis na motor ang humaharurot na nasa harapan niya. Mabilis siyang napatakbo sa may gilid na naging dahilan para matapon ang lahat ng paninda niya sa may kalsada. Mabilis naman tumigil ang lalaki na naka-suot pa ng helmet. Sa sobrang inis niya ay mabilis niya itong sinugod at dinuro. "Hoy! Ikaw! Hindi mo ba alam na muntik mo na akong mapatay ha? Paano na lang kapag namatay ako?! Paano na ang pamilya--" Pero mabilis na naputol ang sasabihin niya nang mag-alis ito ng suot na helmet at nakakunot-noo itong nakatingin sa kan'ya. Bakit ang gwapo nito? Pero mabilis na binura iyon sa isip. Hindi ngayon ang tamang oras para magpantasiya. "Hey miss, sa pagkakaalam ko ikaw itong haharang-harang sa kalsada!" seryosong sabi nito. "Hoy! Para sabihin ko sa iyo, bawal magpatakbo ng mabilis! At isa pa, sa iyo ba itong kalsada na ito ha?! Bayaran mo ang mga paninda ko!" galit na galit na sabi niya rito. "Anong kaguluhan ito?" biglang sita ng isang unipormadong pulis na lumapit sa kanila. "Eto ho kasing lalaki na ito mamang pulis, ayaw hong bayaran itong mga paninda kong natapon ng dahil sa kan'ya!" inis na sabi pa niya. Nang mapatingin ito sa lalaki ay biglang nanlaki ang mga mata nito. "Ikaw na naman? Aba hijo, puro gulo na lang ang ginagawa mo. Ang mabuti pa ay sumama na lang kayo sa akin sa may presinto" At akmang hihilahin na siya nito nang pumalag siya. "Teka lang ho, ayoko pong magtagal dahil marami pa po akong aasikasukin. Basta bayaran na lang niya itong mga paninda ko dahil masiyado na akong naaabala," inis na sagot niya. "Magkano ba iyang mga paninda mo?" biglang tanong ng pulis. "One thousand pesos nalang ho, hindi ko na isasama iyong bilao ko na nasira," ismid na sagot niya. "Miss, hindi ko kasalanan na tatanga-tanga ka. And besides, wala akong pera" Puro pa-pogi wala naman palang pera. Inis na bulong niya sa sarili. "Ganito na lang, kung ayaw niyong magpaareglo gumawa na lang kayo ng kasunduan," sabi ng pulis Napagkasunduan nila na bilang kabayaran, tutulungan siya nitong magtinda ng isang linggo sa may tulay kapag gabi at ihahatid at susunduin siya sa may bahay nila. Ibinigay din nito ang number nito sa kan'ya. Inis na umuwi naman siya sa bahay nila. Kung sinusuwerte ka talaga. Kailangan pa niyang mangutang para lang may pambili ng gamot ng tatay niya. Nang ganap ng maghapon ay tinext niya ang lalaki at sinabing sunduin siya ng alas-siyete ng gabi para magtinda naman ng balot at chicharon sa may gilid ng tulay. Marami kasing tao roon kapag gabi hanggang madaling-araw dahil usong-uso ang drag racing doon. Akala niya ay hindi ito darating pero nagulat siya nang bumusina ito. Kaagad nitong kinuha ang isang basket ng mga balot na dala niya habang hawak naman niya ang malaking supot ng chicharon. Halos malaglag ang puso niya sa bilis nitong magmaneho kaya napakapit siya sa bewang nito. Nang makarating ay parang pagod na pagod siya. "Hoy! Hindi mo nga ako napatay sa sagasa kaninang umaga, pero papatayin mo naman ako sa atake!" Inis na sabi niya rito. Pero hindi siya nito pinansin. Sa halip ay ibinaba nito ang mga dala niya. "Ito ba ang lamesa mo?" Seryosong tanong nito habang nakatingin sa may lamesa na nakakandado. Mabilis naman siyang tumango. "Oo" Mabilis na inayos nila ang lamesa, ilang sandali pa ay dumami na ang mga taong nanunuod at pumupusta sa car racing. "Sexy, bili ka na" Sabay pito nito sa isang babaeng dumaraan. Nang mapalingon naman ang babae ay kaagad itong napangiti. "Ethan, ikaw pala. Sige bigyan mo ako ng itlog mo, este ng mga balot mo" Ngisi ng babae at napakagat labi pa na parang nang-aakit. Mabilis naman siyang napa-ismid. Ang landi, akala mo naman ay maganda. Bulong niya sa sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook