bc

One last Mistake

book_age18+
9.6K
FOLLOW
32.6K
READ
fated
sensitive
comedy
sweet
bxg
mystery
self discover
office lady
gorgeous
shy
like
intro-logo
Blurb

Maagang nabuntis si Sam dahil sa isang pagkakamali. Pero itinama niya yun at nagpatuloy sa buhay. Nagsikap siyang matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak. Dahil tinalikuran na rin ito ng ama nito at ayaw niyang magmakaawa dito na sustentuhan ang kanyang anak. Nang makatapos siya sa kolehiyo ay pinangarap niyang magtrabaho sa kompaniya ni Bernard Villegas. Isang gwapo at mayaman na bachelor at palaging laman ng pahayagan at social media sites.

Dahil sa tulong ng kanyangTiya ay nagawa niyang makapasok sa kompaniya, naging personal niya itong secretarya ngunit may isang sekreto siyang malalaman tungkol kay Bernard at mas pipiliin niyang lumayo dito kaysa malaman nito ang totoo..

chap-preview
Free preview
Chapter 1
SAM Abala ako sa pagkaliskis ng isdang tilapya sa palengke nang matanaw ko si Tiya Esme. Ang tiyahin kong kapatid sa Ina ni Mama. Nagtatrabaho kasi siya bilang isang chef sa mga Villegas at siya din ang personal na bumibili ng mag niluluto niya sa pamilyang pinagsisilbihan niya. Hindi na rin niya nagawang mag-asawa dahil pagka-graduate pa lamang niya ng culinary ay doon na siya nakahanap ng trabaho at tumira. Maliit lang ang pwestong meron ako dito dahil maliit lang naman ang kinikita ko sa pagbebenta ng mga tilapya dito. Pero nakatulong ang iilan kong suki sa palengke upang maubos ang mga tinda ko. Kaagad na lumapit si Tiya Esme sa akin. Kaya binilisan ko muna ang paglilinis ng isda para makausap siyang muli. “Tiya, nakausap niyo na po ba ang amo niyo?” Tanong ko sa kanya. Habang sinusuklian ko ang customer na bumili sa akin ng tilapya. “Ay naku Sam, nakalimutan ko ulit! Umalis kasi si Sir Bernard pumunta sa Singapore isang linggo siya doon. Pero mamayang gabi daw ang uwi sabi ni Ma’am Matilda.” Wika niya na ikinalungkot ko. Humiling kasi ako sa kanya na kung pwedeng kausapin niya ang amo niyang binata kong pwede akong pumasok bilang sekretarya nila. Nakatapos ako ng apat na taon sa kolehiyo dahil sa sariling sikap. Ngunit nahirapan akong mag-apply ng trabaho dahil na rin sa hindi ko alam kung saan ako mag-aapply kaya itinuloy ko na lamang ang negosyo nila Inay. Matapos nilang umuwi sa probinsya. “Tiya kahit hindi office work basta sa Villegas company ako magta-trabaho. Ilakad niyo naman po ako ulit please?” Paki-usap ko sa kanya. Nakita ko kasi sa internet na isa ang Villegas company sa nangungunang Drop shipping business hindi lang sa pilipinas kundi sa iba’t-ibang bansa. Marami din silang ka-tie up na iba’t-ibang big companies kaya. Sigurado akong malaki ang pasahod sa mga empleyado nila. Sa panahon kasi ngayon mas nagiging indemand ang business online. Kaya malaki ang kinikita ng mga kompaniyang may kinalaman sa online marketing. “Okay Sam, pabili muna ako ng tilapya mo mga dalawang kilo. Dahil nagustuhan ni Sir Bernard yung huli kong niluto sa kanyang pinaputok na tilapya. Para masabi ko na rin sa kanya yung apply mo, okay ba yun?” Nakangiting wika niya sa akin. Napayakap ako sa tiyahin ko dahil sa tuwa sa kanya. Mabuti na lamang at doon siya nagta-trabaho. Malaking advantange yun sa akin. Pero syempre gagalingan ko pa din pagdating sa interview. Hindi naman ako umaasang matatangap agad dahil lang sa may backer ako. Gusto ko pa rin na makuha ang posisyon ko. “Salamat po Tiya! At dahil diyan ipipili ko kayo ng mas malalaking tilapya para mas masarapan yung amo niyo.” Nakangising wika ko sa kanya. Kaagad ko siyang ipinili ng buhay na tilapya at nilinisan ko agad yun bago ibigay sa kanya. Masayang nag-paalam si Tiya sa akin. Sinuwerte ata ako ngayong araw dahil hindi pa nagtatanghali ay naubos na agad ang bente kilos kong paninda. Kaagad kong binilang nag napag-bentahan ko at inilista iyon sa maliit na papel. Nilinisan ko ang pwesto ko at nag-pasya akong umuwi na sa maliit na bahay na tinutuluyan ko. Pagdating ko sa apartment ay naligo muna ako sa banyo. Dahil kumapit na sa akin ang amoy ng isda. Mag-isa lang akong naninirahan dito at hindi libre ang pagtira ko dahil nangungupahan lang ako. Kasama kasing nasunog ang bahay namin sa Tanauan Batangas kaya ibenenta ni Inay at Itay ang lupa namin at umuwi na lamang sila sa Leyte. Naiwan akong mag-isa dito upang makahanap ng magandang trabaho. Pagkatapos kong maligo ay kumuha muna ako ng kaunti sa pinagbentahan ko ng isda para bumili ng makakain ko ngayong tanghalian. Nakaramdam na kasi ako ng gutom dahil kape lang at magic flakes ang agahan ko. Kaagad akong nagtungo sa tinadahan ni Aling Step para bumili ng lutong ulam at isang cup ng kanin. Kailangan ko kasing magtipid dahil nagpapadala ako kila Inay at Itay tuwing katapusan. Kaya sinanay ko na ang aking sarili na magtipid at gumastos lang ng ayon sa aking pangangailangan. Importante ang magkaroon ng savings kahit maliit ang kinikita dahil sa oras na emergency wala kang madudukot. “Aling Step, pabili po akong ulam." Nakangiting wika ko habang binubuksan ang mga nakatakip na ulam sa harapan ko. May adobong manok at baboy, may sinigang, putok batok, pritong isda at ginisang ampalaya silang tinda. “Anong sa iyo Sam?” Tanong niya sa akin. “Pahingi na lamang po ako ng isang maliit na galunggong at kalahating gulay.” Sagot ko sa kanya. Ang mahal na kasi ng ulam ngayon kung dati nakakabili ng bente singko kada order ngayon tumataginting na kwarenta’y singko na ang kada order. “Naku Sam, wala ng kalahating gulay ngayon. Mahal na kasi ang bili namin sa palengke dahil sa sunod-sunod na pag-ulan.” Sabi ni Aling Step. “Ay, ganun baga? May sabaw po ga kayo? Kahit yun na lang po saka isang kanin.” Pinagbigyan naman ako ni Aling Step na humingi ng sabaw ng sinigang. Okay narin yun sa akin dahil nasanay na ako. Paminsan-minsan nga kape lang ang inuulam ko para lang hindi magalaw ang ipon ko. Pagkatapos kong i-abot ang thirty five pesos para sa pritong galunggong at isang kanin ay pumunta naman ako sa katapat na bakery. Upang bumili ng monay para mamayang hapunan ko. Mamaya tuturuan ko ng module ang anak ng landlady namin. Isang daan din kada araw ang bayad nila sa akin dahil pareho silang may-trabaho. Kaya kapag natatapos akong magtinda saka pa lamang ako pumunta sa kanila. Pag-uwi ko ng apartment ay inihanda ko na ang tanghalian ko. Ilang minuto lang ay tapos na rin akong kumain. Ganito lang ang routine ko araw-araw. Gigising ng alas-tres para mamili ng tilapya sa Talisay. Tapos ibebenta sa palengke. Tapos uuwi, kakain at mag-tututor. Kaya kung bibigyan man ako ng pagkakataon na makapasok sa Villegas Company ay pagbubutihan ko talaga para maging regular nila akong empleyado. Kailangan kong maging positibo kahit hindi pa ito nangyayari dahil may pangarap pa ako para sa aking pamilya at para kay Calix. Pagod na inilapat ko ang aking likod nang makauwi na ako mula sa bahay nila Aling Martha. Sanay na rin ako sa sakit ng likod, kaya itinutulog ko nalang ito kapag nakakapagpahinga na ako. Mahirap din kasi ang module ng grade school kaya minsan sumasakit ang ulo ko. Maya-maya pa ay nagtimpla na ako ng gatas at ginawa kong pantulak sa monay na binili ko kanina. Pagkatapos ng ilang sandali ay inilatag ko na ang manipis kong kutson sa sahig. Matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang luma kong cellphone. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay kinakabahan akong sagutin ang tawag niya. “Hello? Tiya?” “Sam! Naka-usap ko na si Sir Bernard.” Bigla tuloy akong kinabahan. “Talaga po? Ano po ang sabi?” Kinakabahang tanong ko sa kanya. “Pumunta ka daw sa Villegas Company bukas for interview.” Masayang sabi niya sa akin. Kulang na lang magtatalon ako sa kutson. Kahit interview pa lamang yun ay excited na akong makapasok sa kompanya na yun. Kailangan ko lang naman pumasa diba? “Salamat po ng marami Tiya!” “Galingan mo ha! Sige na marami pa akong gagawin.” Paalam niya sa akin. Hindi na ako nakapag-paalam dahil binaba na niya agad ang tawag. Siguro isiningit lang niya ako sa mga gagawin niya. Nakahiga na ako pero hindi parin ma-ampat ang aking ngiti. Ilang buwan ko din kinulit si Tiya Esme at ngayon lang niya ako nagkaroon ng pagkakataon. Salamat Sir Bernard!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook