“Kapag kasi nasa loob ka ng banyo ay dalian mong gumamit para hindi ka abutan ng grupo ni Emong,” ang payo ni Bogie kay Rigor ng nabalitaan niyang naging biktima na ito ng nasabing grupo na nambibiktima ng mga bagong pasok sa kulungan lalo na at kapag tipo nila lalo na ni Emong. Ilang araw din na tinitiis ni Rigor ang huwag magpunta ng banyo dahil sa takot na maulit na naman ang nangyari sa kanya. Pero dahil sa hindi naman habang buhay na maiiwasan niya na may mangyari sa kanya ay kailangan niyang tumapang. Hindi nagpupunta si Rigor ng banyo ng walang kahit na anong dala para sa sarili niya. Lagi siyang may dalang armas na pwede niyang gamitin para sa pagtatanggol sa kanyang sarili gaya ng kahit maliit na basag na bote o kaya naman ay pinatulis na dulo ng kanyang gamit na toothbrush. “

