Nanlumo si Maki at nawalan ng pagpipilian kundi sumama kay Susan. Parang walang nagbago sa bahay kahit na kulang walong taon na ang nakakaraan nang huli siyang manggaling doon. She felt like she was twenty years old again. No. Pakiramdam niya ay siya ulit ang batang Maki. She could imagine her mother seated on the piano and playing her favorite kundiman. Nasa kusina naman ang lola niya o kaya ay nasa sala para bigyan ng instruction ang mga kawaksi. Habang ang lolo niya at ang papa niya ay nasa balkonahe naman at naglalaro ng chess. At siya naman ay uupo sa tabi ng piano para magpaturo sa mama niya sa piyesang tinutugtog nito. And she could almost hear the laughter of her young self. Iyon ang mundo niya noon. Noong akala niya ay perpekto pa ang lahat. “Maki, let’s go upstairs,” untag ni Su

