“Ano na naman ba, Rigor? Hindi ba sabi ko naman sayo na magbabayad naman ako kapag nakaipon na ako ng benta,” wari pang naiinis na sabi ng lalaking sinisingil ni Rigor sa pagkakautang nito sa kanya. “Bakit hindi ako maniningil na pera ko ang kinukuha ko?” ang matapang din na sagot ni Rigor sa tindero ng mga karne. “Anong magagawa kung matumal ang benta, ha? Alangan naman na ipagdikdikan ko ang mga karne sa mga tao rito sa palengke?” ani ng tindero. “Aba! Wala akong pakialam kung matumal o mabenta ang mga paninda mo dahil utang mo ang sinisingil ko. Kaya magbayad ka na dahil kailangan ko ng pera!” galit ng sabi ni Rigor. Konti na naman ang mga nagbayad sa mga siningil niya. At desidido siyang maningil para makalikom ng panimulang puhunan para makabangon sa pagnanakaw at pagsunog sa bah

