Mabilis niyang hinila si Andrey papasok sa may hotel at dinala sa may sulok. "Magpapaliwanag ako sa iyo pero hindi ngayon. Are you also staying here?" seryosong tanong niya rito. "Wow, Lana! English speaking ka na, ha?" biro nito sa kan'ya. Hindi naman niya pinansin ang biro nito dahil kita niya sa gilid ng mga mata niya ang nakamamatay na mga tingin ni Ethan. "Here is my card." Pasimpleng abot niya rito ng calling card niya. "Just send me a text message para matawagan kita mamaya." mahinang sabi niya rito at mabilis na itong iniwanan. "What is that?" inis na sita sa kan'ya ni Ethan nang ganap siyang makalapit sa may front desk. "Nothing," balewalang sabi niya at mabilis na bumaling sa babaeng frontliner. "I made a reservation for 3 executive rooms. My name is Mrs. Lana Custodio," N

