Ikinulong ni Rigor si Lena sa loob ng bodega at itinali niya pa ang isa sa mga paa ni Lena gamit ang kadena para hindi ito makatakas. Kung magsisigaw man si Lena para manghingi ng tulong ay wala naman makakarinig dahil malayo ang bahay niya sa mga kapitbahay. Kahit nga mismon sa bahay niya ay hindi niya maririnig ang boses ni Lena dahil na kulob na kulob ang loob ng bodega. Hindi pwedeng makaalis si Lena dahil para kay Rigor ay kanya lang ang babae. Pinatay niya si Kokoy para masolo lang si Lena pagkatapos ay balak lang siya nitong iwan ng ganun na lamang? Basta na lamang? Hindi maaari. Kaya nang magpaalam si Lena ay agad niyang naisip na ikulong ang babae lalo pa at wala namang maghahanap na mga kamag-anak dito dahil nasa malayong probinsya ito nakatira. Mananatili si Lena sa pode

