“Rigor, bakit wala na yata si Lena?” tanong ni Gloria ng walang makitang ibang tao sa paligid ng bahay ni Rigor. Nasanay na rin kasi si Gloria at Josa na ang unang mabubungaran sa labas pa lang ng bakuran ni Rigor ay si Lena. Kaya nakapagtataka na wala na kahit anino nito. “Huwag niyo ng hanapin ang magnanakaw na babaeng yon dahil pinalayas ko ng mahuli kong ninanakawan ako.” Sagot ni Rigor kaya nagkatinginan si Gloria at Josa na muli na namang naligaw sa bahay ni Rigor. “Si Lena? Nagnakaw?” ang hindi makapaniwala na tanong ni Josa dahil pakiramdam niya ay hindi magagawa ni Lena ang magnakaw. “Oo. Nalingat lang ako ng konti ay akala niya siguro ay naiwan ko na ang mga pera ko. Kaya madali siyang dumampot ng ilang libo pero nahuli ko. Pasalamat nga siya at pinalayas ko lang at hindi ko

