Chapter 13 Bryan Hanggang ngayon hindi ko lubos maisip na sa tinagal-tagal na naming magkaibigan at magkasama ni Samantha ay magkakaroon nang malisya ang mga tao na kasama namin sa opisina. Kung alam lang nila yung pinagdadaanan ko para pigilan ang sarili ko na mahalin si Samantha dahil sa alam ko na kahit naman ano ang gawin ko ay hindi niya kayang suklian ang nararamdaman ko para sa kaniya, dahil alam ko naman na para kay Samantha wala nang iba pa kundi si Cedrick lang, kaya napaka-swerte ng lalaking iyon na kahit taon man siyang hindi magparamdam kay Sam ay siguradong may babalikan siyang taong handang maghintay at magmahal sa kaniya nang katulad ng kay Samantha. Kasalukuyan akong nakaupo dito sa veranda ng condo ko kasi araw ng linggo ngayon at usually kapag Sunday automatic na hind

