Chapter 4

1819 Words
Abot hangang tenga ang aking ngiti habang inaayos ko ang aking mga dadalhin sa paglilipatan ko mamaya. Hindi na ako mas-iisip pa sa tutuluyan at pati na rin sa transportation dahil doon na mismo ako sa penthouse ni Sir Bernard titira. Ngayon pa lang unti-unting rumihistro sa akin ang lahat. Kanina habang sinasabi niya yun sa akin ay nakatingin lang ako sa labi niya habang seryoso siyang nagsasalita. Mabuti na lang kahit paano ay naintindihan ko ang mga sinabi niya. Malaki ang pasasalamat ko kay Tiya Esme dahil siya ang nagrecommend sa akin kay Sir Bernard. Mukha naman siyang mabait considering na siya mismo ang nagsabi ng mga pwede at hindi ko pwedeng gawin. Malaking advantages ito para sa akin. Dahil bukod sa makakaipon ako ng malaki ay maibibili ko na ng bangka si Itay. Gagalingan ko na lamang pagdating sa trabaho para masuklian ko naman ang kabutihan ni Sir Bernard sa paghired sa akin. Kinagabihan ay tumulak na agad ako pa maynila. Ibinilin ko na lamang ang mga naiwan ko pang gamit kagaya ng manipis na kutson at maliit na electricfan dahil sabi ni Sir Bernard damit lang daw at importanting gamit ang mga kailangan kong dalhin. “Halos alas-nuebe na ng gabi nang makarating ako sa building ng Villegas Corporation. Akala ko dati opisina lang ang meron dito. Dito rin pala si Sir Bernard nakatira. Pagpasok ko sa salamin na pinto ay bumungad sa akin ang dalawang guard. “Kanina pa po kayo hinihintay ni Mr. Villegas.” Nagtataka ko siyang tinignan. “Bakit daw po?” Tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa bumukas na elevator at bumungad sa akin si Sir Bernard na naka puting plain shirt at itim na pantalon. “My God Sam, ilang oras ba ang kailangan mo to pack your things? Bakit ang tagal mo? Alam mo ba kung anong oras na?” Litanya niya sa akin ng makalapit siya. Kaya lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Hinintay niya ako? Pero bakit? “Let’s go, I’m very busy.” Seryosong sabi niya sa akin at pumasok ulit sa elevator nakangiti akong nagpaalam sa guard at bitbit ang dalawang mabigat na dala ay pumasok ako sa loob. “Sorry Sir, traffic po kasi.” Dahilan ko sa kanya. Kahit seryoso at salubong ang mga kilay niya ay hindi pa rin nababawasan ang kanyang kagwapuhan pero kailangan kong gisingin ang aking sarili! Trabaho ang ipinunta ko dito! Para kila Inay at Itay at para kay Calix kaya hindi dapat ako magkamali. “Yan ang isa sa mga rason ko kaya kita patitirahin sa penthouse ayoko ng ganyang dahilan lalo pagdating sa trabaho Sam.   “Nang pinindot niya ang letter ‘P’ button ay nakakapit na agad ako at nakapikit sa stainless na hawakan. Ayokong magpatalo sa pagiging claustrophobic ko at kailangan ko itong ma- overcome. “Are you okay?” Narinig kong sabi niya hindi ako dumilat at ni-relax ko ang aking sarili. “Yes, Sir don’t mind me kaya ko po.” I practice proper breathing para hindi ko maisip na nasa masikip akong lugar. Maya-maya pa ay tumigil ang elevator kaya napadilat ako. Ang bilis naman ng biyahe namin? “We’re stuck.” Sambit niya na ikinagulat ko. “Po?”   Napatingin ako sa numero sa itaas laking gulat ko dahil nasa panlimang palapag pa lamang kami. Nasapo ko ang aking bibig. “Hey, calm down just relax gawin mo lang yung ginawa mo kanina habang tumatawag pa ako sa maintenance.” Wika niya habang nakatingin sa akin. Humarap ako sa dingding at pumikit. “s**t!” Napamulat ako ng mata nang marinig ko siyang nagmura. Ganun na lamang ang lakas ng kaba ko dahil madilim na ang paligid at maliit na kulay pulang ilaw na lamang ang nakasindi. “Jusko ko!” Hawak niya ang phone niya at nag-uumpisa na rin akong magpanic habang nasa likuran lang niya ako. Paano ako marerelax kung nakakulong kami dito at hindi makalabas sa madilim at masikip na elevator? Kahit anong gawin kong singhap ay kinakapos pa rin ako ng hininga. Pakiramdam ko ay mas sumisikip pa dito sa loob dahil wala na akong makuhang hangin. “Okay, but make it faster!” Malakas na boses niya habang hawak ang phone. Napalingon siya sa akin na halos mapaupo na sa sahig habang nakakapit sa hawakan at sapo ang dibdib. “Hey Ms. Briones! I told you to come down and relax!” Untag niya sa akin. At yumuko siya upang magpantay kami. “S-Sir…I’m sor-ry…baka may iba pang ways…baka hindi ako uma-bot…” Hinahapo na sambit ko sa kanya. “No, don’t die here for god sake! Ginagawa na nila ang lahat ng paraan. Just relax okay?” Dagdag pa niya. Pinilit kong maging kalmado pero hindi ko talaga kaya. Nauubusan pa rin ako ng hangin sa dibdib. “Damn it! Ms. Briones?!” Umiikot na ang aking paningin at hindi ko narin siya halos naririnig. Bumalik sa akin ang alaala ng nakaraan kung paano ko nakuha ang takot na ito simula nang bata pa ako kaya lalong lumala ang nararamdaman ko ngayon. “S-ir! Hin—di ko na po ka—.” “Sam? Sam!” Nakapikit na ako at nakabitaw isang braso ang humapit sa katawan ko at may humawak din sa aking pisngi. “Sam?! Wake-up!” Naramdaman ko ang mainit na bagay na dumampi sa nakaawang kong labi. “Sam! Breath!” Ang sunod kong naramdaman ay ang mainit na hangin sa aking bibig. Bahagya akong napamulat at ang nakapikit na mata ni Sir Bernard ang bumungad sa akin. Anong ginagawa niya? Hinalikan ba niya ako?   “Sam!” Tinapik niya ang pisngi ko ng paulit-ulit. “Ano ba? Bilisan niyo!” Narinig ko pang sigaw niya bago ako tuluyang nilamon ng dilim. Nang magmulat ako ay hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sa akin. Malawak ito at maayos. Minimal lang ang gamit sa loob like maliit na table cabinet at maliit na sofa. May kulay beige at malaking kurtina. Bukdod doon ay malamig din dito sa loob may isang maliit na pinto. Babangon na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan. Bumungad sa akin ang mukha ni Sir Bernard. “Thank God you’re awake. Kumusta na ang pakiramdam mo? Mabuti na lang at nakalabas agad tayo nang mawalan ka ng malay. Sabi ng Doctor na tumingin sa’yo you’re okay. But, how’s your feeling?” Tanong niya sa akin habang nakatayo siya sa tabi ko. “Thank you Sir…okay na po ako.” Mahinang sagot ko sa kanya. “If you’re okay sabayan mo akong mag-dinner. Nagpadilever ako ng pagkain. Almost two hours ka na kasing tulog.” Wika pa niya bago siya tumalikod at lumabas ng pinto. Napahawak ako sa aking dibdib. Nakita ko din ang oxygen sa tabi ko. Siguro ito yung ginamit nila kanina kaya okay na ang pakiramdam ko ngayon. Inilibot ko ulit ang aking paningin at nakita ko ang mga gamit ko sa ibaba ng kama. Ito kaya ang kwarto ko? Napakalambot ng kama ko at may aircon pa? Okay na sa akin kahit electric fan at manipis na kutson pero ang bumungad sa akin parang kwarto sa mga mamahaling hotel. Sinuot ko ang manipis na tsinelas sa baba at humakbang patungo sa pinto. Pag bukas ko pa lamang ng pinto ay bumungad na sa akin ang magandang sala. Wala itong TV pero marami mga nakadisplay na libro. Malaki at mukhang malambot din ang kulay puti na sofa. Pagtingin ko sa kaliwa ay nakita ko naman ang kusina. Namalayan ko na lamang ang sarili kong humakbang patungo sa kusinaupang ikutin ang aking paningin. May malaki ding ref na dalawa ang hawakan. Mga electrical na gamit pang luto. Napakalinis at organize na nakikita ko lamang sa magazine at internet. Bubuksan ko na sana ang ref nang may marinig akong boses. “Hey! Hindi diyan doon sa labas.” Nakayukong sumunod ako sa kanya. Nakakahiya naabutan pa niya akong nagtitingin sa kusina. Baka kung anong isipin niya sa akin kaya nagmadali akong sumunod sa kanya. Paglabas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang magandang tanawin mula dito. Ang mga makukulay na ilaw mula sa penthouse. Para silang mga kumikinang na star at pati na rin ang matataas na building. Malamig din ang simoy ng hangin dito sa taas at inaalon pa ang mahaba kong buhok. Pero mas umagaw sa atensyon ko si Sir Bernard na ngayon ay nakaupo na sa pang-apatan na mesa dito sa labas.   “Sit down.” Serosong wika niya. Nahihiya pa akong sumunod dahil sa laki na ng abala ko sa kanya. “Kumain ka na at tulungan mo akong ubusin ‘to.” Napunta ang tingin ko sa mga pagkain na nasa harapan ko. Fried chicken, nakabalot na sa tingin ko ay kanin may marble potato, salad at may burger na kaunting tinapay dahil mas nagumapaw ang palaban nito. May soft drinks din sa can. “Why? Hindi mo ba nagustuhan?” Kunot noo niyang tanong nang literal na malaglag ang panga ko. Amoy na amoy pa lang parang gusto ng tumulo ang laway ko sa gutom dahil hindi naman ako nakakain kanina ng tanghalian. “Ah- kasi po ang dami nito. Tayo lang ba talagang dalawa ang kakain?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. “Hindi ko kasi alam ang gusto mo kaya nagorder na ako ng marami.” Sagot niya habang umiinom ng beer at may hawak pang fried chicken. “Thank you po Sir sa lahat. Kanina noong pumunta ako dito ang wish ko lang makapasa sa interview pero labis pa ang naging offer niyo sa akin. Pangako pagbubutihan ko pa sa trabaho Sir Bernard.” Nakayukong sambit ko sa kanya. Napakabait nga niya kagaya ng laging sinasabi ni Tiya Esme sa akin. “Yan ang gusto kong sagot be loyal to me and work harder. Kung hindi lang nagmaternity leave ang sekretarya ko ay hindi ako mangangailangan ng bago. Besides ni-recommend ka ni Nanang Esme sa akin kaya wag mong sirain ang tiwala ko.” “Yes Sir!” Bulalas ko sa kanya na ikinagulat niya napalakas na pala ang boses ko dahil sa nararamdaman kong excitement. “Ubusin mo na yan, I have to go. May kailangan pa akong tapusin.” Kaagad siyang tumayo at tinalikuran ako pero lumingon din muli. “By the way, mas okay sa akin ang suot mo ngayon plain blouse at pants. Pag may dumalaw sa akin dito hindi ka mapagkakamalan na girlfriend ko.” Nagulat ako sa sinabi niya kaya nabuga ko ang iniinom kong soft drinks. Nakangisi niya lang akong tinalikuran. Ano daw? Girlfriend? Pinagmasdan ko ang aking damit maluwag na blouse na kulay gray at blue na pantalon. At napangiwi ako. Sino namang matino ang iisipin na may relasyon kami ni Sir Bernard. Kahit naman crush ko siya alam ko naman kung hangang saan lang ako kaya hindi ko naman pinangarap na mas mataas pa doon.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD