“Ano po sir? Nakatakas si Rigor?” ang hindi makapaniwalang tanong ni Maricel ng may nagpuntang pulis sa kanilang bahay para sabihin at paalalahanan sila na mag-ingat dahil isa si Rigor sa mga nakatakas sa bilangguan ng magkaroon ng sunog sa loob nito. “Oo, miss. Isa si Rigor sa mga nakatakas ng magkaroon ng sunog. At siya ang talagang pinaghahanap dahil ayon sa mga saksi ay siya ang pumatay sa limang lalaki na pare-pareho ang tama sa leeg. Ayon sa salaysay ng mga kasamahan niya sa selda ay hinasa ni Rigor ang dulo ng kanyang toothbrush para gawing sandata para hindi na muling ma bully ng isang grupo. At ang isang grupo na ito ay binubuo ng limang grupo ng kalalakihan at siyang mga nakitang mga patay. Tatlo sa banyo kung saan nagsimula ang sunog habang dalawa sa labas ng bilibid. At si Rig

