“Anong sinasabi nila na hindi na valid ang unang report na nakuha natin?” nanlalaki ang matang tanong ni Ondoy, ang pinuno ng mga tourist guide na katulong ng nanay niya sa pangangampanya laban sa pagtatayo ng international airport sa La Reina. Pagbalik pa lang niya sa bayan ay tinawagan na niya ang inang si Lupita para sabihin dito ang masamang balita at nagpatawag agad ito ng pulong sa lahat ng mga kasamahan. Pag-uwi niya ay nasa harap na ng bahay nila ang lahat, nakaupo sa pinagdugtong-dugtong na lamesa mula sa loob ng bar habang umiinom ng softdrinks at pinag-uusapan ang bagong balita. “Iyon po ang sinabi ni Governor Marasigan sa akin kanina. Pinawalang-bisa daw ng Earth Link ang una nilang report na hindi pwedeng tayuan ng international airport ang La Reina. May bago daw silang r

