Ilang sandali pa ay dinagsa na ng mga tao ang mga balot at chicharon na tinda niya.
"Konti na lang ang mga ito, umuwi ka na," seryosong sabi nito sa kan'ya.
Kaagad naman siyang napailing. "Hindi pa ako pwedeng umuwi, kailangan kong maipaubos iyan dahil kung hindi, wala kaming makakain at maibibili ng gamot ang tatay ko. Naiutang ko na kasi ang kikitain ko para riyan" Mapait na ngiti niya rito.
Matagal naman siya nitong tinitigan na siyang ikinailang niya.
"I don't know kung bakit mo ginagawa iyan? Your parents are supposed to be the one who is taking good care of you, hindi mo obligasyon iyan. Dahil unang-una, hindi ka ipinanganak para maging taga-sunod lang" Inis na sabi nito na siyang ikinabigla niya.
"Huwag kang magsalita ng gan'yan, hindi gan'yan ang mga magulang ko. Ako ang may gusto nito"
"Tsk. Whatever!" Inis pa na sabi nito at biglang tumayo.
"Oh saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos," takang tanong niya rito
"I'll be right back. Ako na ang susunod" At mabilis na itong naglakad papunta sa grupo ng mga naka-motor.
Ang ibig ba nitong sabihin ay kasali ito sa mga nagda-drag race?
"Lana!" Biglang tawag sa kan'ya ng kung sino.
Nang tignan niya ito ay nakita niya si Berto na nakangiti habang papalapit sa kan'ya, may dala-dala naman itong maliit na timba na may lamang mani. Kaagad naman itong tumabi sa kan'ya.
"Halos maubos na iyang mga paninda mo ah? Bakit kasama mo pala si Ethan? Sikat na sikat iyon dito," seryosong sabi nito.
"Wala, nagkataon lang na kailangan niya akong tulungan. Tiyaka bakit mo siya kilala?" Curious na tanong niya rito.
"Lana, laki ako rito kaya kilala ko na ang bawat tao rito, bago lang iyan dito pero sikat na sikat na. Pero ingat ka ha? Playboy kasi iyan" Bulong pa nito sa kan'ya na siyang ikinalaki ng mga mata niya.
Eh ano naman kung playboy? Wala naman siyang balak na patulan ito.
"Ikaw berto, ha? Ang dumi ng utak mo. Tinutulungan niya lang ako kapalit ng mga paninda kong natapon dahil sa kan'ya" Paliwanag niya rito at mabilis na pinisil ang isang pisngi nito.
"Aray ko naman, Lana!" Nguso nito nang tanggalin niya ang mga daliri niya sa may pisngi nito.
"Tapos na kayo? Tara na" Biglang sabi ni Ethan na hindi niya namalayan na nasa may harapan na pala nila.
"Sandali, marami pa namang mga tao" Pigil niya rito nang makita niya itong unti-unting nagliligpit ng mga gamit niya.
Pero parang wala itong narinig at dire-diretsong isinabit sa may motor nito ang basket niya.
"Hoy! Kung busy ka, kaya ko namang mag-isa. Sanay na ako rito. Sige na, mauna ka na" At akmang hihilahin niya ang basket nang matalim siya nitong titigan.
"Uuwi na tayo" Matigas na sabi nito. Ilang sandali pa siyang nakipagtitigan bago tuluyang napabuntong-hininga at sumakay sa motor nito. Bago iyon ay kumaway pa siya may Berto.
Ilang sandali lang ay mabilis na silang nakarating sa harapan ng bahay nila. Mabilis din nitong tinanggal ang suot na helmet.
"Hindi pa pala tayo magkakilala, I am Ethan Hernandez. Ikaw?" seryosong tanong nito.
"Lana, Lana Munoz," maikling sabi niya at mabilis na kinuha ang mga gamit.
Pero nagulat siya nang bigla itong nag-abot sa kan'ya ng limang libo.
"P-para saan ito?" naguguluhang tanong niya.
"For you, sa mga paninda mong natapon ko. Pambili na rin ng gamot ng tatay mo" Seryosong sabi nito na siyang ikinabigla niya.
"Naku! Hindi ko matatanggap iyan, napakalaking halaga niyan. Iyong mga natapon kong paninda na lang ang bayaran mo tapos kwits na tayo," seryoso rin na sabi niya rito at mabilis na hinugot ang isang libo.
Pagkatapos niyon ay mabilis siyang nagpasalamat. "Salamat sa pag-tulong mo sa akin kanina," ngiti niya rito at mabilis na ring pumasok sa loob ng bahay bitbit ang mga paninda niya.
Bakit ganoon? Sa simpleng tingin nito ay bakit parang biglang kumabog ang puso niya?
Pero mabilis niya itong isinantabi at mabilis na naglinis ng katawan at nahiga. Lunes bukas at maaga pa ang pasok niya, kailangan niya pang magising ng maaga para magluto ng almusal.
Alas-kwatro pa lang ng umaga ay gising na siya para magluto at pakainin ang tatay niya para makainom na ito ng gamut habang ang nanay naman niya ay masarap pa ang tulog.
"Pasensiya ka na anak, ha? Kung pati ako ay naging pasanin mo. Dapat ako ang gumagawa ng mga iyan para sa inyo" Malungkot na sabi ng tatay niya habang nakatingin sa kan'ya.
"Tay," sabay kuha ng isang palad nito. "Huwag po kayong mag-alala, okay lang po ako. Masaya po ako sa ginagawa ko kaya magpagaling lang po kayo riyan" Ngiti pa niya rito sabay pisil ng palad nitong hawak-hawak niya.
Pagkatapos ay mabilis na siyang naligo at nag-bihis. Alas-otso hanggang ala-una ang pasok niya. Half day lang siya kaya makakapagtinda pa siya ng merienda sa hapon. Araw-araw ay ganito ang routine niya.
Kinagabihan ay mabilis na niyang inayos ang mga dadalhin sa tulay na mga paninda nang biglang may humintong motor sa may harapan ng bahay nila.
Nang tignan ito ay nagulat siya dahil nakita niya na naghihintay si Ethan kaya mabilis niya itong nilapitan.
"Tara na," ngiti nito sa kan'ya.
"Ethan, hindi mo na ito kailangang gawin. Bayad ka na sa utang mo sa akin kaya wala ka ng obligasyon na sunduin at tulungan ako," seryosong sabi niya rito.
"Huwag ka ng umangal," sabi nito at mabilis na kinuha ang basket niya at sinabit sa may motor nito.
Wala siyang nagawa kaya sumakay na rin sa motor nito. At isa pa, makakalibre siya ng pamasahe.
Halos araw-araw ay naging ganoon ang mga pangyayari. Susunduin at ihahatid siya nito. Unti-unti na rin niya itong nakikilala, madalas din itong napapaaway dahil sa mga boyfriend ng mga babaeng madalas na lumalandi at nagpapapansin kay Ethan. Napansin din niyang magaling itong magsalita ng english kahit na ang sabi nito ay mahirap lang ito kaya hindi ito nakapag-aral dahil ulila na ito sa mga magulang. Nagtataka rin siya dahil mamahalin ang mga gamit nito pero hindi na siya nagtanong dahil baka nakakabili ito ng mga ganoong klase ng mga gamit dahil na rin sa mga perang napapanalunan nito sa drag race.