Chapter 8
Office
“Ma’am Samantha goodmorning po, andyan na po sa labas si sir Bryan hinihintay po kayo.” Sabi ng sekretarya kong si Carol habang nakangiti, Isa s’yang petite na babae na may maamong mukha na kung iisipin mo sobrang bait pero saksakan naman sa kamalditahan.
Isa na akong manager ngayon sa isang kilalang kumpaniya at kung nagtataka kayo kung bakit hanggang dito ay kasama ko si Bryan yun ay dahil sa iisang kumpanya lang kami nagta-trabaho. Sinabihan ko naman siya na noon na mag-apply siya sa kumpanya na gusto niya pero hindi ko naman sinabi na sumama siya sa akin, si Bryan talaga, he is too good to be true.
“Ok sige paki sabi lalabas na ako Salamat,” nakangiting tugon ko, “ganda ng outfit mo today bagay sayo.” Then I wink.
“Thankyou ma’am.”
Sa dalawang taon na lumipas si Bryan ang naging sandalan at naging guardian angel ko, nagtataka na rin ako kung bakit ayaw ako iwan ng isang to. Yung dalawang taon na yon sobrang daming nangyari, marami akong natutunan at hanggang ngayon ay pinag-aaralan pero sabi nga nila “hindi natin malalaman ang resulta ng isang bagay kung hindi natin susubukan” kaya sa lahat ng bagay kahit alam kong mahihirapan ako ay patuloy ko sinusubukan atleast sinubukan ko at hindi na lang bigla kong sinukuan.
“Hi Bry sorry natagalan nag-aayos pa kasi ako ng mga gamit ko, san tayo.” Nakangiting tanong ko.
“Hindi ako pwede ngayon Sam video call kami ni Mom e, hatid na lang muna kita sa inyo.”
“Huwag mo na kaya ako ihatid, baka hinihintay ka na ni Tita.”
“Ano ka ba hindi pwede no tara na.”
“Nakakahiya na masyado, pero sige thankyou.”
Si Bryan kahit kailan hindi nabawasan ang pagiging gentleman akala tuloy ng ka-office mate namin may something sa aming dalawa. Nagtataka din ako na hanggang ngayon wala siyang pinapakilala na nililigawan niya.
Habang nasa biyahe kami hindi ko maiwasan magtanong kay Bryan tungkol don sa sinasabi niya na kaibigan niya na naging dahilan ng pag-uwi niya dito sa pinas.
“Bry matanong ko lang ulit no sino ba kasi yung kaibigan mo na sinasabi mong naging dahilan ng pag-uwi mo dito? Curious na talaga ako.”
“Makikilala mo din naman yon kapag hindi na siya busy.” Mapangasar na sabi niya.
“Aasahan ko yan ah, alam mo naman na ilang taon na kita kinukulit tungkol doon pero wala akong nakukuhang matinong sagot galing sayo sa totoo lang” Hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng bahay, I immediately open the door when we reach the house “Dito na lang ako Bry, ingat ka sa pagddrive ha? Txt mo ko kapag nakauwi ka na thankyou.”
“Opo, kaya hanggang ngayon hindi ako magka girlfriend kasi hindi ako makahanap ng katulad mo see you tomorrow Sam, Goodnight.”
It’s already eleven pm pero paikot-ikot lang ako sa higaan ko dahil hindi ako makatulog. Gabi gabi ko pa rin naiisip si Cedrick. Iniisip ko kung okay ba siya, kung kumakain siya sa tamang oras, kung may nasasandalan ba siya kapag kailangan niya, nakakalungkot na hanggang ngayon hindi pa rin kami magkasama. Kasalukuyan akong nakatulala sa ceiling ng biglang mag ring ag cellphone ko at may tawag galing sa isang unregistered number.
“Hello sino po sila.” Tanong ko
Wala akong halos marinig dahil tunog lang ng paghinga ang narririnig ko. Natigil ang pagtibok ng puso ko ng marinig kong magsalita ang kausap ko. Dun ko narealize na ang taong yon ay ang taong matagal ko na gusto makita, mayakap at makasama then a tear fell from my eyes again na halos hindi na rin ako makapagsalita. Nanatili lang akong nakikinig sa paghinga niya sa kabilang linya, hindi ko alam kung bakit ayaw niya magsalita pero kahit ganon nagpapasalamat ako na makalipas ang ilang taon alam ko na ligtas siya.
“Hello.” Yon ang isang salita na narinig ko pero alam ko kung kaninong boses nang galing ito. Isang salita na hindi na nasundan pa hanggang sa ibaba niya ang telepono. Agad na umagos ang luha ko the moment na ibinaba niya ang telepono, sa wakas yung boses na ilang taon kong hindi narinig ay narinig kong muli kahit na sandali lang. umiyak ako ng umiyak hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.
Kinabukas mugto ang mga mata ko dahil na rin sa ilang oras kong pag-iyak kaya wala akong choice kundi ang magsuot ng sunglasses para maitago sa iba ang mata ko, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na sa wakas narinig kong muli ang boses na matagal ko nang gusto marinig, simpleng hello lang pero may impact sa puso ko.
“Anak nakatulog ka ba ng maayos kagabi? Bakit parang mapupula ang mga mata mo, may problema ka ba sa trabaho?” tanong ng nanay ko.
“Wala po inay, hindi lang po ako nakatulog ng maayos kaya ganito. Aalis na po ako mag-ingat po kayo dito.” Tugon ko.
Tuwing umaga mas gusto ko magcommute papasok sa trabaho, ayoko na rin kasi abalahin pa si Bryan na ihatid sundo ako pagpasok sa trabaho. Wala rin naman akong oras para mag-aral nang pagmamaneho kaya kapag ayoko abalahin si Bryan nagcocommute na lang ako. Mas gusto ko na nakakalanghap ng sariwang hangin habang nakatanaw sa mga sasakyang pari’t parito kahit minsan, makikita ang mga ibong masayang lumilipad sa himpapawid at makita ang mga taong siksikan sa loob ng sasakyan na alam kong nagsisikap sa araw-araw na pagtatrabaho para mabuhay. Paraan ko na rin ito para kahit papano mabawasan ang isipin ko at napag-iisipan ko ng mabuti ang mga bagay-bagay.
Kalahating taon na rin ng magtrabaho ako sa company pero so far naging maayos naman ang pakikitungo sa amin ni Bryan ng mga ka workmates naming dalawa. Masaya at the same time naeenjoy ko ang trabaho ko bukod sa malaki ang sahod ko may oras pa rin ako para sa sarili ko. Simula magkaroon ako ng trabaho pinaluwas ko narin si nanay dito sa manila para may makasama naman ako sa bahay na inuupahan ko dahil ayoko na rin na sa probinsiya siya nag-iistay samantalang kaya ko na naman ang pang-gastos namin sa araw-araw.
Past 7 na ng makarating ako sa harap ng opisina, dahil eight am ang pasok ko sa trabaho maaga ako umaalis sa bahay para umabot ako sa takdang oras. Hindi kasi maiwasan minsan ang matrapik kaya maaga talaga ako umaalis kapag nagbibiyahe lang ako.
“Magandang umaga po ma’am Samantha.” Nakangiting bati sa akin ni kuya Leo ang gwardiya sa opisina. Sa lahat ng guwardya sa building na ito si kuya Leo lang ang mahilig ngumiti at bumati, ang iba ay masyado seryoso.
“Magandang umaga din po kuya Leo.” Masiglang tugon ko.
“Ma’am pinapasabi po ni Sir Bryan na puntahan niyo daw po siya sa coffee shop pagdating ninyo.”
“Nandito na po si Bryan? Himala ata at maaga siya. Sige po pupuntahan ko na lang po. Thankyou po.”
Mabagal akong naglalakad papunta sa coffee shop dahil bukod sa alam kong maaga pa ay gusto ko din asarin si Bryan dahil mainipin ang taong iyon. Pero kahit sobrang mainipin siya pagdating sa akin ay hindi naman. Kaya naman daw niyang maghintay kahit pa isang oras para sakin. Sa di kalayuan natanaw ko si Bryan na sitting pretty sa pag-upo habang nagbabasa ng magazine. Habang tinititigan ko siya nasabi ko na lang sa sarili ko na napakaswerte ko dahil may Bryan Sy sa tabi ko noong mga panahong kailangan ko ng masasandalan. Siguro kung wala si Bryan noon tapos wala din si Cedrick ay baka sumuko na ako, dahil sobrang malungkot na nga ng malayo ako kay nanay tapos wala pa akong kaibigan mabuti na lang nga at anjan si Bryan para sa akin.
Kaya super thankful ako to have Bryan by my side when I needed him the most, siguro sa sobrang close namin na dalawa wala na akong pwede ilihim sa kanya, mabilis maka catch-up ng bagay bagay si Bry kaya kahit hindi ako nagku-kwento sa kaniya ay nalalaman niya agad kung may problema ba ako o wala, kung may masamang nangyari o wala at madali niya rin nalalaman kung umiyak ba ako o hindi kahit pa itago ko sa ilalim ng sunglasses ko ang mapupula kong mga mata.
He is indeed a blessing from above kaya hangga’t kaya ko suklian ang mga kabaitan niya kahit sa simpleng paraan lang ay ginagawa ko hindi dahil sa ayoko tumanaw ng utang na loob kundi dahil masaya ako kapag may nagagawa akong simpleng bagay para sa kaniya, yung simpleng bagay na bale-wala sa iba pero sa kaniya sobra-sobra na.
Siguro kung hindi ako inlove kay Cedrick nang matagal ay baka naghulog na ako sa kaniya, dahil wala na akong mahahanap na katulad niya. Magkaibang magkaiba sila ni Cedrick pagdating sa pag-uugali nila kaya masasabi ko na mahirap na makahanap nang katulad ni Bryan na laging handang samahan ka lalo na sa oras na kailangan mo siya.
Sa tuwing naaalala ko kung paano kami unang beses nagkita at nagkakakilala ay natatawa na lang ako, imagine nilapitan niya ako at itinanong kung bakit ko daw ba isinusuot ang salamin ko kahit wala naman grado. Bukod kay Cedrick, sa lahat ng classmate ko si Bryan lang ang nakapansin na walang grado ang salamin ko. Magaling si Bryan pagdating sa ganoong bagay kaya kahit hindi ko sabihin sa kaniya kung may masakit ba sa akin, kung umiyak ba ako, kung wala ako mood magtrabaho ay nalalaman niya agad basta tinignan niya ako. Indeed he knows how to read people’s feeling. Hindi ko alam kung bakit magaling siya sa ganoong bagay, pero nagpapasalamat na rin ako dahil hindi ko na kailangan sabihin pa ang nararamdaman ko dahil agad agad nalalaman niya.
Masama ba na magdamdam ako kay Cedrick tungkol sa bagay na iyon? Si Cedrick hindi niya kaya basahin o alamin ang totoong nararamdaman ko sa pagtitig lang sa mga mata ko, manhid si Cedrick kaya kahit seryoso na ako sa mga sinasabi ko ay ginagawa niya lang na biro which is kinakainis ko naman. Sino ba naman kasi ang matutuwa ng ganon hindi ba?
Sana dumating ang araw na magkakilala sila ni Bryan para masabi ko naman na noong mga panahong wala siya ay nandiyan si Bryan para gawin ang mga bagay na dapat ginagawa niya. Na dapat siya ang kasama ko sa oras na kailangan ko nang Karamay , sa mga bagay at desisiyon na ginagawa ko na dapat siya ang sinasabihan ko kaya wala siya kaya si Bryan na lang muna.