“Sir, hindi na po kasi bumalik ang babaeng kasama niyo noong nagpaalam lang po na may aasikasuhin sa labas,” sagot ng babaeng nurse kay Rigor kung nasaan si Lena na siyang alam niyang bantay niya sa ospital. Tatlong araw ng nagpapagaling sa ospital si Rigor. Bagamat humupa na ang pamamaga ng kanyang mukha at medyo natuyo na ang mga sugat ay naroon pa rin ang bakas ng pananakit sa kanya. “Saan raw siya nagpunta?” tanong pa ni Rigor na hindi pa makatayo sa kanyang kama dahil sa iniindang bale sa kanyang tadyang at sa kanyang kaliwang kamay “Sa pagkakatanda ko lang po na sinabi niya ay may nasunog raw pong bahay.” Nanlaki ang mga mata ni Rigor sa narinig. “Sunog? Kaninong bahay raw ang nasunog?” usisa pa niya sa nurse na inaayos ang kanyant dextrose. “Hindi ko alam, sir. Basta noong a

