Sa kalahating araw nina Lena sa bukid kung saan hinihinala niya na pwedeng naroon ang katawan ni Kokoy, Josa at Gloria ay wala siyang nakitang kahit na anong kahina-hinala na pwedeng magturo kay Rigor bilang kriminal. Mabilis din magtrabaho ang mga inupahan nitong tao para maglinis ng bukid at maging ang mga ito ay walang kahina-hinalang nakita na may nangyaring krimen sa lugar. “Narito pala ang mayaman nating pinsan, ha. Saan ka galing at bakit ganyan ang itsura mo? Nasaan ang mga ginto mo sa katawan? Naisanla mo na ba?” tanong ng isang lalaki kay Rigor. Isang grupo ng mga taong naglalakad ang nasalubong nina Rigor at Lena ng pauwi na sila ng hapon pagkatapos ng trabaho sa bukid. Tumingin lang si Rigor sa nagsalita pero nilampasan din na para bang hindi niya ito kilala gayong mga pins

