Chapter 7
Samantha
Ilang buwan na ang lumipas simula nung maglakas loob si Cedrick na kausapin ako at may sasabihin daw siyang importante, syempre kinabahan naman ako dahil hindi ko alam kung tungkol saan ang sasabihin niya. Tinext niya ako at sinabi kung saan daw kami magkikita at anong oras. Bilang ngayon na lang ulit ako nakatanggap ng text galing sa kaniya ang pakiramdam ko may bago, yung bang parang nagtext lang siya tapos gusto makipagkilala. Hindi ako nag-reply ng message instead I send him thumbs up. Since hindi ko din naman alam ang sasabihin ko sa kaniya minabuti ko na lang na ganon ang reply para din malaman niya na nabasa ko ang message niya.
Sa totoo lang kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Natatakot ako na baka sa pag-uusap namin lalo lang kami magkalayo at hindi magkaayos pero hoping pa rin ako na maibalik namin ang dati naming pinag-samahan.
6 pm ang usapan naming dalawa pero dahil medyo malayo ang bleachers ng school sa dorm minabuti ko na umalis ng 5:30 para naman hindi pa ganoon kadilim, sa bleachers ng campus naming napagkasunduan mag-usap dahil hindi na rin naman ako pwede lumabas ng campus after 5 pm at siya naman ay anak ng may-ari kaya pwede siya magpagabi kung hanggang anong oras niya gustuhin.
“Thankyou Sam kasi pumayag ka na makipagkita sa akin kahit medyo late na.” panimulang sabi niya.
“Okay lang maaga pa naman, ngtataka lang ako kasi parang biglaan.” Sagot ko.
“Kasi Sam gusto ko sana mag sorry sayo para sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko sayo. matatanggap mo pa ba ?" Malungot na sabi niya.
Sa totoo lang habang sinasabi niya yon nakakaramdam ako ng lungkot at hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi nararamdaman ko din kung ano yung nararamdaman niya.
“Ano ka ba ayos lang yun Cedrick, masyado ka seryoso hindi ako sanay.” Sa totoo lang kinakabahan ako sa kahihinatnan nang usapan naming dalawa.
“Magsosorry ako para sa nakaraang kasalanan ko at sa magiging kasalanan ko pa sayo Sam.”
Habang sinasabi ko kay Sam to alam ko sa sarili ko na masasaktan ko siya at magiging doble non ang sakit na mararamdaman ko.
“Ano ka ba okay na yon, huwag ka nga yumuko habang kausap mo ko naiilang ako feeling ko ang pangit ko kaya ayaw mo makita yung mukha ko.” Pabirong sabi ko.
Laking gulat ko ng itunghay niya ang mukha niya ay may tumutulong luha sa mga mata niya. Impit siyang humihikbi na nagpasakit sa puso ko, sa lahat ayoko nang nakikita na umiiyak si Cedrick kasi alam ko na iiyak lang siya kapag sobra siyang nasasaktan.
“Cedrick bakit ka umiiyak ha? May masakit ba sayo?” nagpapanic na tanong ko.
“Wala Sam malungkot lang ako, nalulungkot ako na kailangan pa umabot sa ganito bago ako nakahingi ng tawad sayo. Masyado ako maraming araw at buwan na pinalipas bago ko nakuha ang lakas ng loob na meron ako ngayon.”
Habang nagsasalita si Cedrick hindi ko din mapigilan na maiyak dahil nakikita kong nasasaktan siya ng hindi ko alam ang dahilan. Marahan akong nagpupunas ng luha dahil ayoko ipakita sa kaniya yung luhang matagal ko na gusto pakawalan sa harapan niya.
“Ano ba kasi yung sasabihin mo dapat Cedrick hindi ko alam kung bakit umiiyak ka ngaun pero please tumigil ka na kasi nasasaktan din ako sa tuwing nakikita kong nasasaktan ka.” Umiiyak na sabi ko.
Patuloy kaming umiyak na para bang walang makapagsalita sa aming dalawa, nasasaktan ako dahil nararamdaman ko yung bigat na dinadala ni Cedrick, inabot ng limang minuto bago kami tumigil sa pag-iyak at itinuloy ang usapan namin. Parehas kaming nakatingin sa malayo dahil siguro hindi na naming kaya mag-usap ng magkaharap ng hindi umiiyak.
“Sam hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo ng maayos yung dapat kong sabihin, sa tuwing iniisip ko hindi ko mapigilan malungkot.”
“Sabihin mo na Cedrick, parehas tayo mahihirapan kung hindi mo sasabihin yan.”
“Sam aalis nako sa isang araw, biglaan na kailangan ko mag migrate sa Canada para sa business ni Daddy doon.” Malungkot na sabi niya.
Mabilis akong napalingon sa kaniya pero agad ko ring binawi dahil nakikita ko na umiiyak siya. Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko habang sinasabi ni Cedrick na aalis siya, ilang buwan na lang ga-graduate na kami sa college pero bakit ngayon pa siya aalis.
“Ilang buwan na lang ga-graduate na tayo ng college pero bakit ngayon ka pa aalis? Hindi ba pwede na pagkagraduate na lang Cedy?” umiiyak na sabi ko.
Sa totoo lang sobrang bigat sa dibdib na aabot sa ganito, ang akala ko sabay kami magtatapos sa kolehiyo sa iisang paaralan lang pero mukhang malabo na anong gagawin ko?
“Sorry Sam wala akong magawa kilala mo si Daddy kapag siya ang nagdesisiyon walang makakakontra sorry talaga,” napayuko siya, “Gusto ko Sam sabay tayo ga-graduate kasi alam ko na iyon ang gusto nating dalawa, inaway ko si Daddy, nag-makaawa ako pero masyado matigas ang puso ni Dad kaya walang nagawa ang pagmamakaawa ko.”
“Okay lang kung yan talaga yung dapat mo gawin, gawin mo ipangako mo lang na magiging maayos ka at babalikan mo ako sapat na sa akin iyon, kung sakaling makahanap ka ng iba sabihan mo agad ako para hindi na ako umasa, aalis na ako Cedrick masyado ng gabi mag-ingat ka.” Nagmamadali akong lumakad palayo sa kaniya habang patuloy na tumutulo ang luha sa aking mga mata, masakit syempre kasi ang tagal naming hindi nagpansinan at nag-usap tapos ngayon na unti-unti nang bumabalik sa dati bigla naman siya aalis ulit at iiwan ako.
“Sam alam mo naman kung gaano kita kamahal hindi ba?” pasigaw na sabi niya.
Suddenly I froze, yung ilang hakbang na ginawa ko para mapalayo sa kaniya hindi na nasundan pa. tumatawa akong lumingon sa kaniya habang patuloy na pinupunasan ang mga luha kong umaagos galing sa aking mga mata habang nanginginig na sinasabi ang mga salitang.
“Ako mahal mo? Siguro kung hindi kita kilala maniniwala ako dyan Cedy, pero tama na please nagsasawa na ko sa paglalaro mo.” Malungkot na sabi ko.
“Mahal kita Sam alam kong alam mo yan, sinabi ko sayo dahil takot ako na baka sa pag-alis ko makakilala ka ng iba at kalimutan ako.” frustrated na sabi niya.
“Huwag ka maging selfish Cedy, minsan na akong umamin sa nararamdaman ko para sayo pero anong ginawa mo? Pinagtawanan mo lang ako! Tapos ngayon sasabihin mo yan kasi natatakot ka na palitan kita sa puso ko?”
Ramdam ko ang sakit sa dibdib ko habang sinasabi ko yan, nasasaktan at nahihirapan ako sa tuwing nakikita kong malungkot si Cedrick pero tao lang din ako na napapagod at nasasaktan.
“Mahal mo ko pero nagawa mong saktan ako ng iwasan mo ako dahil kanila Sandra? Kaya wag na wag mo sasabihin na mahal mo ko dahil in the first place hindi ko naramdaman yon ng iwan moko ng dahil sa iba.”
Umiiyak ako habang sinasabi ko yan dahil nasasaktan ako pero wala akong magagawa kung hindi ko sasabihin iyon ay baka mawalan na ako ng pagkakataon na sabihin lahat ng gusto ko sabihin sa kaniya. Then I left him, hindi na ako nagdalawang isip na lingunin pa siya dahil alam ko sa sarili ko na kapag ginawa ko iyon ay hindi ko na siya pakawalan pa, ayoko maging selfish sa future na naghihintay sa kaniya sa ibang bansa kaya mas pinili kong tumakbo ng nasasaktan palayo sa kaniya. Iniwan ko siya ng umiiyak, anong magagawa ko nasasaktan ako ng sobra ngayon dahil sa sinabi niya.
When he left me I was devastated and I keep questioning my self if I did something wrong or did I make him suffer? Para sa akin kasi napakahirap na maiwan ka nang taong mahal mo sa oras na kailangan mo siya. Pero anong magagawa ko may mga bagay talaga na hindi natin nalalaman na mangyayari dahil ang Diyos lang naman ang nakakaalam ng mga bagay bagay.
Ilang linggo na rin ang lumipas ng umalis si Cedrick papunta sa Canada, pakiramdam ko kahapon lang siya nagpaalam sa akin. Sa tuwing naiisip ko yon hindi ko maiwasan na malungkot pa rin pero kailangan ko lumaban dahil alam ko na nalaban din siya doon. Kung mahirap para sa akin ay alam ko na mas mahirap para sa kaniya dahil doon ay mag-isa lang siya. Pakiramdam ko mali yung ginawa ko hinayaan ko siyang umalis ng hindi ko alam kung okay na ba kami o hindi pa. Sa ilang buwan na wala siya ay wala akong natatanggap na message miski isa sa kaniya hindi niya rin ako sinubukan tawagan na ikinalungkot ko talaga dahil kahit papaano ay hinhintay ko naman na magparamdam siya para ibalita sa akin kung kamusta ba siya sa Canada mag-isa .
Yung huling buwan namin bilang kolehiyo iyon yung buwan na halos si Bryan ang laging nakakasama ko kahit pa inaasar kami ng iba ay hindi namin pinapansin dahil alam ni Bryan at alam ko na umaasa ako kay Cedrick ng sinabi niya na mahal niya ako. Naging super close kami na naging sobrang open ko na rin sa kaniya. Kapag gusto ko umiyak umiiyak ako sa mga balikat niya at hinahayaan niya lang ako hanggang sa tumigil sa pagpatak yung mga luha ko. Sa araw-araw ganoon ang routine ko sa tuwing namimiss ko si Cedrick pero anong magagawa ko ? ang kaya ko lang naman gawin ay umiyak sa balikat ni Bryan habang iniisip ko si Cedrick.
Lumipas ang mga buwan at tuluyan na kaming nakapagtapos sa kolehiyo, nakakalungkot na magkakahiwahiwalay kami ng mga naging kaibigan ko pero masaya at the same time dahil papasok kami sa kani-kaniyang bagong yugto ng buhay namin at iyon ay ang pagtatrabaho naman. Yung mga huling buwan ko bilang kolehiyo ay pinili ko magpakatatag, ibinaling ko nang buo kong atensyon sa pag-aaral dahil gusto ko naman n a maging proud sa akin si nanay at gusto ko din naman na makapagtapos ako nang maganda ang grado ko.
Umuwi ako sa probinsya pagkatapos kong magtapos sa pag-aaral at namalagi doon ng ilang buwan bago ako bumalik sa manila upang magtrabaho. Nakapasok ako sa isang kumpanya at first hindi naging madali pero habang tumatagal ay natututunan ko na rin ang mga bagay-bagay na dapat kong matutunan sa trabahong pinasok ko. Naging mabilis ang mga araw at hindi ko na namamalayan na umabot na sa taon. Mayado ako naging busy sa trabaho at sa iba pang mga bagay. Tumaas ang posisyon ko sa trabaho . Kung noon ay assistant manager lang ako ngayon naman ay naging manaager na ako at may isang team akong hinahawakan. anaenjoy ko ang trabaho kasama ng mga taong naging bagong kakilala at kaibigan ko.
Dalawang taon na ang lumipas pero ni isang tawag galing kay Cedrick ay hindi ako nakatanggap, umasa parin ako sa sinabi niya na mahal niya ako at natatakot siya na may makilala akong iba. Pinilit ko gawin yon nakipagdate ako, pero hindi ko sinubukan magpaligaw dahil iyon ang hindi ko kayang gawin. Hindi ko kaya na palitan siya sa puso ko, kahit pa tumagal ang mga araw at umabot pa sa panibagong taon ay patuloy ako kakapit sa sinabi niya na mahal niya ako.
Minsan nga sinasabihan ko na tanga ang sarili ko dahil sinong matinong babae ba naman ang willing maghintay ng dalawang taon sa lalaking kahit isang beses ay hindi nagparamdam man lang, siguro ganoon lang talaga kalalim ang nararamdam ko para kay Cedrick, at tsaka hindi ko din naman naisip na magmahal ng iba maliban sa kaniya. Lagi ko nakikita ang future ko kasama siya kaya kahit gaano pa ako katagal paghintayin ni Cedrick ay hindi ako susuko na maghintay at mahalin siya.
Dahil in the first place natuto ako mag-mahal at nalaman ko ang totoong kahulugan nang pag-mamahal nang dahil sa kaniya. Sana lang hindi siya makahanap ng iba habang hindi kami magkasama. Dahil kapag nangyari yon baka lalong hindi ko na alam ang gagawin ko. Masyado na maraming taon ang ginugol ko sa paghihintay para sa kaniya. At baka hindi ko agad matanggap kapag nalaman ko na meron na ngang iba na nagpapasaya sa kaniya habang ako patuloy na naghihintay sa pagbabalik niya