“Hoy! Magsilabas kayong mga hayop kayo at ngayon niyo ipakita sa akin ang mga tapang niyo!” sigaw ni Rigor sa harap bahay ng mga kamag-anak niya at sabay tapon ng nabubulok na patay na pusa. Isa lang ang naging kaaway niya at iyon ay ang mga kamag-anak niya kaya walang syang maisip na gagawa sa bagay sa bahay niya kung hindi ang mga ito lamang. “Mga duwag! Lumabas kayong mga animal kayo at ngayon tayo magharap-harap! Ang lalakas ng mga loo niyong tapunan ng patay na hayop at pahiran ng dugo ng hayop ang bahay kong mga walang hiya kayo!” patuloy pa na pagbubusa ni Rigor na malakas talaga ang pakiramdam na ang mga kamag-anak ang gumawa ng ung anong kababuyan sa kanyang bahay. “Hoy! Anong pinagbubusa mong hayop ka?! Ang lakas ng loob mong sumugod sa bahay namin at dito ka pa talaga nag ees

