Hinalughog nina Maricel kasama ng kanyang mga kamag-anak ang bukid na pag aari ni Rigor ngunit wala silang nakitang kahit na ano o sino sa lugar. Halos ilang araw at linggo na walang kapayapaan ang lugar dahil sa paniniwalang baka nasa paligid lang si Rigor at naghihintay lang ng oras kung kailan sila aatakihin ng patalikod. Ngunit hanggang sa ang mga araw ay naging linggo at ang mga linggo at naging mga buwa na ngunit walang kahit na anino ni Rigor ang nagpakita sa kahit sino sa kanila. Ang mga ari-arian na pag-aari ng pugante ay naging abandona lalo pa at may mga pinatay siya sa lugar gaya nina Josa at Marie at ang nawawala pang si Gloria. Sa kabila ng nabawasan ang pangamba nila Maricel ay hindi pa rin naman mawawala ang posibilidad na bumalik nga si Rigor sa lugar nila dahil nga sa

