“Bwisit!” sabay hagis ni Rigor ng mga maruruming damit ng mga kasamahan niya sa sahig ng kubeta. Dahil siya ang bagong pasok sa selda ay siya ngayon dapat gumawa ng lahat ng mga gawain dahil kapag hindi siya sumunod ay grabeng bugbog na naman ang kanyang aabutin. “Rigor! Heto pa!” sabay hagis din sa harap ni Rigor ng mga marurumi pang damit. “Makakaalis din ako sa impyernong lugar na ito at lahat ng mga taong nagtulong-tulong para maikulong ako ay humanda kayong lahat. Lalo na ang kung sinong sinasabi nilang nakakita sa akin noong gabing tinapon ko ang katawan ng elepanteng si Marie sa hukay ng poo n***o. Iniisip ko kung sino nga ba talaga ang saksi na yon? Sino ang nakakit sa akin at ng mabalikan siya sa oras na makalabas ako rito. Lahat ng naging paghihirap ko mula ng pagtulungan akong

