“May araw rin sa akin ang mga hayop na yan. Noon halos patayin nila ako sa gutom tapos ngayon na nakatayo ako sa mga sarili kong paa at napaunlad ko ang aking sarili ng mag-isa ay magagalit sila na hindi ko sila pinapansin,” pagbubusa ni Rigor ng makauwi na ng bahay at nagpapalit na ng malinis na damit. Talagang malaki ang galit niya sa pamilya ng mga magulang dahil sa pagpapabaya ng mga ito sa kanya noong maulila siya sa nanay at tatay. Ang mga kamag anak na dapat ay nangalaga at kumupkop sa kanya ay ang siya pang nagparanas ng matinding kalupitan sa buhay ni Rigor kaya hinding hindi niya mapapatawad ang mga ito sa mga ginawa sa kanya. “Ikaw naman, Lena, dapat man lang tinulungan mo ako sa pagtataboy sa mga walang hiya na yon. Kung nagkataon na nakatayo ako ay hindi nila ako mapupuruha

