Chapter 14 Exactly 11;30 nang dumating kami ni Samantha sa bahay ng tita niya na sabi niya tumawag sa kaniya kaninang umaga. Kinakabahan ako sa totoo lang kasi kahit hindi totoo na in a relationship kami ni Samantha e syempre gusto ko naman na magustuhan ako ng pamilya niya para naman makasundo ko din sila. Habang nasa biyahe kami kanina maraming bagay na sinabi sa akin si Sam tungkol sa pamilya niya para daw kahit papano mafamiliarize na ako sa ugali nang mga kamag-anak niya lalo na at first time ko sila makikita at makikilala kaya kailangan pa good shot ako sa kanila para wala silang masabing pangit tungkol sakin. Tinanong ko nga sa kaniya kung ayos lang ba na makasundo ko ang kamag-anak niya paano na lang kapag kailangan naming aminin yung kasinungalingan naming baka nga umabot pa sa p

