Chapter 3

1037 Words
"Lana," biglang tawag sa kan'ya ni Ethan habang busy siya sa pagliligpit. Mag-aala-una na rin kasi ng umaga nang mga oras na iyon, malakas ang loob niyang magpuyat dahil linggo naman bukas at wala siyang pasok sa eskwela. Mabilis naman siyang napatingin dito. "Uhm, pwede ba kita ayain mamasyal bukas?" bigla ay sabi nito na ikinalaki ng mga mata niya. "Ha? B-bakit?" kinakabahang tanong niya rito. Bigla naman siya nitong iniharap at hinawakan sa may magkabilang mga balikat. "Lana, hindi pa ba obvious? Kung bakit kita tinutulungan, sinusundo at inihahatid?" seryosong sabi nito habang nakatitig sa dalawang mga mata niya. "E-Ethan, ano kasi alam mo naman hindi ba? Kulang na kulang pa ang oras ko sa pagtratrabaho at pag-aaral," seryosong paliwanag niya rito. "Lana, kuntento na ako sa konting oras na maibibigay mo sa akin. Hindi mo ba ako gusto?" Dinig niya ang tampo sa boses nito. Matagal siyang nakipagtitigan dito bago sumusukong napayuko. "Gusto," "Iyon naman pala--" "Pero natatakot ako, natatakot ako na baka masaktan lang ako Ethan, hindi ko pa nararanasan makipag-relasyon kahit kailan" Nahihiyang paliwanag niya rito. "Baby, look at me," at itinaas nito ang baba niya para magsalubong ang mga tingin nila "You don't to need be shy about that, masaya ako na ako ang magiging unang lalaking mamahalin mo. Huwag kang matakot, Lana. Hindi kita sasaktan." Ngiti nito sa kan'ya na naging dahilan para mabilis siyang mapayakap dito. Kinabukasan ay maaga siyang sinundo ni Ethan sa bahay nila. Marami silang pinuntahang lugar ni Ethan, nag-picnic, nag-mall at naglakad-lakad sa may gilid ng tulay. Hindi nila namalayang unti-unti ng pumapatak ang ulan, mabilis naman silang bumalik sa may motor nito at nagpunta sa may apartment nito. Malapit lang kasi iyon sa kinaroroonan nila kanina. Binigyan siya nito ng maluwang na tshirt nito, nahihiya naman niya itong iniabot. Mabilis siyang nagpalit ng damit sa may banyo nito. Hindi siya pwedeng magkasakit dahil kapag nagkasakit siya, wala silang kakainin ng pamilya niya. Nang lumabas ng banyo ay nakasampay na ang mga damit niya. Nahihiya naman niyang tinignan si Ethan na seryoso lang na nakatingin sa kan'ya. "Natatakot ka ba sa akin?" bigla ay tanong nito sa kan'ya. "Ha? Ah-eh, hindi bakit naman ako matatakot sa iyo," alanganing ngiti niya rito. Pero nagulat siya nang mabilis siya nitong hilahin at mariing halikan sa may labi. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil sa gulat, eto kasi ang unang pagkakataon na mahalikan siya. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang mumunti nitong mga halik pababa sa may leeg niya, pati ang mainit na mga palad nito ay hindi rin niya namalayang malayang sumasalat sa loob ng tshirt na suot niya. "I want you, Lana," bulong nito sa isang tenga niya. Mabilis naman siyang napamulat at mabilis itong naitulak. "Sorry, Ethan pero hindi pa ako handa." "Okay, I'm sorry if I am going fast. Maupo ka muna riyan at magluluto ako ng mainit na sabaw." Mabilis na sinabi nito at mabilis din siyang iniwanan. Dahan-dahan naman siyang napaupo sa may silyang naroroon. Na-dissappoint ba niya si Ethan dahil hindi siya pumayag sa gusto nito? Halos hindi sila mag-imikan habang naka-angkas siya sa likod ng motor nito. Tumila na kasi ang ulan kaya napagdesisyunan na niyang umuwi. Malayo pa lang ay tanaw na niya sa may maliit nilang teresa ang nanay niya. Nang bumaba sa may motor ay inaya niya si Ethan para makilala niya ang nanay niya. "Nay, si Ethan nga po pala. Ethan, siya naman ang nanay ko." Pakilala niya sa mga ito habang alanganing nakangiti. Kita kasi niya ang mapanuring tingin ng nanay niya. "Magkaanu-ano kayo ng anak ko? At anong trabaho mo?" biglang tanong nito kay Ethan na siyang ikinalaki ng mga mata niya. "Nay," saway niya rito "Girlfriend ko po si Lana, at wala akong stable na trabaho. Pangangarera lang po ang ikinabubuhay ko, wala na rin akong mga magulang," seryosong sagot naman ni Ethan sa nanay niya. Bigla naman napangisi ang nanay niya. "Tatapatin na kita, hindi kita gusto para sa anak ko. Ang gusto kong mapangasawa niya ay mayaman. Hindi iyong kapareho naming mahirap, gwapo ka pero wala ka namang pera." At lalo pang lumaki ang ngisi nito. "Hindi ba dapat ay si Lana ang nag-dedesisyon sa bagay na iyan at hindi kayo?" biglang sabi ni Ethan na siyang ikinagulat niya. "Nakita mo ba, Lana?! Gan'yan bang klase ng lalaki ang gugustuhin mo?! Napakabastos at walang galang!" Galit na sigaw ng nanay niya. "Namimili rin ako ng taong rerespituhin ko. Anyways, inihatid ko lang si Lana rito sa bahay," Seryosong sabi nito at bumaling sa kan'ya. "Alis na ako," paalam nito sa kan'ya at mabilis na naglakad paalis at mabilis na sumakay sa motor nito at pinaharurot. Nang lingunin niya ang nanay niya ay umuusok ito sa galit. "Simula ngayon ay ayaw na ayaw ko nang makipagkita ka pa sa lalaking iyon ha, Lana?!" matigas na sabi nito sa kan'ya. "Pero nay, mahal ko po si Ethan," umiiyak na sabi niya. "Punyeta! Hindi tayo mapapakain ng lintik na pagmamahal na iyan! Umayos ka, Lana. Dahil diyan sa paglalandi mo sa lalaking iyon ay hindi ka na nakakapagtinda ng maayos. Aba'y wala na nga tayong makain!" At akmang aalis na ito nang pigilan niya ito. "Nay? Saan po kayo pupunta?" takang tanong niya dahil madilim na. "Saan pa? Edi magpapalipas ng oras!" gigil na sagot nito. "Nay, tigilan niyo na po ang pag-susugal," pakiusap niya rito pero mabilis siya nitong naitulak. "Huwag mo akong mapagsabihin, ha?! Umayos ka, Lana! Ang mabuti pa, bigyan mo ako ng pera!" Inis na sabi nito at mabilis na kinuha ang bag niya. "Nay! Maawa ka naman, para sa gamot na lang ho iyan ni tatay," pigil niya rito. Pero parang wala itong narinig at sinimot ang lahat ng laman ng wallet niya at mabilis na umalis. Napaupo na lamang siya habang umiiyak. Bakit ba puro na lang ganito? "Stand up, Lana." Napatingala siya nang marinig ang boses na iyon. "Ethan?" gulat na gulat na sabi niya. "Bakit nandito ka? Hindi ba ay umalis ka na?" "I just acted na umalis na ako," at mabilis siyang itinayo. "Huwag ka nang umiyak, I am here hinding-hindi kita pababayaan, Lana," At mabilis siya nitong niyakap na lalong nagpaiyak sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD