Chapter 72

3493 Words

“Handa ka na bang bumalik sa trabaho?” naniniyak na tanong ni Benedikt nang iparada nito sa harap ng La Reina Central Elementary School ang SUV nito. Nag-insist ito na ihatid si Maki dahil iyon daw ang trabaho nito bilang nobyo nito. Ngunit balik na sila sa kanyang trabaho at sa normal na buhay. “Oo naman. Matanda na ako, Benedikt. Hindi mo na ako kailangang alalahanin.” “I will miss you.” Kinintalan niya ito ng halik sa pisngi. “I will miss you, too.” Pupunta ito sa Cebu sa araw na iyon para personal na i-check ang projects doon at makipagpulong na rin sa ilang opisyales ng Bohol para sa rehabilitation project sa nasalantang lalawigan. Hindi pa rin kasi stable ang sitwasyon sa Bohol lalo na’t sunud-sunod ang aftershocks. Ang ibig sabihin sa patuloy pa rin sa paggalaw ang lupa dahil na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD