Lumipas ang ilang araw ay hindi na talaga umuwi si Kokoy. Araw-araw ay bumabalik si Lena sa bukid ni Rigor para nga magbakasali kung naroon si Kokoy ngunit kahit anino talaga ng asawa ay hindi niya matagpuan. Halos suyurin na nga ni Lena ang malawaka na kabukiran at baka may masamang nangyari kay Koko pero wala talaga. Ang bukid lang naman ang alam na ni Lena na pinupuntahan ng asawa at wala na itong iba pang pinapaalam sa kanya na tutunguhan o dadaaanan dahil ganun si Kokoy. Nagpapaalam ito sa kanya kahit nga ang bibilhin nito ay sinasabi pa sa kanya kaya naman hindi matahimik ang loob ni Lena sa kung nasaan ang asawa. “Baka naman nag-away kayo, Lena kaya hindi na nagpaalam sayo si Kokoy at tuluyan ka ng inabandona?” tanong ni Rigor na siyang nakakaalam ng tunay na nangyari kay Kokoy.

