bc

(Filipino) You're Still My Man - Completed

book_age0+
12.1K
FOLLOW
123.2K
READ
billionaire
love-triangle
family
second chance
arrogant
goodgirl
drama
tragedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Akala ni Maki ay hindi na niya muli pang makikita pa si Benedikt, ang nag-iisang lalaki na minahal niya. Sa muli nilang pagkikita sa Isla La Reina ay ibang tao na ito. Wala na itong pagmamahal sa kanya. He was an ambitious man now and he would do everything to get his dreams. At sa pag-abot nito sa mga pangarap nito, magtutunggali ang mga paniniwala nila.

Nang makulong ang ina ni Maki ay walang ibang matakbuhan ang dalaga kundi si Benedikt. Pagbibigyan daw siya nito sa isang kondisyon, “I want two weeks of your time… as my slave. Gagawin ko ang lahat para hindi makalaya ang nanay mo at hindi na siya masampahan pa ng kaso. Do we have a deal?”

Hello, everyone! This is a VIP story. You can read the first five chapters for free but you have to use coins to read the other chapters until the end.

There are two ways to get coins:

1. Free coins - Go to Earn Rewards and do the tasks to get coins.

Go to Youtube and search Dreame Free coins if you want to watch the tutorial on how to get free coins.

2. Buy coins - go to Store and buy coins via load (Smart or Globe billing), Paypal, Gcash, credit card. This varies on the phone model and country.

Go to Youtube and search Dreame Buy Coins if you want to watch the video tutorials and read this story hassle-free.

Thank you and happy reading!

To get the printed version, go to www.shopee.ph/sofiaphr or My Precious Treasures on Facebook.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Bored na bored si Maki sa party na iyon. Pagdiriwang iyon ng dalawang daang taong anibersaryo ng pagkakatatag na La Playa Rubella na pag-aari ng pamilya niya. Matatagpuan ito sa Anda, Bohol, ang pugad ng kapangyarihan ng mga Rubella. Doon matatagpuan ang ancestral house nila na napabayaan sa nagdaang sampung taon pero ngayon ay pinipilit na ibangon ang kanyang ama at madrasta. Pumapailanlang ang klasikong musika mula sa string quartet na nasa gitna ng bulwagan. Nagsasayawan din ang mga bisita na pawang nakasuot ng sinaunang kasuotan noong panahon ng mga Kastila. Iyon naman ang pakiramdam niya kapag nasa La Playa Rubella siya. Wala siyang kalayaan sa kahit ano. Isa lamang siyang babae. Isang palamuti. Isang magandang palamuti na ikariringal ng lahat subalit walang silbi. Sinimsim niya ang white wine at sinulyapan ang pinto. Nasaan na ba ang nobyo niyang si Benedikt? Hindi naman siya dadalo talaga sa party na iyon kundi lang dahil nangako itong dadalo ito. Mas gusto niyang mag-aral na lang sa bahay sa Maynila para maipasa niya ang mga exam niya at maka-graduate. Iiwan niya ang lahat para kay Benedikt. Subalit di niya alam kung hanggang kailan siya makakapaghintay dito. "You look lovely, my dear," bati sa kanya ni Doña Teresina Valenciaga, ang ina ni Benedikt at isa sa pinakamayamang kababaihan sa lalawigan. Ito at ang asawa nitong si Malvar Valenciaga ang nagmamay-ari ng maraming lupain sa lalawigan at sinisimulang i-develop bilang mga prime subdivisions at vacation houses. "Thank you, Tita. Kayo rin po," wika niya nang halika siya nito sa pisngi. Di rin naman ito nagpahuli sa oka syon. She was wearing a beige terno encrusted with crystals. May payneta pa ito sa buhok for the effect. "Napansin mo rin pala ang suot ko," anito at umikot. "This terno can make Imelda Marcos envious to the bones.” “Sa palagay ko ay mas bagay kung ako ang magsusuot niyan,” sabi ni Santina, ang madrasta niya at tumayong ina niya mula noong sampung taong gulang siya. Saka ito humalakhak. “Hindi ka na mabiro. Ang wrinkles mo.” Teresina and Santina were always competing when it comes to looks. Kapag may charity event ang isa ay mayroon din ang isa. At sa mga event katulad nito ay di pumapalya ang mga ito na pagkumparahin ang ayos ng mga ito. Alam niyang biro lang iyon madalas para kay Teresina para tudyuin ang madrasta niya. But her stepmother was serious about things like this. Hindi ito papayag na matalbugan ito sa sariling party. Bumaling ng tingin si Teresina sa kanya. “Oh, mukhang matamlay ka yata, Maki. Are you sick?" nag-aalalang tanong nito at hinipo ang noo niya. "Masyado lang pong mainit ang panahon, Tita,” aniya at pilit ang ngiti nang ipaypay ang eleganteng abaniko niya. The topics were stifling and boring - politics, economics, the latest in fashion and gossips. Karamihan ay pumapabor sa pansariling interes ng mga naroon at hindi naman nakaka-stimulate sa isipan niya. It must be the company. Wala halos siyang kaedad sa party na iyon. Kung mayroon man ay maa-out of place lang siya. Wala kasi siyang interes sa mga tsismis sa ibang tao o kung sino ang mga guwapong kinahuhumalingan ng mga ito. Mangilan-ngilan lang sa nakakasalamuha niyang kaedad ang may interes sa history, psychology o kaya ay sa bagong isyu na maaring makaapekto sa bansa at kinabukasan nila. “I know something that will perk you up. How about you play piano for us?” wika ni Teresina. Nanigas ang buong katawan ni Maki. Hindi niya inaakalang hihilingan siyang tumugtog ni Teresina ng piano. Minsan lang naman siya tumutugtog – kapag magkasama sila ni Benedikt sa music room nito at hinihilingan siya ng nobyo na tumugtog. Hindi naman daw kasi musician ang pamilya nito. Mayroon lang talagang piano sa bahay nito para daw masabing may music room at may lamang musical instrument ang mga iyon. At pribado iyon para sa kanya. Tumutugtog lang siya para kay Benedikt dahil request nito. “No. No. She’s not that good in piano,” kontra naman ni Santina at pagak na tumawa na parang walang kwenta ang kakayahan niya. “Pinatigil ko pa nga siya sa piano lesson noon dahil sayang lang ang ibinabayad sa lesson. She was hopeless.” “No. Narinig ko siyang tumugtog noong nag-dinner siya sa bahay. Parang isang anghel ang tumutugtog.” Teresina had a dreamy look in her eyes. Hindi niya alam na naririnig pala nito ang pagtugtog niya kapag sila lang ni Benedikt. Ang kakayahan niya sa pagtugtog ay isang bagay na pilit na lang niyang ibinabaon lalo na sa pamilya niya. Umingos si Santina. “You don’t have an ear for music.” “At least nasa tono ang kapag pinakanta,” pakli ni Santina. Akmang sasagot pa ang madrasta niya pero pinili na lang nitong ipinid ang bibig. Wala rin namang hilig sa musika si Santina. Kinamumuhian nito ang mga bagay na may kinalaman sa musika dahil doon magaling ang kanyang ina. At gaya niya ay namana niya ang pagiging magaling sa musika ng nanay niya. Mula nang maging madrasta niya ito ay pinatigil siya nito sa piano lesson niya. Binawalan din siya nitong sumali sa mga school activities na may kinalaman sa musika. Naeensayo lang niya ang musika niya sa mga tagong lugar. Malayo sa impluwensiya at tainga ni Santina. Matinding kaparusahan ang naghihintay sa kanya oras na suwayin niya ito. “N-Nakakahiya naman po, Tita. Di naman po talaga ako magaling. Baka po mapahiya lang ako sa mga bisita. Katuwaan lang naman po namin ni Benedikt ang pagtugtog ko,” sabi na lang ni Maki para hindi na humaba pa ang usapan. Malilintikan siya kay Santina oras na tumugtog siya. Ayaw niya na gumawa ng gulo sa okasyong iyon. Hinawakan ni Teresina ang balikat niya at iginiya siya palapit sa piano. “Sige na. Tatanggihan mo ba naman ako? Hindi ba sinabi mo sa akin na parang nanay mo na rin ako?” Wala siyang nagawa o si Santina man lang nang akayin siya nito patungo sa bakanteng piano noon. Nagpapahinga ang pianist na kinuha para sa gabing iyon kaya mula sa mp3 lang na pinapatugtog ng DJ ang instrumental music na pumapailanlang. Kaya naman walang kahirap-hirap si Teresina nang inupo siya nito sa bakanteng stool. “Go.” Nanginginig ang mga daliri ni Maki nang iporma ang kamay sa ibabaw ng tiklado. Hindi pa niya naranasan na tumugtog sa harap ng publiko. Pumikit siya, huminga ng malalim at pinindot ang tiklado ng unang nota ng awit na pumasok sa isipan niya. A song that kept on ringing inside her head. Nang pumailanlang ang unang nota ay kusa nang gumalaw ang daliri niya. Ito ang gusto niyang gawin. Ang tumugtog. Ang maging bahagi ng musika. Nasa dugo niya iyon na sinikil sa loob ng mahabang panahon at ngayon ay kumakawala. She was so engrossed in her own little world. Mistula siyang nakataling ibon na kinalas ang tanikala at malayang nakakampay ang mga pakpak. Wala siyang pakialam kung mali iyon sa madrasta niya at di rin niya alintana ang matalim na tingin nito. Nang matapos siyang tumugtog ay habol niya ang hininga pero magaan ang pakiramdam niya. Masaya siya. Masayang-masaya. Dumilat siya at nakita niyang nakatigagal sa kanya ang mga tao. Kinabahan siya. Masama ba ang pagkakatugtog niya? Hindi ba nagustuhan ng mga ito? Pumalakpak si Teresina. “Brava!” Nagpalakpakan din ang ibang mga bisita na naroon at binigyan siya ng standing ovation. Nag-bow siya at hindi maitago ang tuwa sa dibdib. Kailan ba ang huling pagkakataon na tumugtog siya o kumanta sa harap ng maraming tao at pinalakpakan ang galing niya sa musika? Noong bata siya ay pangarap niya ito. Ito rin ang pangarap ng nanay niya sa kanya. Ang maging magaling na musikera... hanggang iwan siya nito at ipagpalit sa ibang lalaki silang mag-ama. Hindi niya alam kung bakit di niya magawang mamuhi sa ina niya. Kung bakit di niya magawang mamuhi sa musika. Siguro dahil nasa dugo na niya iyon. At di mawawala sa isipan niya ang mga panahong nararamdaman niya ang pagmamahal nito. Napalunok siya at ayaw tingnan ang direksiyon ni Santina. Nakangiti ito sa kanya subalit nakikita niya ang ngitngit sa mga mata nito habang pumapalakpak. May kasamang babala iyon. She was dead. So dead. Nang tumingin siya sa direksiyon ng ama niya ay maluha-luha ito subalit biglang tumalikod. Parang may palasong tumama sa puso niya. “Papa…” Tumayo siya sa stool at hinabol ito. Ayaw niya sa lahat ay magbigay ng sama ng loob sa ama niya. Gusto niyang magpaliwanag. Ayaw niyang isipin nito na sinuway niya ang gusto nito o ipaalala dito ang ina niya. Na ayaw niyang masaktan ito. Akmang susundan niya ito subalit pinagkulumpunan na siya ng ibang mga tao at nangunguna na sa mga ito si Teresina. Niyakap siya ni Teresina. “I am so proud of you. Naku! Ipagmamalaki kita sa lahat.” Inikot nito ang mata sa ibang mga bisita na puno ng paghanga sa kanya. “Napakagaling talaga ng future daughter-in-law ko, di ba? Hindi lang siya dapat na isang simpleng teacher. She should have been a concert pianist.” “Sumasang-ayon ako diyan, amiga,” anang isa pang socialite. “Nagmana iyan sa ina,” wika naman ng bading na fashion designer. “Hindi ba’t magaling si Lupita Veracruz na singer at composer? Kundi nga lang nag-asawa iyon ay baka mas sumikat pa sana siya. Sayang ang isang iyon.” Narinig ni Maki ang pagsang-ayon ng iba pa. Subalit naramdaman niya ang paninigas ng likod niya at pati na rin ang mistulang malamig na matalim na yelong tumarak doon. Alam niya kung kanino nanggaling ang hindi magandang titig na iyon. “Uhmmm… magsisimula na ang rigodonn,” pagkuha ni Santina ng atensiyon sa iba. “Get ready your dancing feet ninyo. Mapapalaban kayo.” “I must look for my husband. Kanina pa namin gustong magsayaw ni Malvar,” sabi ni Teresina at saka binitiwan ang kamay niya. “Hija, huwag kang mag-alala. Parating na si Benedikt. Sigurado ako na matutuwa siya kapag nalaman ang tungkol sa performance mo.” Nang iwan siya ni Teresina ay kumabog ang dibdib niya. No! No! Huwag ninyo akong iwan, Tita! Pero mukhang gusto na nitong makipagsayaw sa asawa. Sinipat niya sa gilid ng mata ang madrasta na nagyayaya pa sa ibang bisita para sa sumayaw. Siguro naman ay pwede na siyang sumimple na lumabas para maiwasan ito. Pasimple siyang tatalilis at kunwari ay kukuha ng maiinom nang haklitin ni Santina ang braso niya saka siya kinaladkad palabas ng bulwagan. “What the hell are you doing? Gusto mo ba talaga akong ipahiya?” Umigik siya. Nararamdaman niya ang pagbaon ng matatalim nitong kuko sa balat niya. “Pasensiya na po, Mama. Si Tita Teresina po kasi…” Nanlisik ang mga mata nito. “Alam mo naman na gusto akong ipahiya ng Teresina na iyon. Hinayaan mo siya. Pinagtutulungan ninyo akong dalawa.” Kumurap siya para pigilan ang nagbabantang luha. Sanay na siya na masaktan nito. Hindi siya iiyak dahil lalo lang itong magagalit. “Pero nagustuhan naman po ng mga tao ang pagtugtog ko.” “Nahiya lang silang di pumalakpak dahil nandito sila sa pamamahay ko. Pero ipinaalala mo lang sa kanila kung anong kahihiyan ang idinala ng nanay mo sa pamilyang ito. Nakita mo ba ang Papa mo? Masamang-masama ang loob niya at hindi niya matagalan na isinampal mo sa mukha niya kung anong pilit niyang kinakalimutan. Na minsan siyang nagmahal sa walang kwenta mong ina at iyon ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa niya sa buhay niya. Na hindi ka pa masaya sa akin na binigyan ka niya ng disenteng babae bilang nanay niya. Hindi pa ako sapat sa iyo. Masaya ka na ba?” Kahit gusto niyang pigilan ang luha ay tuluyan nang tumulo iyon. “H-Hindi ko naman po sinasadyang may masaktan. P-Pasensiya na po. Hindi na po mauulit.” Isinalya siya nito palayo dito at tumuro sa pathwalk na patungo sa dagat. “Just get out of my sight. Baka kung ano na namang kahihiyan ang gawin mo. Out!” bulyaw nito dahilan para magtatakbo siya papunta sa kalaliman ng gabi. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Kahit saan basta malayo dito, malayo sa nakaraan niya at patungo sa isang lugar kung saan siya makakahinga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
59.1K
bc

The Ex-wife

read
233.7K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Unwanted

read
533.8K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.9M
bc

The Empire Series: Von Liam

read
597.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook