Chapter 2: Welcome to LA

2036 Words
Callista Lily's POV As I expected, kaunti pa ang mga estudyanteng nandito dahil 8am pa naman ang klase. Gusto ko sanang dumiretso nalang sa classmate kaso hindi ko naman kabisado yung Lightres Academy at hindi ko rin alam kung saan ako naka-assign na classroom. Katulad ng gusto kong mag-aral bilang isang normal na estudyante, binigyan ako ni daddy ng isang brown contact lens para matakpan ang kakaibang kulay ng aking mga mata. Who would dare to stare at golden eyes? Especially when it’s cursed. Dahil ayokong sayangin ang oras ko sa paghahanap ng room ay naisipan kong umakyat nalang sa punong inakyat ko kahapon. Dito nalang muna ako dahil wala pa namang katao-tao ang buong academy. Muntik na akong mahulog ng biglang sumulpot si Dalia sa tabi ko. Bigla ba namang magpakita sa gitna ng katahimikan sinong hindi magugulat? “Shucks.” bulong ko. Yumuko siya bilang paghiningi ng tawad kaya napa-iwas nalang ako ng tingin at nagsalita, “What?” I asked, still haven't recovered from the shock. "Nakalimutang ibigay ng iyong ama," sabay lahad niya sa akin ng isang envelope, "Kailangan niyo ring hanapin ang headmistress ng LA, iyon daw po ang unang ginagawa ng mga bagong estudyante." tumango lang ako bilang sagot at tinaggap ang envelop. Nakita ko ang pagyuko niya bago bigla na naman nawala. She really using teleporting too much. Headmistress? Saan ko naman kaya mahahanap ang office niya? Ni hindi ko nga alam kung saan yung room ko office pa kaya. And this academy looks big, I'm sure it will take time to find her. I hate walking. Tumalon na ako pababa mula sa sanga ng puno dahil mukhang marami-rami na rin yung mga estudyanteng naririto. I walk as If I own the world, not minding the curious eyes that the mages throw.  New face, new topic. Some began to murmur pero hindi ko sila pinansin at walang lingon-lingon na naglakad. I just have to find the headmistress's office and I'm done feeding their curiosity. Shocks, ganyan ba kapag ngayon lang nakakita ng maganda? Napaangat ang aking kilay ng may mahagip akong isang babae na naglalakad at may malaking ngisi sa kaniyang mukha. Hindi ko maiwasang kunotan ng noo dahil bigla siyang huminto sa harapan ko. Hindi niya ba ako nakikita? "Hi! I'm Amia, the school representative. Do you need help?" hindi ko siya sinagot at tinitigan lang. She looks younger than me, mas maliit din siya sakin kaya I have to tilt my head down a little. Napansin niya atang wala akong interes makipag-usap sa kaniya kaya naiilang siyang napatawa, "New student?" she asked. "Sa tingin mo?" Napakamot siya ng batok at tumagilid, "I'll lead you to the headmistress if you don't mind." she said and motioned me the way.  As she walks our way to the office, she was talking about her experiences here in LA which I didn't bother to listen to. Pinagmamasdan ko ang buong paligid dahil hindi pa rin ako makapaniwalang nandito ako sa kabilang parte ng Chantia. Ito ang kauna-unahang pagtapak ko sa Lightres. Hindi lang ako makapaniwala kung gaano magkaiba ang dalawang kaharian. Darkia is a dark place, sa pangalan palang nito ay halata na. But we do have sun, we do have light pero hindi katulad ng Lightres na halos saan ka tumingin ay puti. Everything shouts cleanliness, neatness, and pureness. But I hate it. I hate how clean, neat and pure the place looks like... dahil ang mga nakatira rito ay kabaliktaran. I hate how judgemental, close-minded, and prideful they are. Every unfortunate thing happened to them ay ang mga dark mages kaagad ang pinagbibintangan nila. When in fact nanahimik kami! Yes, we may be dark mages pero mababait kami na darkians, hindi kami ang kalaban dito. "Saan po kayo galing?" nabalik ako sa realidad ng biglang nagsalita ang batang babae. "Girl's dorm," plain kong sagot. Wala naman akong ibang masabi dahil hindi ko naman kabisado ang Lightres. Narinig ko ang naiilang niyang tawa at tumango ng ilang beses. Hindi ko nalang siya pinansin at ibinalik ang tingin sa paligid.  Every corner of the place has a specific flower, fairies, and dust. Lightres is too magical, too lively. Nabaling ang atensyon ko sa gilid dahil huminto kami sa tapat ng isang malaking double door. "This is headmistress's office. Welcome to LA!" nakangiting sabi niya kaya tinugon ko siya ng isang mahigpit na ngiti. Kumatok ako ng dalawang beses at agad naman itong bumukas mag-isa at bumungad sakin ang isang babaeng nakaupo sa swivel chair habang nakatitig sakin na para bang alam niyang dadating ako. Is she expecting me to arrive today? Does she even know me? "What a beautiful fruit you are, Callista," she said and stood up, "Monroe and Cooper blend perfectly," she said, chuckling. "You know me?" I asked. "Hmm. Kahit hindi mo sabihing anak ka ng reyna at hari ng Darkia ay mapapansin kaagad dahil sobrang hawig ninyong tatlo." she replied, motioning me to take a seat. "Can I trust you? Oh, I'll trust you." blankong sabi ko dahilan sa pagngiti niya. Why is she smiling? I was indirectly blackmailing her at alam kong alam niya iyon. We both stared into each other's eyes as if we were actually talking. Well, we are talking—our eyes are talking. Napunta ang tingin naming dalawa sa pinto dahil bigla itong bukuas at iniluwa ang isang matangkad na lalaki, "Tita—oh! I'm sorry, balik nalang ako—" he paused when our eyes met. "Pumasok ka Sky, you're being insensitive, may kausap ako." napayuko naman siya at pumasok.  Nanatili ang atensyon ko sa kaniya. He's tall, protruding eyes, smell's good— what the f**k am I thinking? Kailan pa ako nagkaroon ng pakialam sa isang lalaking hindi ko naman kilala— no, kailan pa ako nagkaroon ng pakialam? "Would it be fine with you kung sasamahan ka ni Sky papunta sa classroom mo?" agad akong napalingon sa headmistress at tumango. Ano pa ba magagawa ko? As if alam ko kung saan yung room ko. "We'll get going," I said. Nauna akong lumabas at hindi hinintay ang lalaki. Ilang segundo pa ang tinagal niya sa loob bago lumabas habang nakangiti. Why is he smiling?  "Anong grade ka na?" Bigla akong napahinto dahil sa tanong niya. Even myself doesn't know what grade I belong to.  I heard him chuckling kaya nilingon ko siya, "Nasa akin pala schedules mo." nakangiting sabi niya habang nakatitig sakin. Ilang segundo rin kaming nagkatitigan bago siya muling nagsalita. "C-classmate pala tayo," tango lang sinagot ko at muling bumalik sa paglalakad. Halos dalawang minuto rin kaming naglakad bago huminto sa tapat ng isang maingay na room. Bigla niya akong nilingon kaya napaigtad ako dahil sa gulat. He chuckled and said, "Any minute now magsisimula na yung klase." tumango lang ako. Nginitan niya muna ako bago binuksan ang pinto. Nauna siyang pumasok at sumunod naman kaagad ako. Biglang natahimik ang buong room at nasa amin— akin ang buong atensyon nila as if I am a weird invented robot. Kaya ayaw na ayaw ko sa crowded people. Tahimik kaming naglakad ni Sky patungo sa bandang likuran kung saan may dalawang upuan. Hindi ko maiwsang kunutan ng noo dahil sa tabi ko siya umupo. Magkatabi kami? Nabaling ang atensyon namin sa harap ng biglang pumasok ang isang babaeng mukhang proffesor namin, "Hi! Good morning, students!" bat niya at kaagad napunta sakin ang mga mata. "Please introduce yourself," nakangiting sabi niya sabay lapag ng mga gamit niya sa table. Hindi ko pinansin ang mga curious nilang mga mata at tumayo sa inuupuan ko, "Call me Lily," pagpapakilala ko dahilan sa pagtaas ng dalawang kilay niya as if she's asking me kung yun lang ba ang sasabihin ko kaya tumango ako. "Okay then, thank you Lily," walang salitang umupo ako.  "Introvert? Doesn't like talking?" tanong ng katabi kong lalaki kaya nilingon ko siya at sinagot. "What do you think?" I asked him back causing his lips to raised and formed an amused smile. "You are," I responded with a shrug and shifted my gaze in front. "For today's class," she paused and gave us a smile, "We will tackle about our beloved academy—Lightres Academy. Pero alam niyo naman na meron pang ibang academy diba?" lahat sila tumango habang ako ay nakikinig lang. "Okay. As we all know, Queen Victoria and King Carlos build this academy for us— for us to study and learned how to control our powers. Sabi ng dating reyna ay masyado raw nahirapan ang mga mages dati kung paano kontrolin ang mga kapangyarihan kaya an idea light in their head and boom! LA brought to life. At first, mages were opposed to the idea dahil paano raw yung mga mahihirap? Paano yung hindi kayang magbayad? That's when Queen Victoria decided na gawing libre ang pag-aaral." She isn't that cruel? Psh, cruel my ass. "Now, let's about our lovely Queen— Queen Liana," my heart started to pound. "Have heard about the forbidden love? The rule breaker?" We'll really be going to talk about my family's history, ah? "No!" Bago pa makapsalita ang proffesor ay iniyuko ko ang aking ulo sa desk ng upuan at ipinikit ang aking mga mata. Ayokong marinig, ayokong makarinig muli ng panghuhusga. "Hindi ka makikinig?" Sky asked. "Nah, I'm already familiar with their story," because I am also part of that story. "If you say so." "Our Queen had a boyfriend," napakuyom ang kamao ko at umayos ng upo. Bakit pa ba ako mag-iinarte? As if hindi ko alam kung gaano nila ka-disgusto ang mga darkians. "Sino po?!" "The King of Darkia Kingdom."  "Po?" "She's what? The dark King?" "I even heard they have a daughter!" You're right. "Yes, you're right!" sagot ng professor.  "Talaga po? Asan po yung princesa?" I'm here, b***h. "Princess? Psh, kahit na anak siya ng reyna ay isa pa rin siyang darkian!" What's the fuss? "Can we know her name po? At bakit hindi po siya ipinakilala?" "Her name is Callista Lily Monroe Cooper. The Queen chose to hide their daughter for her safety." Safety my ass! "Safety? Hindi ba dapat tayo ang lumayo sa kaniya? She's a danger to our world! Paano na kung patayin niya yung reyna dahil— "Shut it, Urda!"  Lahat ng atensyon namin ay napunta kay Sky dahil bigla siyang tumayo at tinuro ang babaeng kanina pa daldal ng daldal. "What's wrong with you, Sky?" "You're literally judging the princess. Sa tingin mo mabubuhay ka pa kung malaman ito ng reyna? lalo na ng hari? Baka nakakalimutan mo kung sino ang pinag-uusapan natin ngayon. We are talking about the Monroe-Cooper family, the strongest families combined." "Oo nga't anak siya ng reyna at hari ng Darkia? So? Ano naman kung kalahati siya? As long as she's not doing any harmful to us, it's fine. Atsaka wala tayong karapatang pagsalitaan ng ganon ang princesa dahil princesa pa rin siya— ang susunod na magiging reyna natin." "Are you siding with the darkians?" "It's not like that— why do I need to explain myself?" huling sabi niya bago bumalik sa pagkakaupo at nilingon ako. "Are you okay? Namumula ka," because I am angry— was angry. I gave him a tight smile, "Nah, I'm fine." Tumango siya bago ibinalik ang atensyon sa harap. Napabuntong hininga ako at ibinalik din ang atensyon sa professor. Muli siyang bumalik sa pagtuturo but my thoughts were flying. Hindi ko na ata maibabalik ang atensyon ko sa klase. Too boring. "Good," hindi ko mapigilang mapabulong dahil tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase. Hinintay kong makalabas silang lahat bago ako umalis. Ayokong makipagsabayan at plastikan sa mga mages na ayaw naman sakin— well not literally me pero f**k them. Kumunot ang noo ko dahil hindi lang pala ako ang naiwan sa loob. Sky was still sitting, by my side. "You should go," I said. "Do you really think I'll just leave you here? Alone?" he said causing my forehead to crease. "What's the fuss?" "Hindi mo po kabisado ang lugar," he replied. Tumayo ako at tinapunan siya ng tingin, "Lead the way then," Ngumiti siya at tumayo na rin. Pinauna ko siya dahil katulad ng sinabi niya, hindi ko kabisado ang lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD