"Love," alalang sabi nito sa kan'ya.
"Huwag mo akong alalahanin, kaya ko," ngiti niya pa rito.
Halos mapunit na ang kobre-kamang hawak niya nang unti-unting maramdaman ang pagpasok ng kabuuan nito sa kan'ya.
"Ahhh! Ahhhh!" mahinang daing niya.
"Just relax, love." At dahan-dahan nitong iginiling ang balakang nito at nakaramdam siya ng ibayong kiliti.
Nang masanay siya sa ginagawa nito ay siya na mismo ang sumasalubong sa mga ulos nito pero mabilis nitong hinawakan ang magkabilang bewang niya at pinigilan. "No, love. Please, stop. Just let me, okay? This is your first time at ayaw kitang biglain.
Mabilis naman siyang tumango at hinayaan ito sa ginagawa. Ang mga sumunod na pangyayari ay parang isang panaginip para sa kan'ya. Unti-unti niyang nararamdaman ang sarap na ngayon niya lang naramdaman sa buong buhay niya.
"Damn, love! It's really feels so fvcking good inside your p***y!" Mariing sabi ni Ethan habang nakapikit at patuloy sa pag-galaw.
"Ethan, please. Malapit na ako!" naiiyak na samo niya rito.
"Go on, love! Just spill it. Huwag mong pigilan," mahinang sabi nito sa kan'ya.
Hindi nagtagal ay naramdaman na naman niya ang pagsabog niya.
Halos pawalan siya ng ulirat nang maramdaman ang lalong pagbilis at pag-ulos nito, dinig na dinig din niya ang langitngit ng kama dahil sa tindi ng ginagawa nito.
"I am c*****g, love! I am c*****g!" sigaw nito habang nakapikit.
Ilang sandali lang ay naramdaman na niya ang pagsirit ng likido sa may kaloob-looban niya.
"I love you, Lana." Nakangiting sabi nito at dahan-dahang lumapit sa kan'ya at hinalikan siya sa may labi. Pagkatapos ay tumabi sa kan'ya at niyakap siya sa may bewang. "Nagsisisi ka ba?"
Saglit siyang natigilan. Nagsisisi nga ba siya? Pero ramdam na ramdam niya sa puso't isipan niya na masaya siya sa naging desisyon niyang iyon. Kaya nakangiti siyang bumaling dito at umiling. "Mahal na mahal kita, Ethan. At wala akong pinagsisisihan. Masaya ako na ikaw ang naging unang lalaki sa buhay ko,"
"Thank you, love. Masayang-masaya rin ako dahil alam ko, ako lang ang magiging una at huli," ngiting sabi nito at mabilis siyang hinalikan sa may isang balikat.
Nakangiti na lamang siyang tumango at hindi na umepala pa dahil wala na rin siyang gusto makasama habang buhay kung hindi si Ethan lang.
Dahil sa pagod ay mabilis siyang nakatulog. Nang magising siya ay kaagad siyang napabalikwas ng bangon. Nang tignan niya ang orasan ay mag-aalas dos na pala ng madaling-araw. Kaagad siyang nagbihis at ginising si Ethan.
"Ethan, gising na. Ihatid mo na ako," mahinang bulong niya rito.
Mabilis naman itong nagising at tumayo para rin magbihis. Kinakabahan siya, alam niyang naghihintay sa kan'ya ang nanay niya.
Pinili niyang magpababa na lamang malapit sa may bahay nila. Ayaw niyang mag-away ang nanay niya at si Ethan. Pagdating sa bahay ay tama nga ang hinala niya. Pagbungad pa lamang niya ay kitang-kita na niya ang naniningkit na mga mata ng nanay niya na naghihintay sa may maliit nilang teresa.
Akmang magmamano siya rito nang malakas siya nitong sampalin.
"Malandi ka talaga!" galit na galit na sigaw nito sa kan'ya.
Mabilis naman niyang nahawakan ang isang pisngi at nagsimulang humagulgol. "Nay,"
"Putang-ina, Lana! Sabihin mo! Binabayaran ka ba niya, ha?!"
"Inay, hindi po ako--"
"Aba'y putang-ina talaga! Iyon lang din na nagpapagamit ka na sa kan'ya, pakinabangan mo na! Aba'y ang lagay e nakakalibre siya sa iyo ng iyot?!" dagdag pa ng nanay niya.
"Nay! Mahal ko po si Ethan!" mariing sagot niya rito.
"Bakit, Lana? Mapapakain ba tayo ng pagmamahal mo na iyan?! Pipili ka na lang kasi ng lalaki, iyon pang mahirap na katulad natin! Simula ngayon, ayaw na ayaw ko ng makikipagkita ka pa sa lalaking iyon, naiintindihan mo ba?!"
"Nay, hindi ko ho magagawa iyon--"
Pero kagaya kanina ay malakas na naman siya nitong sinampal na naging dahilan nang pagputok ng isang gilid ng labi niya. "Subukan mong makipagkita pa sa lalaking iyon, Lana! Ang mabuti pa, ang anak ni Imelda na si Andrey ang landiin mo! Aba'y balik-bayan iyon! Mapera!"
"Nay, bigyan niyo lang ho ng pagkakataon na makilala si Ethan," pagsusumamo niya pa rito.
"Hindi na magbabago ang isip ko. Kapag hindi mo tinigilan ang lalaking iyon Lana, higit pa riyan ang aabutin mo!" At mabilis na itong tumalikod sa kan'ya at pabalabag na sinara ang pintuan.
Nanghihina siyang napaupo sa sementadong gilid. Hindi niya kayang gawin iyon. Mahal na mahal niya si Ethan at kahit kailan, hindi niya ito iiwan.
---------
Kinabukasan ng gabi, gaya ng dati ay sinundo siya ni Ethan para samahan siya nitong magtinda sa may tulay. Pero lingid sa kaalaman niya, palagi pala siyang sinusundan ng nanay niya.
Umabot ng halos isang linggo na wala siyang narinig na kung ano sa nanay niya, akala niya ay magiging okay na ang lahat. Pero nagkakamali siya, hanggang sa isang gabi nang umuwi siya ay isang malakas na naman na sampal at sabunot ang ginawa sa kan'ya ng nanay niya.
"Hindi ka talaga madadala riyan sa kalandian mo, no? Sinabi ko na sa iyo! Tigilan mo ang lalaking iyon!" galit na sigaw nito.
At bago pa siya makaiwas ay hinataw na sa magkabilang mga braso niya ang isang kahoy na nahawakan nito. Halos mamilipit siya sa sakit. Hindi pa ito nakuntento at hinila ang buhok niya at kinaladkad siya papasok ng kwarto niya at ikinandado siya sa loob.
Kahit anong pagmamakaawa ang gawin niya ay hindi siya nito pinakinggan. Halos dalawang araw siya nitong ikinulong at hindi pinapakain. Wala rin namang magagawa ang tatay niyang may sakit sa kalagayan niya. Tanging pag-iyak na lamang nito ang naririnig niya at paghingi ng tawad sa kan'ya.
Kinagabihan ay binuksan na ng nanay niya ang pintuan ng kwarto niya. "Lumabas ka na riyan at magtinda, wala na tayong makain. At itong tatandaan mo, Lana. Susundan ko lahat ng galaw mo!" banta pa sa kan'ya ng nanay niya.
Halos alas-nueve na iyon ng gabi nang lumabas siya para magtinda. Pero nagulat siya nang makita si Ethan na nakaabang sa kan'ya. Kita niya ang nagliliyab na mga mata nito nang suyurin siya nito ng tingin.
Wala itong sinabi, bagkos ay nilampasan pa siya nito at dire-diretsong pumunta sa bahay nila at kumatok ng pagkalakas-lakas.
"Tangina! Lumabas ka riyan!" Galit na sabi ni Ethan habang kinakalampag ang pintuan ng maliit nilang bahay.
Kaagad naman siyang tumakbo para hawakan ito sa isang braso. "Ethan, tama na. Halika na, doon tayo mag-usap--"
Pero naputol ang sasabihin niya nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad ang nanlilisik na mga mata ng nanay niya.
"Anong ginagawa mo rito, ha?!" sigaw ng nanay niya kay Ethan.
Akmang sasapakin ito ni Ethan pero humarang siya. "Ethan! Ano bang ginagawa mo?!" galit na sigaw niya rito.
"Seriously, Lana?! Ipinagtatanggol mo pa ang taong iyan?! Nakikita mo ba ang sarili mo ngayon ha, Lana? Iyang pasa mo sa mga braso? Iyang pamumutok ng labi mo? Iyang kulay mo?! Putangina, Lana! Putlang-putla ka na!" galit na sigaw nito sa kan'ya.
"Walang kinalaman si inay dito," matatag na sabi niya. Kahit na ang totoo ay gustong-gusto na niyang magpunta sa likuran nito at magsumbong. Pero wala siyang magagawa. Pagbali-baligtarin man nila ang mundo, nanay niya pa rin ito.
"Nakita mo ba ang ugali ng lalaking iyan ha, Lana?! Sasaktan niya ako! Ikaw, lalake ka!" duro ng inay niya kay Ethan. "Lumayas ka rito sa pamamahay ko! At huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa anak ko!" galit na galit na sigaw ng nanay niya.
"Wala kang karapatan na mag-desisyon para sa amin ni Lana. You're maybe her mother, pero labas ka na sa relasyon naming dalawa!" Sigaw ni Ethan at mabilis siya nitong hinila sa tabi nito. "Come here, love. Isasama na kita. Lumayas ka na sa impyernong bahay na ito!" seryosong sabi ni Ethan habang nakatingin sa nanay niya.
Nang bigla na lamang niyang makita ang paghingal ng nanay niya. Tila mapapatiran ito ng hininga sa sobrang galit kay Ethan.
"L-Lana, p-paalisin m-mo,"
Pero hindi na nito natuloy ang sasabihin nito dahil bigla na itong nawalan ng malay. Mabilis naman itong binuhat ni Ethan papasok sa loob ng bahay nila. Nagmamadali rin siyang kumuha ng inumin at pinaypayan ang ina. Pinaghihilot din niya ang mga daliri nito sa mga kamay at paa. Ilang sandali lang ay unti-unti na itong nagigising.
Nang makita nito si Ethan ay mabilis nito iyong sinampal. "Lumayas ka rito! Hayop ka!" sigaw nito.
"Ethan, sige na. Umalis ka na muna," pakiusap niya rito.
Mabilis naman itong napabuntong-hininga bago tuluyang umalis.
"Heto ba ang gusto mong mangyari ha, Lana?! Ang patayin ako sa sama ng loob?! Nakikita mo ba kung gaano kabayolente ang lalaking iyon?!" galit na galit na sabi ng nanay niya.
"Nabigla lang ho si Ethan, nay. Kung bibigyan niyo lang ho sana siya ng pagkakataon para--"
"Tumigil ka! Hinding-hindi ko magugustuhan ang lalaking iyon! Sundin mo ang gusto ko, kung gusto mo pa akong mabuhay ng matagal," mariing sabi nito na ikinabuntong-hininga na lamang niya.
------------
Kinabukasan ay maaga siyang naglako ng paninda niyang mga saging. Mabuti na lamang at mabilis iyong naubos at makakapagpahinga pa siya.
Sunod naman niyang inayos ang mga ititinda niyang balot at chicharon sa may tulay mamayang gabi. Pagkatapos ay mabilis humiga at naidlip ng konti. Halos alas-sais na nang makapaghanda siya. Sumakay lang siya sa isang nakaparadang tricyle papunta sa may tulay. Nang dumating doon ay nakaayos na amg lamesa at upuan niya. At kita niya ang seryosong mukha ni Ethan na naghihintay sa kan'ya.
Agad siya nitong sinalubong at kinuha sa kan'ya ang mga paninda niya.
Wala naman siyang imik na nagpaubaya. Mariin niya itong tinitigan habang tinitimbang ang sitwasiyon. Naguguluhan siya.
"Love?" seryosong tawag sa kan'ya ni Ethan.
Seryoso lang siyang tumitig dito.
"Hindi mo naman ako iiwan, hindi ba?"
Hindi kaagad siya makasagot sa tanong nito. Mahal niya si Ethan pero mahal din niya ang nanay niya.
Mabilis siyang hinila ni Ethan para maupo sila sa may sulok at mabilis na hinawakan ang magkabilang mga kamay niya. "You love me, right? Hindi mo ako iiwan dahil lang sa nanay mo, hindi ba?" seryosong tanong ulit nito habang nakakatitig sa dalawang mga mata niya.
Dahan-dahan naman niyang tinanggal ang pagkakawak nito sa isa niyang kamay at dahan-dahang umangat para haplusin ang makinis nitong pisngi. "Ethan, alam mong mahal na mahal kita hindi ba?" seryosong sabi rin niya rito. Nakapagdesisyon na siya. "At ipaglalaban kita kay inay," mapait na ngiti niya.
Bigla rin sumilay ang isang malawak na ngiti sa mukha nito. "Thank you, love! I love you so much!" At mabilis siya nitong niyakap.
Nang yakapin siya nito ay napangiti siya ng mapait sabay patak ng mga luha. Sa pagkakataong ito, gusto niyang sundin ang puso niya. Gusto niyang gawin ang makakapagpasaya sa kan'ya.
Gaya ng nakasanayan ay araw-araw siyang nagtitinda sa may tulay at araw-araw din siyang sinasamahan ni Ethan. Kapag may nakikita siyang kakilala ng inay niya ay pinagtatago niya si Ethan. Kapag hinahatid din siya nito ay malayo sa may bahay nila. Ilang beses na rin na may nangyari sa kanilang dalawa at hinding-hindi niya ito pinagsisisihan.
Ngunit isang araw nang umuwi siya ay hindi niya naabutan ang inay niya. Nang tanungin niya ang tatay niya ay umiiyak ito at sinabing sinugod daw ito sa hospital. Mabilis naman siyang napasugod doon at inabutan ang inay niyang nakahiga sa may kama.
Nang makita siya nito ay napaismid ito sa kan'ya. Nagulat din siya nang makita si Andrey na naroroon pala.
"Inay, kumusta--"
"Huwag mo akong makumusta, Lana! Ikaw ang dahilan kung bakit naririto ako!" galit na putol nito sa sasabihin niya.
"Inay, anong ibig mong sabihin?" gulat na gulat na tanong niya.
"Gusto mo talaga akong patayin ha, Lana? Alam kong alam mo kung anong ibig kong sabihin!" galit na sigaw nito.
"Aling Lourdes, hindi po makakabuti ang pagsigaw niyo," magalang na singit ni Andrey sa inay niya.
"Mamili ka Lana, hihiwalayan mo ang lalaking iyon o mamamatay ako?! Mabuti na lamang at nandoon si Andrey para tulungan akong dalhin sa ospital kanina. Hindi ako nagbibiro, Lana. Ikamamatay ko iyang relasiyon niyong dalawa!" sigaw na naman nito at bigla na lamang itong kinakapusan ng hininga na siyang ikinatakot niya.
Mabilis siyang lumabas para tawagin ang doktor. Mabilis naman silang pinalabas nito.
Nanghihina siyang napaupo sa may upuan at tahimik na umiiyak. Ano na ang gagawin niya ngayon? Hindi niya kayang iwan si Ethan. Hindi niya alam kung bakit tila napakalaki ng galit ng inay niya rito.
"Okay ka lang ba, Lana?"
Mabilis naman siyang tumango at pinunasan ang mga luha. "Salamat pala sa pagtulong mo madala rito sa ospital si inay," ngiting baling niya kay Andrey.
Hindi pa ito nakakasagot ay bigla nang lumabas ang doktor kasama ang mga nurse habang tulak-tulak din ang inay niya palabas. Mabilis naman siyang tumayo at lumapit dito.
"Dok, ano pong nangyayari?" kinakabahang tanong niya.
"We need to bring her to the ICU, she is in coma," seryosong sabi nito at nagmamadalig nagpaalam.
Halos mabuwal na siya sa pagkakatayo nang mahawakan ni Andrey.