“Anong kaso nito?” anang isang lalaking malaki ang katawan na tadtad ng tattoo pagpakapasok ni Rigor sa bago niyang bilangguan. Mula sa presinto ng lugar niya ay inilipat na siya ng malaki pang kulungan habang naghihintay na siya ay malitis. “Maraming kaso yan, Bogie. Patong-patong. May pagnanakaw, pananakot, rape at pagpatay sa hindi baba sa tatlong babae.” Anang lalaking pulis na nagpasok na kay Rigor sa loob ng kulungan kasama ang iba pang mga kriminal na may iba't-ibang kasong kinahaharap habang ang iba ay mga napatunayan na. Hiyawan ang mga kalalakihan ng marinig ang mga kaso ni Rigor habang si Rigor ay tahimik lang at nakamasid sa bagong lugar na kanyang gagalawan. Masikip na lugar na ayaw na ayaw niya. Maraming tao na siya ring iniiwasan niya kaya nga hindi siya nag-aasawa at

