Lexia's LOV
"Lexia, gising na!" umiling-iling ako at tumalikod sa taong ginising ang natutulog na dyosa! Gusto ko pang matulog!
"Wake up," wala sa oras akong napabangon at tumayo ng maayos ng marinig ko ang boses ni President. Tinapunan niya lang ako ng tingin bago naglakad paalis.
My ghad! Nakakatakot talaga kapag napapatingin sakin ang mga mata niya! Feeling ko maiihi ako sa takot! His emotionless eyes are the scariest!
Agad kong inayos ang sarili bago lumabas ng tent. Hindi pa rin ako makamove on sa ginawa ni Liky kagabi! I mean ang dali niyang napalabas ang tent! Sana all!
"Where is Lily? Nakita niyo ba siya? She's not in her tent," napunta ang atensyon namin kay Sky dahil mukhang nagpapanic siya.
"Baka namasyal lang," sagot ko at nilapitan ang tent na tinulugan ni Lily at tama nga siya dahil wala ang babae sa loob.
"Hindi niya alam ang pasikot-sikot dito," muling sabi nito at bakas ang pag-aalala sa boses.
"Bakit hindi niya alam ang pasikot-sikot dito? Diba dapat alam niya?" tanong ni Emily.
"Bakit alam din ba natin?" pabalik nitong tanong kaya napakibit-balikat nalang si Emily.
Lumapit ako kay Sky at tinapik ang likod, "Baka nandito lang siya, hindi masyadong kalakihan ang Veteris atsaka kung mawawala man siya ay kaagad niya naman tayong makikita dahil nasa bangin tayo," sabi ko.
Naglakad ako palayo sa kaniya at nag inat-inat. Ang sarap ng preskong hangin, the fresh air was enough to make me feel better, the warmth that came from the sun was bearable and feels good. Ang ganda pala rito, bakit hindi naman naisipang bisitahin itong lugar.
Napakunot ang noo ko ng mapunta ang aking tingin sa entrance ng gubat. May isang pigyura ng babae na naglalakad papasok ng gubat.
What caught my attention was her hair. Kahit kagabi lang kami nagkita o nagkakilala ay alam ko na kaagad na siya iyon. Siya lang ata ang babaeng may grey hair sa lahat ng mages na nakita ko.
"Where is she going?" tanong ko sa sarili habang nakatingin pa rin kay Lily.
Nanliit ang aking mga mata ng may biglang huminto ilang metro ang layo mula kay Lily. Hindi kasing linaw ng President namin ang mga mata ko kaya hindi ko mapagtanto kung sino ang dalawang pigura.
"Who is she talking to? Wait, is that Kassy—" hindi natapos ang sasabihin ko ng sumingit kaagad si President.
"—and Jakim," he continued. Nalipat ang tingin ko sa kaniya at kita ko kung paano kumunot ang kaniyang noo.
"They're talking," he mumbled.
When it comes to Jakim talaga agad kumukulo ang dugo ni President. Yung mapapaisip ka nalang kung ano ang history nilang dalawa.
Callista Lily's POV
"You b*tch!" She shouted. Tinagilid ko ng kaunti ang mukha ko at nginitian siya. Bakit ba galit na galit 'to sakin? Hindi niya ba matanggap na mas maganda ako sa kaniya?
"Are you talking about yourself?" I asked na mas lalong dumagdag sa galit niya. Hmm, I never thought adding fuel to the fire is satisfying.
"Alam mo, wala kang kwentang princesa! Puro ka lang nasa palasyo niyo! Puro ka lang comportable! Hindi mo lang man naisip ang mga mamamayan mo!"
Umakto akong nasaktan at nilagay ang kamay sa bandang puso at napailing-iling.
"Kung ikaw lang naman din yung mamamayan na pinagsasabi mo, no thanks." sagot ko at kinindatan siya.
Nahigit niya ang kamay sa pagkahawak ni Jakim at tumakbo palapit sakin. Akmang bibigyan niya ako ng suntok ng kaagad kong mahawakan ang kamay niya.
"Woah~woah! Take it slowly, Kassy," sabi ko at tinagilid ng kaunti ang kamay para magtagpo ang aking mga mata.
Nginitian ko muna siya bago hinigit ang kamay papunta sa kaniyang likod dahilan sa pagsigaw niya. Yes, shout for me.
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya kaya ngumiwi siya sa sakit. Nginitian ko siya at hinawakan ang kaniyang mukha gamit ang isa kong kamay.
"How does it feel? Masarap ba?" tanong ko sabay tapik ang kanyang pisnge at bumulong, "It's bad making a princess pissed, Kassy,"
"Tandaan mo 'to. Isa ka lang elite habang princesa ako. Kahit pagbalik-baliktarin mo ang mundo mas malakas pa rin ako sayo." pagpapaalala ko sa kaniya bago sinipa siya papalayo sakin.
"Oo princesa ka! An useless, faceless princess!" Bobo ba siya? Hindi niya ba nakikitang may mukha ako?
"Gusto na atang mamatay ng kasama mo Jakim. Well, pasalamat siya may gana akong pumatay ngayon," in a blink of an eye, agad akong nakarating sa harap ni Kassy dahilan sa pagkagulat niya at pag-atras.
"Oh? Atras ka? Wala pa—" hinigit ko siya gamit ang kaniyang leeg dahilan sa pagpupumiglas niya, "—akong ginagawa, I mean meron na pala hihi,"
"H-hindi a-a-ako makah-hinga..."
"Idiot. Alangan naman papahingahin kita kung papatayin na rin naman kita?" sagot ko at mas lalo siyang inangat sa lupa. Ang gaan lang pala ng babaeng 'to.
Napakunot ang noo ko ng may dumaan sa gilid ng mukha ko. Nalipat ang tingin ko kay Jakim dahil doon nanggaling ang bagay na dumaan.
"A damn dagger won't easily kill me, Idiot," I warned causing his lips to smirked.
"It's a poisonous one, your highness," he answered at nagpalipad na naman ng tatlo. Napangiti ako at binitawan si Kassy. Alam kong ginawa niya lang iyon para makawala si Kassy sa pagkakahawak ko.
"What do you think of me? An Idiot like you?" gigil ko at muling nagteleport papunta sa harap ni Kassy at kinontrol ang isang dagger na pinalipad niya at dinaplisan ang mukha ni Kassy.
"Ops! Sinadya ko!"
Napatawa ako at muling bumalik sa pwesto ko kanina. Kita ko kung paano magpanic ang dalawa at bigla nalang may dumating na ibang mga kasama nila.
"Ay, nagtawag pa ng kasama," ngusong sabi ko at kapagkwan ay tumawa. Inayos ko ang aking naguling buhok at umaktong binibilang sila kahit wala naman talaga akong pakialam kung ilan sila.
Hindi pa ako nakakagitna sa pagbibilang ng kaagad tumakbo sila papalapit, "Excited lang? Chill!" natatawang sabi ko at iniwasan ang mga atake nila.
Bakit pa ba sila tumakbo palapit sakin kung gagamit lang pala sila ng kapangyarihan? I mean they can stay still while throwing? My ghad.
May isa pang lalaking lumapit sakin kaya kaagad kong sinipa ang alaga niya dahilan sa pagsigaw niya at napahiga. Sige, lumapit pa kayo!
Hindi ko nanatiis at ginamit ang isa mga spell na natutunan ko mula kay Dalia. Sobrang dami nila! Nagugutom na ako!
"Mátalos," bulong mo dahilan sa biglang pagkawala nilang lahat. Well, except for Jakim and Kassy na ngayon ay gulat sa ginawa ko.
Aba stress na ako!
"Lily! Are you okay?" napalingon ako sa badamg likod at nakita ang elites na ngayon ay nagsisitakbuhan palapit sakin.
"Are you okay?!" nagulat ako sa biglang paghigit ni Sky sakin at hinawakan ang dalawang pisnge ko.
"Silly, you can clearly see that I'm still breathing," sagot ko at tinaggal ang pakakahwak niya sa mukha mo.
"Lily, is that even your real name?" walang gana akong napalingon kay Jakim at nilapitan siya. Akmang hahakbang siya paatras ng kaagad akong magteleport sa harap niya at hinawakan ang leeg niya.
"Gusto mo magpakilala ako?" nakangising tanong mo dahilan sa paglunok niya, "Huwag na huwag mo akong gagalitin Jakim dahil hindi lang ito ang kaya ko. Tandaan mo kung sino ako," pagpapaalala ko sa kaniya at binitawan siya.
Gamit ang isang kamay niya ay inangat niya ang mukha ko at nagsalita, "Babalikan kita—" inilipat niya ang kaniyang tingin sa likuran ko at muling nagsalita, "—lalo ka na Alexander," pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla nalang silang nawala.
Weak nito.
I faced them, realizing that they were all confused as they saw and heard what I've said to Jakim. Bahala na sila.
Kailangan ko ng umalis. Ramdam ko ang pagwawala ng mga kapangyarihan ko sa loob at dahil dito ay natutunaw ang contact lens ko.
They really got me. Nainis ako.
Alexander's POV
Tahimik kaming nakatingin sa kaniya habang naglalakad siya paalis. Nailipat ko ang aking tingin sa kinakatayuan ni Jakim at Kassy kanina.
Bakit nila tinanong kung iyon ba talaga ang pangalan niya? Do they know her? Hindi ba Lily ang totoong pangalan niya? Who is she?
Hindi ko maiwasang paghinalaan siya. She's a new student without a proper introduction about herself. That's enough reason para paghinalaan siya.
Like what I've said. She's a new student, wala kaming alam tungkol sa kaniya.
"Aalis na po ba tayo, President?" napunta ang tingin ko kay Lexia at umiling.
"This is our last destination. Nandito ang kwentas," sagot ko.
Alam kong babalik kaagad si Jakim at Kassy. Can't they just move on? Hindi ba nila matanggap na natalo namin sila? Dark mages are really annoying, we tried our best to stay away at maiwasan ang gulo pero sila itong lapit ng lapit.
"Nakakainis talaga ang mga dark mages! Wala na nga silang ambag sa Chantia ganyan pa sila! Bakit hinid nalang nila pagtuonan ng pansin ang madilim nilang buhay? Shucks, they're annoying," Lexia shouted.
"Then," nalipat ang tingin namin sa babaeng kanina pa gumugulo sa pag-iisip ko, "Do you hate them?" she asked and there was something in her voice I couldn't name.
"Lily! Are you okay?" alalang tanong ni Lexia at akmang lalapitan si Lily ng muli itong magsalita.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko Lexia," sambit nito na nagpakunot ng noo kay Lexia.
"Syempre! Sino naman ang hindi? Masasama sila at pumapatay ng mga taong inosente! Kahit ano ang sabihin ng iba ay hindi magbabago ang pakikitungo ko sa kaniya. Kalaban sila period,"
"K," she answered and shifted her gaze to me.
"What?" I asked causing her brows to raised.
"What, what?" she asked back. Hindi ko maiwasang magtaka sa mga mata niya. The way she stares shouts familiarity. Na para bang sanay na ako sa mga mata niya.
Weird.
"Let's go," sabi ko at tumalikod sa kanilang lahat.
Her presence, her voice, her eyes, and even her sigh felt so familiar. This is annoying. Hindi ko mahukay kung paano at bakit ko ito nararamdaman.
"I don't bite President," hindi ko siya nilingon dahil ayokong nakikita ang mga mata niya. Ayokong maramdaman na naman ang naramdaman ko kanina.
"I know," ang tanging sagot ko at nagteleport pabalik sa bangin.