Nagbigay na nga ng salaysay si Geng tungkol sa nakita niyang pangyayari noong gabi na nakipagtalik siya kay Rigor at bumalik siya dahil nakalimutan na isuot ang kanyang underwear. Sinalaysay lahat ni Geng ang mga nakita niya mula sa hila-hila ni Rigor ang katawan ni Marie palabas ng bahay hanggang sa sipain niya para nga mahulog sa poso n***o sa gilid ng kanyang bahay na mabilis niya ngang tinakpan para wala ng makakita kay Marie pero nagkamali siya dahil may nakakita sa kanyang ginawang pagtapon sa bangkay nito. Galit na galit si Maricel pero hindi siya tumuloy sa mga pulis bagkus ay tinawag muli ang lahat ng mga kamag-anak at sa ikalawang pagkakataon ay sugurin si Rigor sa bahay nito. “Hayop ka talaga, Rigor! Matitikman mo ngayon ang galit naming lahat na demonyo ka!” sigaw ng tatay n

