Sa kubo na matatagpuan sa bukid nanirahan muna si Rigor. Pero dahil walang kuryente, tubig at malayo sa kalsada ay talaga namang nahirapan siya. Idagdag pa na hindi siya nakasisiguro sa kanyang kaligtasan sapagkat siya lang mag-isa ang nasa kubo kaya naman pumayag na siyang tumira sa kubo na nasa likod-bahay ni Marie. Naging komportable ang araw-araw na pamumuhay ni Rigor mula sa pagkain at sa iba pa niyang mga kailangan niya dahil kay Marie. Hindi na rin maasikaso ni Rigor ang mga pera niya sa bangko dahil wala siyang kahit isang valid id at mga papeles tulad ng mga titulo ng mga lupa ay natupok lahat ng apoy. Ang mga pautang niya ay hindi nya masyadong masingil dahil laging wala ang sagot sa kanya. Ayaw ng magbayad dahil nabalitaan yata ang panggugulo na ginawa niya sa palengke at gu

