Chapter 6

1571 Words
Pagkatapos 'kong pumirma ng kontrata na ipinadala sa akin ng HR ay umpisa na agad ng aking trabaho. Tinutulungan ako ni Ms. Diane sa mga maari ‘kong gawin dito sa opisina. Lalo na sa pag-aasikaso ng mga kailangan ni Sir Bernard. Kabilang dito ang mga meetings, mga pipirmahan na papeles at mga schedules niya for the whole day. Pinaalalahanan din ako ni Ms. Diane na dapat daw advance ng one week ang schedule ni Sir Bernard dahil paminsan-minsan ay nagbabago daw ito ng schedule depende sa gusto ni Sir Bernard. Sinabihan din niya ako na maging attentive sa lahat ng gagawin ni Sir dahil may pagka-ulyanin daw ito. Hindi ko alam kung biro ba yun dahil nakangiti niyang sinasabi yun sa akin. Puro ‘Yes Ma’am’ lang ang sagot ko sa kanya. Sa una siguro mahirap pero kapag gamay ko na ang ginagawa ni Sir madali na sa akin gumawa ng trabaho lahat naman ng bagay mahirap sa umpisa kapag nakasanayan ko na ay mas madali na saka ayoko namang ma-disappoint si Sir Bernard dahil siya mismo ang nagpasok sa akin sa kompaniya tapos secretary pa niya ako. Kaya pagbubutihan ko talaga sa abot ng aking makakaya. “Ms. Briones, pakitawagan ang marketing team. Tapos ko na pirmahan ang mga papers. Saka kunin mo yung menu dito at tawagan mo ang restaurant for my lunch. Umorder ka na din ng para sa’yo.” Utos ni Sir mula sa intercom na naka-connect sa aking table. Pinindot ko ang green button upang sagutin siya. Agad kong hinanap ang numbers ng marketing department at tinawagan sila. Sila na rin ang kukuha ng papers dahil hindi naman ako pinapababa ni Sir sa elevator. Nakakahiya man dahil kailangan mag-adjust ni Sir pero sisikapin ko na makaya kong sumakay ng elevator nang hindi natatakot at inaatake ng phobia ko. After kong ibaba ang telepono ay kumatok naman ako sa pintuan ni Sir Bernard para kunin ang menu na sinasabi niya. “Come in.” Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok na ako sinara ko din agad pagkapasok ko. Baka kasi maka abala ako sa ginagawa niya. “Kukunin ko na po yung papeles na pinirmahan niyo saka po yung menu.” Tumango siya sa akin at inabot ang mga binangit ko mula sa ibabaw ng table niya. Kinuha ko naman ito at nagpaalam na lalabas na. “Mabuti naman sinagot mo ang tawag ko Binibini? Pupunta ako sa inyo diyan mamaya.” Malambing na sabi niya habang hawak ang kanyang phone at nakalagay sa kanyang tenga. Narinig ko pa ang hagikhik niya bago ako humakbang palabas ng office niya. Binibini daw? Girlfriend niya kaya yun? Mahaba ang nguso na bumalik ako sa table ko. Umupo ako at tinignan ang maliit na papel sa ibabaw ng menu. Tempura, sashimi, salad and Japanese cheesecake? Wow! Mukhang masasarap ang mga yun ah! Ganun na lang din kaya ang orderin ko? Binuklat ko ang menu at nalaglag ang panga ko nang makita ko ang mga presyo. Kaya pala mukhang masarap. Mahal din ang mga yun. Ano kayang pampalasa ang inilagay nila at ganun kamamahal ang per serving’s nila? Pang isang buwan ko na yung kita sa pagtitinda ng isda eh! Kinakabahan na pinindot ko ang intercom. “Ah, sir wala po bang canteen dito? Kasi di po ako sanay kumain ng mga ganitong pagkain eh.” Pagdadahilan ko pero ang totoo hindi kaya ng budget ko dahil dalawang libo na lamang ang natira sa pera ko. Ipinadala ko kasi kay Inay kahapon yung puhunan ‘kong tatlong libo sa pambili sana ng tilapya. “It’s okay Ms. Briones. Umorder ka ng gusto mo ako na ang magbabayad.” Narinig kong sagot niya sa akin. “Pero Sir?” “Wait lang Binibini.” Mahinang dinig ko. “I’m busy okay? Wag ka ng makulit.” Dagdag pa niya bago patayin ang intercom. Namo-moblema ako kung ano ang kakainin ko nakakahiya na kay Sir Bernard kung palagi na lamang siyang gagastos para sa akin. Kasalukuyan akong namimili ng menu nang makarinig ako ng yabag ng sapatos. Nang mag-angat ako ng tingin ay mukha ng maganda at sexy na babae ang bumungad sa akin. Nakakulay itim itong damit at hapit na hapit sa kanyang katawan. Medyo labas din ang pinagpala nitong dibdib at may hawak na maliit na purse. “Excuse me? Nasa loob ba si Mr. Villegas?” Maarte na tanong niya sa akin habang hinahawi ang kanyang kulay blond at kulot na buhok papunta sa likuran ng kanyang kanang tenga na may diamond na hikaw. “Wait? Bago ka lang ba dito? Kasi ngayon lang kita nakita.” Tanong niya ulit sa akin. Sobrang pula ng kanyang lipstick kaya kitang-kita ang maputi at pantay niyang ngipin. Malalantik ang kanyang pilik mata. Amoy mamahalin din ang kanyang pabago. Para siyang artista na aattend sa grand ball or oscar awards sa kanyang itsura. “Yes Ma’am, bago lang po ako dito nasa loob po si Sir tatawagin ko na lang po ano pong pangalan niyo?” Magalang na tanong ko sa kanya. “I’m Trixie, by the way wag mo na siyang tawagan. I’m his girlfriend, I planned to surprise him. Dahil kakarating ko lang galing New York.” Pigil niya sa akin nang pipindutin ko na sana ang intercom. Girlfriend din siya ni Sir Bernard? Wow! Totoo pala ang chismiss. Akmang magsasalita pa sana ako pero tinalikuran na niya ako at nagtungo sa pinto ni Sir Bernard at kaagad na kumatok kaya hindi ko na siya napigilan. “Hi! Honey, surprised!” Narinig kong sabi niya nang buksan niya ang pinto at kaagad na pumasok sa loob. Napaupo akong muli sa upuan. Siguro naman hindi magagalit si Sir dahil pinapasok ko siya kahit hindi niya alam. Grabe, sa unang araw dalawang babae agad ang nalaman kong girlfriend niya. Ilan pa kaya ang makikilala ko ngayong araw? Hindi na ako magtataka bukod sa mabait si Sir Bernard ay gwapo at mayaman din ito. Kaya lang sana naman hindi niya pinagsasabay ang mga syota niya kasi masakit yun sa part ng iba! Wait? Bakit ako naapektuhan? Kinaltukan ko ang sarili at muling bumalik sa ginagawa ko. Nag-order na lamang ako ng rice at chicken teriyaki saka bottled water at tumawag na rin ako sa restaurant. Dumating na din ang tinawagan ko para kunin ang mga papeles. Habang nagtitipa ng mga schedule ni Sir ay napapasulyap ako sa pinto. Ano na kaya ang ginagawa nila doon? Hindi naman siguro sila gumagawa ng milagro diba? Kagaya ng mga nakikita at nababasa ko sa mga pocketbooks at napapanuod ko sa mga pelikula. Bigla akong kinilabutan ng may marinig akong ungol. Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil baka multo akong makita. Bukod kasi sa office ni Sir ay wala ng ibang nandito kundi ang meeting room. Wag naman sana akong multuhin dito! At takot talaga ako sa multo! Nagulat at nalaglag ako sa upuan ko nang mas malakas na ungol pa ang narinig ko. “Ah! Faster babe!” Napatayo ako at napaangat ng tingin sa pinto dahil sa sunod kong narinig. Hindi na yun ungol ng multo kundi ungol na ng nasasarapang babae! Napakagat ako sa ibabang labi at tinakpan ang aking magkabilang tenga. Sir naman, hindi man lang umakyat sa penthouse at doon mag jack en poy. Dito talaga? Parang imbis na sila ang mahiya ako na tuloy ang nahihiya. Paano na lamang kung may duma— “Oh! I’m c*****g babe!” Diniin ko pa ang pagkakatakip ng aking tenga dahil naririnig ko pa din ang sigaw ng babae sa loob ng office ni Sir Bernard. Maya-maya pa ay tinangal ko na din dahil tahimik na ulit. Napabuntong-hininga ako at nanlulupaypay na sumandal sa upuan. Kaya mo yan Sam! Dapat masanay ka na simula ngayon. Kailangan kong bumili ng headset para sa susunod wala na akong marinig kapag may gagawin si Sir na kalokohan sa kanyang opisina. Ako na lamang ang mag-aadjust mahirap na! Pero na-offend ako sa nangyari. Syempre matagal ko na siyang crush tapos ganito pala ang ginagawa niya sa tunay na buhay. Bumalik ako sa aking trabaho at wala pa ring utos akong natatangap mula sa kanya. Maya-maya pa ay dumating na rin ang food delivery namin. Pinindot ko ang intercom para ipaalam yun kay Sir. “Okay, ipasok mo na dito.” Wika niya na ikinabilis ng t***k ng puso ko. Para kasing hindi ako handa na pumasok sa loob matapos kong marinig yung mga ungol kanina. “Y-Yes Sir.” Mahinang sagot ko bago ko patayin ang intercom. Kinuha ko ang pagkain niya at kumatok ako sa pinto bago ko binuksan. “Ito na po— yung food.” Halos hindi ko maituloy yung sasabihin ko nang makita kong siya pa mismo ang nag-zipper ng damit ni Ma’am Trixie sa likuran nito habang nakaupo sa kanyang mesa at kitang-kita ko din ang mga kiss mark sa leeg at ang namumula niyang labi. “Ilagay mo na lang diyan sa maliit na table at mag-lunch ka na rin.” Wika pa niya sa akin. Kaagad naman akong sumunod at ipinatong ang dala ko sa maliit na table na pinag-gigitnaan ng malambot na sofa. At mabilis na tinungo ko ang pinto. Saka pa lamang ako nakahinga ng maluwag nang makalabas na ako. Tulala akong pumunta sa upuan ko. Kalma lang Sam…Kumalma ka…boss mo yan. Ngayong unti-unti ko na siyang nakikilala. Unti-unti na rin sigurong mawawala ang nararamdaman kong paghanga sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD