Rona's POV
Papalubog na naman ang araw subalit hindi pa rin namin napapasakamay ang hinahanap namin.
Alam ata ng kwentas na kailangan namin siya dahil kung kailan alam na namin ang location nito bigla na namang mawawala!
Sakit sa bangs!
Dahil dadaan naman kami sa Veteris City napagdesisyunan naming dito nalang din magpahinga. 10:23 pm na kasi pero hindi pa kami nakakapagpahinga.
Ngayon lang ako nakatapak sa Veteris pero masasabi kong maganda pala ang lugar kahit sa gitna ng gabi.
Every house has a cute yellow lamp na nagbibigay ilaw sa labas nila. May mga streetlights din na nagpapaliwanag sa daan.
The houses were made in woods and stones, napa-aesthetic tuloy tignan. May maliliit din silang tao na parang dwende!
"Ako lang ba? Pero bakit nararamdaman ko ang aura ni Sky dito?" nalipat ang tingin ko kay Adrian at sumang-ayon.
Napakalakas ng aura ni Sky kaya kahit malayo ito ay malalaman mo kaagad na sa kaniya iyon galing.
Pero kung aura ang pag-uusapan pambato ko ang principe! Parang double ang lakas ng aura nito kesa kay Sky! Well, understable naman kasi prince siya.
Dapat kasama namin siya ngayon kaso busy, maraming ginagawa ang principe.
"He's here," lahat ng atensyon namin ay napunta kay President. Inangat niya ang kaniyang kamay at tinuro ang taas ng cliff.
Pinanliitan ko ng tingin sa malapit na cliff at may dalawang anino nga! He's here? I missed him!
"May kasama siya, nakikita niyo ba?" tanong ko habang hindi pinansin ang biglang pagkirot ng puso ko.
"Don't tell me it's a woman's shadow," halos pabulong kong sabi at mas lalong pinagmasdan.
"It is," sagot ko sa sariling tanong at napaiwas ng tingin. Napabuntong hininga ako at tinapik ang sarili.
Hiding your feelings is really tough, ay? Pinili mo 'yan, Rona! Huwag na huwag kang umaktong nasasaktan dahil ikaw ang dahilan kung bakit ka nasasaktan!
Stay strong self, stay strong.
Callista Lily's POV
Pagkatapos sabihin ni Sky na nandito sila ay bigla nalang silang sumulpot sa harapan namin.
Anim sila, tatlong babae, at tatlong lalaki. And I can really tell why they were called 'Elites' hindi maitatanging malalakas nga ang mga aura nila.
Interesting.
"Look who's here! Sky!" sambit ng isang lalaking blue ang buhok. Napunta ang tingin niya sakin at nginitian ako, "And who's this lovely woman?" he added.
Hindi ko maiwasang mamangha sa accent niya, it was really interesting to hear lalo na sa malalim pero malakas niyang boses.
Dahil sa pagtanong niya ay napunta ang atensyon nila sakin kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang. I hate it when someone's attention is on me.
Sekreto akong napabuga ng tingin at umiwas ng tingin. Ghad, this is awkward!
"This is Lily, a new student," pagpapakilala sakin ni Sky kaya ibinalik ko ang aking tingin sa kanila.
For 19 years living my life, ngayon lang ako nakarinig na tinawag ako sa ikalawang pangalan ko and God knows how awkward it sounds to me.
I don't know but I prefer Callista than Lily. Callista sounds independent while Lily is cute.
"Hi!" nalipat ang tingin ko sa babaeng nakasuot ng light pink t-shirt, itim ang buhok at brown ang mga mata.
"Hello," I greeted back.
"Did something happened at nandito ka—kayo? You are injured," she paused and turned her gaze to me, "And you're a new student. May mission din kayo?" The long-haired woman asked.
"No, we actually sneaked out para tulungan ang isang kaluluwang sinaniban ang isang statue—"
"—but the statue at school don't talk."
"Patapusin po muna ako no? Ang sabi niya Kassy daw pangalan niya at nanggaling siya sa Haven. She was crying for Pete's sake kaya wala kaming nagawa kundi tulungan siya. She asked her to find her daughter at sabi niya sa Veteris daw namin makikita so we're here but screw her, we got tricked!" Sky explained as if he was rapping.
"Kassy?" nalipat ang tingin namin sa lalaking kanina pa nanahimik. He was tall, a bit taller than Sky, fair skin, stoic expression, and fire were vivid in his eyes yet it was blank.
He looks like a zombie, a lifeless zombie yet too handsome to be one. Does it make sense?
"Is there any problem about her name, President?" my brow raised after hearing what the woman said. So he's the President? Well, he does look like one. Authority screams in his look.
Though, he looks somehow familiar. The way his eyes landed on mine feels familiar.
"Jakim mentioned a name Kassy earlier," he said with a glint of anger in his eyes. And who the hell is Jakim?
"Did they planned it?" I asked causing his eyes to land on me. Ilang segundo siyang nakatitig sakin habang tagpo ang kilay nito, it wasn't a frown but more like a confused look? Ewan ko sa kaniya.
"I don't know," he answered and looked away. Naglakad siya papalayo samin at huminto sa pinakadulo ng bangin. Isang maling galaw niya lang ay mahuhulog siya.
"Veteris City is our last destination and coincidentally you're also here," his eyes weren't on mine kaya maayos kong napapakinggan ang boses niya.
His accent was totally the same as mine, though I've never heard it with anyone else than myself.
"If the necklace of Valentina won't be here," he paused and I heard him sighed. Wait, the necklace of Valentina?
"She's the—"
"—dead mermaid Queen," pagtapos ko sa sanay sasabihin niya. He tilted his face sideways a little and spoke which made me annoyed.
"You knew," my brow twitched because of his tone. It was like he's degrading me and thought I knew nothing.
"Jerk," I mumbled and rolled my eyes.
"Nasangkot pa tuloy si Lily dahil sa mga dark mages na 'yun," dark mages? Hindi kami basta-bastang nang-aatake kung hindi naman kami inunahan.
"Nah, it's nothing," I blankly said. Wala na rin naman akong magagawa dahil nandito na ako. Kung bigla naman akong aalis ay hindi iyon magugustuhan ni daddy. Bastos masyado.
"Alam niyo ba? Syempre hindi pero Lily can also teleport! Isn't it amazing? Hindi na tayo magmamakaawa kay President kapag mapapagod tayo sa mga misyon!" excited na excited akala niya naman talagang I'll let him.
"At sino naman ang nagsabi sayong papayag ako?"
"Ang KJ nito!"
"Shut up, matutulog na ako," sabi ko at humikab.
Inangat ko ang aking kamay at nagsnal para gumawa ng tent dahil antok na antok na ako. Kung ayaw nilang matulog bahala sila basta ako I'm going to sleep!
Tahimik akong pumasok sa isang tent na pang-isang tao lang at sumigaw, "Good night!" umayos ako ng pagkahiga at ipinikit ang aking mga mata.
MORNING CAME, it was still peaceful dahil tulog pa naman yung maiingay kaya natahimik akong nakatitig sa mga kabahayan.
Maaga pa pero may iilang mga taong naglalakad at naglilinis na sa labas ng kanilang kabahayan.
It was a pleasant view, indeed. Dahil tulog pa naman siya at maaga pa ay napangdesisyunan kong maglakad-lakad nalang muna.
Hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom kaya I'm still okay. Tahimik lang akong naglakad-lakad habang pinagmamasdan ang mga batang tumutlong sa kanilang mga magulang.
Dahil sa pagkalibang ko ay hindi ko napansing nakapasok na pala ako sa gubat. Inilibot ko ang aking tingin at puro puno lang ang aking nakikita, syempre gubat nga.
Papaangat na ang haring araw kaya ang gandang tignan ng buong lugar. Lalo na ang pag-ingay ng mga kulisap at mga hayop.
Kumunot ang noo ko at napahinto sa paglalakad ng matanto kong may dalawang aninong nakatayo sa 'di kalayuan.
"Look who's here," a man said. Hindi ko masyadong maaninag ang mga pagmumukha nila dahil nakatalikod sila sa araw. Shemay, against the light!
"Callista," he whispered but enough to my brows to raise. Kilala niya ako, sayang magpalakilala pa naman sana ako.
Ang boring nito. Walang trill.
Dahan-dahan silang naglakad palapit sakin kaya maayos ko ng nakikita ang mga pangit nilang pagmumukha.
"Her name was Callista? I thought it was Lily," tinaasan ko lang siya ng kilay dahilan sa pag-ngisi niya.
"Idiot, probably that's my second name." I said dahilan sa pag-usok ng dalawang tenga.
"Who are you and what the hell are you?" I asked.
"Alam kong magtatanong ka. I am Jakim, one of the elites in Darkia Kingdom," he said. Darkia Kingdom? Who the hell is he joking to?
"There's no Jakim in my place if you don't know," I said causing him to smirk.
"Proud to be a darkian? But we're not from your kingdom," he simply said.
"Are you an idiot? You introduced yourself as one of the elites in my kingdom tapos ngayon sasabihin mong hindi ka galing sa kaharian ko? Bobs lang?" inis kong sambit at inirapan siya.
Bobo ata 'to, halatang hindi galing sa kaharian ko.
"You're annoying," napunta ang tingin ko kay Kassy na ngayon ay masama ang tingin sakin.
"Pakialam mo? Inisin mo rin ako," sagot ko.
"You're getting on my nerves! A useless princess!" galit na galit? Kala mo ganda eh.
"Am I?" I paused and gave her a smile, "Well, this useless b***h can kill you without sweating. Gusto mo try natin? Promise masaya," I said, still wearing my sweet sincere smile.
She should be honored, hindi ako basta-bastang ngumiti. At least sa huling hininga niya maganda ang nakita niya.
"I will kill you!" mas lalo akong napangisi dahil sobrang pula na ng mukha niya.
"Shining through the city~ Dynamite! Sige, mainis kapa para sumabog 'yang pangit mong pagmumukha," akmang susugurin niya ako ng pigilan si ni Jakim.
"Let me go, Jakim! Papapatayin ko 'yang babaeng 'yan! She's getting on my nerves! Argh!"
"She's getting into my nerves! Argh!" pang gagaya ko at tumawa. Ops, mukhang mas lalo lang siyang nainis sa sinabi ko.
"I will kill you! Fck you!"
"Sorry, I don't fck with girls," sagot ko at tinignan ang magagandang kuko ko. Mukhang may masisira ngayon ah, nasa Darkia pa naman yung favorite manicurista, hmp.
"Shut it, Callista," napalingon ako kay Jakim at nginisihan siya.
"Inuutusan mo ako, elite?" tanong ko at tinitigan siya. Ramdam ko ang galit sa aura niya kaya hindi ko maiwasang matawa.
"Ang boring niyo naman."