Mistulang mga dwende na pumaikot kay Maki ang mga estudyante paglabas niya ng maliit na dressing room. Katatapos lang niyang magpalit ng dress na isusuot niya para sa opening program sa pagbubukas ng La Reina Resort and Spa. Nasa isang bakanteng function room sila kung saan nagbihis sila ng mga bata at inayusan ang mga ito. May make up artist at stylist na kinuha si Hannah pero naka-supervise pa rin siya gusto niyang mas lumutang ang pagiging simple ng mga bata. Na boses ng mga ito ang mapapansin at hindi ang ayos ng mga ito. Pinaayusan lang niya ang mga ito, just enough to make them look pleasant. Siya na ang huling nag-ayos at nagbihis dahil inuna niya ang mga estudyante. “Wow! Parang prinsesa kayo, Ma’am. Gusto ko rin na ganyan ako kaganda balang-araw,” sabi ni Juana habang magkasalik

