Chapter 15 Samantha At first naghe-hesitate ako kung sasabihin ko ba kay Bryan yung sinabi sakin ni Tita Lyn nung tumawag siya, alam ko kasi na kahit hindi ako humingi ng pabor kay Bryan ay magkukusa na ito para lang masolusyunan yung pinoproblema ko. Lagi naman ganoon si Bryan pagdating sa akin, masyado bukas ang palad niya para tulungan ako kaya minsan nahihiya na rin ako kasi hindi ko naman alam kung paano ko siya masusuklian sa lahat ng kabaitan at tulong na ibinibigay niya sa akin. Syempre kahit pa sabihin na bestfriends na kami hindi pa rin maganda tignan na masyado ko siya naaabuso kahit pa sabihin niya na hindi ko naman daw inaabuso ang kabaitan niya kasi kusa naman daw niyang inooffer yung tulong na kailangan ko. Pero naiiisp ko kahit pa kusa niya iyong inialok dapat ay tumatan

