Chapter 2

1301 Words
Kagabi pa lamang ay hinanda ko na ang mga gagamitin ko para sa interview ko ngayong araw. Maaga din akong gumising para hindi ako mahirapan sa oras dahil ayokong malate. Kahit interview lang yun ay kailangan kong maging positibo. Kailangan din maging maayos ang itsura ko dahil gusto ko sa first impression pa lamang ay makuha ko na ang atensyon ng mag-iinterview sa akin. At dahil sa Makati pa ang kompaniyang pupuntahan ko kailangan kung sumakay ng bus at LRT. Isa din yun sa dahilan kung bakit kailangan kong agahan. Kaya siguro minsan lang umuuwi si sir Bernard sa Laguna dahil na rin sa layo ng Villegas Corporation sa mansyon nila kung saan nakatira ang kanyang mga magulang. Sabagay kaya nga maraming manufacturing Company ang itinatayo dito sa sa Laguna dahil maraming lupa dito ang hindi pa nadedevelop unlike sa Maynila na masyadon ng crowded at over populated. Bukod doon magkaiba din ang rate ng trabahador dito kaysa sa Maynila kaya siguro mas gusto ng mga negosyante na mag-invest sa probinsya kaysa sa Capital. Kakatapos ko lang magbihis ng office attire na slacks at plain blouse na pinatungan ko ng kulay itim na long sleeve coat. One hair bun naman para sa buhok ko at nilagyan ko pa ng hair pin para hindi lumaglag sa mukha ko ang kakaunti kong bangs. Mahaba kasi ang magiging byahe ko kaya baka pag hindi ako nagtali ng buhok ay baka mas mahirapan akong ayusin ang buhok ko mamaya. Naglagay din ako ng isang pares na kulay puting pearl na hikaw. Binili ko lamang ito sa bangketa pero bumagay naman sa suot ko. Hindi naman halatang sampung piso lamang. Hindi rin kasi ako mahilig sa alahas kaya hindi ako bumibili ng mga ito. Yung ibibili ko para sa aking sarili ay ipapadala ko na lamang kilay Inay sa Visaya para pandagdag sa pangastos nila. Gusto din kasi ni Itay na magkaroon ng sariling bangka para hindi na sila umuupa ng ibang bangka sa pangingisda. Yun din ang dahilan kung bakit ako nagtitipid at kung bakit gusto kong makaipon ng pera. Kaya din gusto kong makahanap ng mas magandang trabaho para naman maibigay ko ang lahat ng pangangailangan nila. Lumalaki na rin si Calix at kailngan na niyang mag-aral sa susunod na taon. Nagpapasalamat pa rin ako sa mga magulang ko dahil kahit nagkamali ako sa kanila ay hi di nila ako tinakwil. Kahit nabuntis ako ng hayop na lalaking yun at hindi ako pinanagutan ay tinangap pa rin ako nila Inay at Itay. Nag-iisa daw nila akong anak at wala na rin daw silang magagawa. Kaya tinangap nila ako ng buong-buo. Nasa ikaapat na taon pa lamang ako sa high school nang mabuntis ako ni Troy. Ilang buwan pa lamang ang relasyon namin. Akala ko noon lahat ng ginagawa ko ay tama. Akala ko kaya ko nang magdesisyon sa aking sarili. Akala ko hindi ko na kailangan na sabihin kila Inay at Itay ang lahat ng bagay na gagawin ko.. Dahil malaki na ako pero nangyari ang hindi inaasahan. Isinama ako ni Troy sa bahay ng kaibigan niya dahil birthday daw nito. Hindi ko sila kilala pero dahil may tiwala ako sa kanya ay sumama ako. Akala ko kainan lamang ang magaganap ngunit nagkamali ako dahil pagdating namin doon ay bukod sa kainan ay may inuman din. Dahil sa pamimilit ng mga kasama nilang babae ay napainom na rin ako. At dahil hindi ako sanay na uminom ay nalasing ako at hindi ko na kaya pang dalhin ang sarili ko pauwi kaya pinagpahinga nila ako sa kwarto. Nagising na lamang ako kinabukasan na wala nang saplot sa katawan at katabi ko si Troy. Nagalit ako sa ginawa niya sa akin kaya nakipag-hiwalay ako sa kanya. Ngunit nagbunga ang pagkamaling yun. Sinubukan ko siyang kausapin at savihin ang kalagayan ko pero tinangihan niya ako. Ayaw niyang angkinin ang dinadala ko dahil matagal na raw kaming hiwalay. Walang kasing sakit para sa akin ang ginawa niya. Akala ko noon ay pinaparusahan na ako ng diyos dahil hindi ako naging mabuting anak. Pero dahil sa pagmamahal ng magulang ko sa akin ay naibangon ko ang aking sarili. Kahit malaki na ang tiyan ko ay pinilit kong makagraduate ng high school. Tinangap ko lahat ng masasakit na salitang ipinukol nila sa akin. Ipinagpatuloy ko ang aking buhay sa kabila ng mapanghusgang nga tao sa paligid ko. Pero nang ipanganak ko na si Calix. Kakaibang saya ang naramdaman ko. Pakiramdam ko ay dinugtungan niyang muli ang buhay ko. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng panibagonf rason para mabuhay. At nangako ako sa sarili ko na mas pagbubutihan ko pa ang pag-aaral para masuklian ang paghihirap nila Inay at Itay. Pati na rin para sa kinabukasan ng anak ko. Hindi na baleng wala siyang kikilalanin na ama. Patutunayan ko sa anak ko na kahit wala siyang tatay. Kaya ko siyang palakihin sa sarili kong pagsisikap. Hindi naman ako nabigo sa mga magulang ko dahil mahal na mahal nila si Calix. Kaya napaka-swerte ko hindi lang dahil sa anak kong bigay ng diyos sa akin kundi dahil meron akong mapagmahal at maunawain na magulang. Nararapat lang na ibalik ko sa kanila ang sakripisyo nila para sa akin. Kaya sisiguraduhin kong matatangap ako sa kompaniya na pangarap kong mapasukan. Alas singko pa lamang ng umaga ay umalis na ako sa apartment na tinitirhan ko. Nagbaon na lamang ako ng pandesal na may palaman na peanut butter saka isang bote ng tubig. At sa bus ko na lamang kakainin. Doon na rin ako maglalagay ng manipis na make-up dahil baka kulangin ako sa oras. Rush hour ngayon at lunes pa kaya baka abutan ako ng mahabang pila sa LRT. Sana ay hindi masyadong ma-trapik dapat daw kasi bago mag alas-nuebe ay nandon na ako sa kompaniya. Yun ang bilin ni Tiya Esme. Mabuti na rin at mabilis akong nakasakay ng bus. Kaagad akong kumain ng pandesal para malamanan ang sikmura ko. Hindi kasi ako sanay sa byahe kaya baka maghilab ang tiyan ko. Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko na ang salamin ko para makapag-retouch na rin. Nag toothbrush naman ako kanina kaya kaunting silip na lang sa ngipin baka may sumingit nakakahiya naman sa mag-iinterview sa akin. Maliwanag na nang makarating ang bus sa Magallanes. Hudyat na rin yun na malapit na akong bumaba. Para sumakay ulit ng jeep patungo sa Makati. Inayos ko na ang itim kong bag. Nabili ko lamang ito sa ukay-ukay pati na rin ang damit at itim kong sapatos na may tatlong inch ata ang taas ng takong. Nandito lahat sa bag ko ang dala kong papeles na kakailanganin ko sa pag-aaply. Tumigil ang bus namin dahil sa trapik papuntang babaan. Kaya nahagip ng mata ko si Bernard Villegas na nakalagay sa isang malaking billboard. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha. Dati sa mga magazine ko lamang siya nakikita. Paminsan-minsan naman sa mga business interview niya sa TV na naka-upload sa mga social media sites. Sino ba naman ang hindi hahanga sa kanya. Bukod sa saksakan ng gwapo ay saksakan pa ng yaman. Siguro kaya gusto ko din na magtrabaho sa kompanya niya ay dahil na rin sa kanya. Pero palagi siyang nasasangkot sa mga mayayamang babae. Lalo na ng mga modelo. Balita ko babaero daw ito. At ganun din ang mga kaibigan nito na mayayaman din. Tsk! Bakit ba kasi lahat ng gwapo babaero? Naiiling na pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha. Sabagay sino ba din kasi ang hindi hahabol sa kanya sa itsura pa lamang niya ay siguradong malalaglag na ang panty mo. Kaya sinigurado ko talaga na mahigpit nag garter ng panty ko! Pero sa totoo lang hindi talaga ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip ko sa mangyayari ngayong araw. Bahala na nga! I will do my best!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD