Chapter 3: Soul?

2006 Words
Callista Lily's POV Tahimik kaming naglalakad patungo sa susunod na subject namin ng bigla kaming makarinig ng sigaw.  "What was that?" I asked.  "Hindi ko alam," he replied. Sabay naming inilibot ang aming tingin sa paligid pero wala sa mga estudyanteng nakakasabayan namin ang mukhang nagpapanic or humihingi ng tulong. Then what was that? "Wala rito," bulong niya. Muli kong nilibot ang buong paligid at may nahagip akong isang pathway na mukhang patungo sa isang garden or something. "Saan 'yan papunta?" tanong ko sabay turo sa daan. "A small garden," sagot niya. "Help!" Agad kong tinuro ang daan ng mapagtanto kong ro'n galing ang boses. The voice was loud enough to hear from far away pero bakit kami lang nakakarinig nito? Hindi ko maipigilang mapangiwi dahil sa nakikita. The place was filled with red roses, golden dust, and some weird hanging leaves in a shaped heart. Valentines na ba? Advance ba sila dito? Kasi sa Darkia matagal pa naman ah. And yes, kahit dark mages kami we still celebrate Valentine. Hindi nga lang katulad ng Lightres na sobrang bongga, with matching foods pa, designs, and party. Sa Darkia we just greet each other and that's all pero hindi naman bawal kung gusto nilang magcelebrate. Daddy won't mind it. Ilang segundong paglalakad ay bumungad samin ang isang statue na kumikinang. Wow, does their statues glow? Sana all. "Lahat ba ng statue niyo rito kumikinang?" kyuryos kong tanong dahilan sa pagkunot ng noo niya. What? Did I ask something bad? "Hindi, kaya nagtataka rin ako kung bakit kumikinang ito," napatango ako sa sinagot niya. Akala ko pa naman kumikinang yung mga statues nila rito dahil sa Darkia ay hindi naman. "Tulong!" rinig naming sigaw at napatitig sa statue na ngayon ay mas lalo pangkuminang. Pinanliitan ko ito ng mata at may napapansing mali, hindi ko nga lang mawari kung ano iyon. But something's fishy about this statue. "Tulungan niyo ako!" "Holy sh!t!" halos lumipad ang kaluluwa ko palayo sa katawan ko dahil bigla nalang gumalaw at nagsalita ang babaeng statue! What the fudge?! "Your statues can talk?!" gulat kong tanong at nilingon di Sky na ngayon ay gulat din. What the? I mean I shouldn't be shocked, right? This is a magical world so probably hindi talaga ito nakakagulat. But I'm still shocked! Wala kaming ganito sa Darkia! "P-please, tulungan niyo a-ako..." Naluluhang paghihingi nito ng tulong.  Napabuga ako ng hangin after my brain accepted that they do really have talking statue. Tinapik ko ang likod ni Sky at nagsalita, "I'll get going," paalam ko. Akmang aalis na ako ng biglang hawakan ni Sky ang kamay ko dahilan sa pagkahinto ko," Bakit?" takang tanong ko. "Iiwan mo ako?" kunot-noong tanong niya. "Yeah?" humarap ako sa kaniya, "I mean you handle this, diba? You're the Vice-president." pagpapaalala ko sa kaniya.  Namention niya kasi ang pagiging Vice-president kanina ng naglalakad kami kaya pala may iilang bumabati sa kaniya o minsa'y yumuyuko ng kaunti. "I can't just decide what to do lalo na wala yung President," inirapan ko siya. Kaya nga siya dapat yung gagawa ng paraan para matulungan ang babae dahil VP siya! Wala yung President so basically siya yung lead! "You're the Vice-president, Sky. Wala ang president like what you said, so basically it makes you the leader." sabi ko at muling hinarap ang babaeng statue. "Okay. We should help her."  Dahil sa sinabi niya ay muli akong napalingon sa kaniya. Anong we? "We?" "Oo, tayo. Tututlong tayo sa kaniya."  "At bakit nasama ako? Ikaw lang naman yung Vice-president sa'tin ah." sagot ko dahilan sa nguso niya. Napangiwi ako dahil akala niya ang cute niya. "Please?" Napabuntong hininga ako at napairap. Ano pa bang magagawa ko? Nandito na rin naman ako atsaka Sky helped me earlier. "Fine, fine. Just stop making that face, hindi nakakatuwa," suway ko dahilan sa pagtawa niya at nilingon ang statue na ngayon ay nakatitig saming dalawa. "H-help..." "We will. Ano bang nangyari?"  Habang tinatanong ni Sky ang babae ay napunta ang tingin ko sa fountain. Muli akong napangiwi dahil kulay pink ang tubig nito. Hinding-hindi na ako babalik dito, period. Ibinaling ko ang aking tingin sa babae ng nagsalita na ito.Woah, still can't move on from the fact that their statues can talk. "I'm Kassy, galing ako sa Haven..." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang lugar. Haven? Home of souls? "Kaunti lang ang oras ko rito p-pero tulungan niya ako... yung anak ko, nawawala yung a-anak ko, hanapin niyo s-siya p-please..." "Asan siya ngayon?" tanong ko habang nakakunot pa rin ang noo. "V-veteris City... please tulungan niyo a-ako." muling pagmamakaawa nito.  Nagtaka ako dahil bigla-bigla nalang umiiba ang kulay ng mga mata niya. Pinagmasdan ko pa siya habang kinakausap siya ni Sky at hindi kapansin-pansin kaagad ang kamay nitong nagbabago rin. Walang paalam kong hinila si Sky papalayo sa babae kaya nagulat ito, "Hey, what's wrong?" "Wait here," sabi ko at lumayo ng kaunti sa kaniya. Iba ang pakiramdam ko kay Kassy, even her name sounds familiar! "Dinala mo ako rito para iwan lang? Sana pala sinabi mo nalang na iiwan mo rin pala ako para naihanda ko ang sarili ko sa pag-alis mo." Kunot-noo ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin, " Ang drama mo." ngumiti lang siya kaya ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa cellphone at tinawagan si Dalia. I can't trust Kassy's tears, hindi ako nakukumbinsi. "Why isn't she answering?" inis kong bulong dahil nakailang tawag na ako pero hindi pa rin ito sinasagot. Kung kailan kailangan ko siya, wala siya. Muli akong bumalik sa tabi ni Sky at muli siyang hinila papalapit kay Kassy. She was staring at me like she knows me, na may alam siya tungkol sakin pero binalewala ko nalang ito at nilingon si Sky. "Tutulong kami," sabi ko at inilipat ang tingin kay Kassy who gave me a smile. ONE OF academy's rule was hindi pwedeng magkita ang mag-kaibang gender sa gabi. It was prohibited to avoid early pergnancy pero hindi iyon ang dahilan kung bakit nandito ako sa tapat ng gate. Naisipan naming gabi ang gawing pagtulong kay Kassy, hindi naman ito mahahalata dahil gabi nga. Kinailangan ko pang tapusin ang buong klase ngayong araw dahil I am a new student for pete's sake. Kung hindi ako nagprisentang tutulong ay sana'y tulog ako ngayon. Napalingon ako sa bandang likod at naramdaman ang aura ni Sky. Kaagad niya akong kinawayan at tanging pagtango lang sinagot ko. "Paano tayo makakalabas?" tanong ko dahilan sa pagkamot niya ng noo at napalinga-linga. "We can't walk through the gate dahil malalaman ni tita." "Then let's teleport." sagot ko na nagpalaki naman sa kaniyang mga mata. May nasabi ba akong kagulat-gulat? "Teleporting power is rare! Tanging ang dugong bughaw at iilang mga mages lang ang meron nito!" "Then let's just say I am part of some mages?" sabi ko dahilan sa pagtitig niya sakin. "What? Alangan naman sabihin kong parte ako ng royal family?" kahit totoo naman. "May anak ang reyna..." "And ako 'yun? Psh, you can clearly see my brown eyes." Pangkukumbinsi ko. "Contact lens exist." inis akong napabuntong-hininga. Bakit ayaw niya nalang maniwala? "Mahal ang conctact lens, do you think I'll waste my money on it?" napatango-tango naman siya na parang nakukumbinsi ko. "Oo nga naman." sagot niya at nginitian ako kaya inirapan ko lang siya. "Let's go," sabi ko at nilapitan siya. Hinawakan ko ang kamay niya at nagsimulang maglakad bago nagteleport papalayo ng academy. Malapit na kami sa Lux City ng bigla niyang hawakan ang kamay ko dahilan sa paghinto ko mula sa paglalakad.  "Malapit lang ang bahay namin dito, kukuha muna ako ng makakain natin sa daan." tumango ako at nagpahila lang sa kaniya. Habang hila-hila niya ako ay inilibot ko naman ang tingin ko sa buong lugar. Katulad ng academy ay halos light colors lang din ang gamit ng buong lugar, kahit madilim na dahil gabi ay kitang-kita pa rin ang kagandahan ng lugar. Ilang minuto ang lumipas ay huminto kami sa two-sory house kaya tiningala ko ito. Ito bahay nila? I could really say na may kaya ang pamilya nila. Iilan lang kasi ang ganito ang bahay sa Lux city. Gusto niya sanang papasukin ako pero tumanggi lang ako at hinintay siya sa labas. I told him to get any food na strawberry ang flavor, that's my favorite. Hindi naman siya nagtagal sa loob dahil agad siyang nakalabas habang walang bitbit. Agad napunta ang tingin ko sa suot niyang relo dahil alam ko kung ano ang kaya no'n. Pwedeng ilagay sa loob ng relo ang mga gamit na ayaw mong bitbitin. It is very useful kapag may mga ganitong gawain. "Let's go, baka may makakita pa satin." tumango lang ako at sumunod sa kaniya. Nagsimula kaming maglakad. Gusto ko sanang magteleport pero ayaw niya, teleporting needs energy daw kahit hindi naman talaga! Edi ito kami ngayon, naglalakad sa gitna ng dilim. "Can we just teleport nalang? Napapagod na ako," inis kong sabi pero umiling lang siya kaya napairap ako. Muli kaming naglakad pero dahil matigas ang ulo ko kay hinawakan ko ang kamay niya at agad nagteleport patungo sa Veteris City kahit hindi ko naman alam kung anong mukha ng lugar. "Wow," bulong niya ng ilang ng mga bahay ang bumungad samin. Hindi ko alam kung paano pero sa isang cliff kami nagteleport kaya kitang-kita ang mga kabahayan ng Veteris. Biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko at nakitang si Dalia ang tumatawag. "Did I interrupt yourself, your majesty?" agad akong napalayo mula kay Sky at nagsalita. "No, I am widely awake," I said. "Ngayon ko lang po napansin ang tawag niyo. What is it about?"  "May tanong lang sana ako," sagot ko at nilingon si Sky na ngayon ay nakatingin pala sakin, tinaasan ko lang siya ng kilay. Kahit pinili kong tulungan si Kassy ay hinid pa rin naaalis ang pagdududa ko sa kaniya. She's just too strange, too strange that I feel something about her. "Does spirits can possess statues?" I asked. "That's impossible, you're majesty. Souls or spirits can't possess any material things lalo na't patay na sila atsaka iilan lang ang mages na konektado sa spirits ang kapangyarihan,: sagot niya nadilan sa pagtango-tango ko. "Say it again," sabi ko at lumapit kay Sky. Dalia said everything she said to me at kitang-kita ko ang pagtatagpo ng kilay ni Sky, indicating that he's annoyed. "Thank you, Dalia." pagpapasalamat ko at pinatayan siya ng tawag. "I was right all along," I said and sighed, "She was suspicious." I continued. "You should never trust someone you just met," I said, almost whispering. Inilipat ko ang aking tingin sa mga bahay, the yellowish streetlights complement the dark sky. It was a nice scenario. "How about you. should I trust you?" he asked, which made me gaze at him. "I don't know," I honestly said before shifting my gaze to the dark sky, "It's been quite long I've encountered mages," sagot ko. "I'll trust you then," "It's your choice, I didn't beg you to trust me," I said. "That made me trust you even more," natatawang sagot niya dahilan sa pagkunot ng noo ko. Hinid ko gets, dahil sa sinabi kong choice niyang pagkatiwan niya ako?  "I don't get it," I said. "Nah, huwag mo nalang pansinin ang sinabi ko." nagkibit-balikat ako at hindi na nagtanong pa. Agad nalipat ang tingin ko sa baba, sa entrance ng gubat dahil may naramdaman akong mga malalakas ng aura. "Strong auras," bulalas ko. "Nandito na sila," dahil sa sinabi ni Sky at kunot-noo akong napalingon sa kaniya. Who is he talking about? "Sinong sila?" tanong ko dahilan sa pagniti niya. "The elites," sino naman sila? Are they his friends? Yung malalakas 'kuno' sa LA? I've heard some stuff about them kahit nasa Darkia ako. "You mean you're friends?" I asked again. Tumango siya bilang sagot kaya ibinalik ko ang aking tingin sa isang grupong naglalakad papasok ng Veteris. Madadagdagan pa ang sakit sa ulo ko. I'm already stressed enough with Sky, meron pang dumagdag. Wow, ang galing, notice the sarcasm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD