Nakapag-impake na ng mga damit si Lena at balak niya na talaga ang magpaalam kay Rigor. Ilang araw na niya talagang pinag-isipan na aalis na siya dahil nga ayaw niya na rin na may nangyayari sa kanila ni Rigor. Natatakot na si Lena na baka mabuntis siya at hindi naman siya panagutan ni Rigor dahil mukhang wala nga itong balak talaga na magkapamilya kaya ito tumanda ng wala man kasamang asawa lalo na ang anak na taliwas na taliwas sa pangarap ni Lena na magkapamilya. Saan siya pupunta? Bahala na. Maliban sa mga pera naibigay sa kanya ni Rigor ay nasa kanya rin iyong pera na binigay nito kay Kokoy para nga sana pampagawa nila ng bagong bahay sa dati nilang lugar. Iyon pa nga ang isang pinagpapasalamat ni Lena. Hindi tinangay ni Kokoy ang malaking pera na meron sila. Inisip siguro ni K

