Chapter 9

1945 Words
Chapter 9 Coffee Shop Bryan Nandito ako ngayon sa coffeeshop kung saan hinihintay ko dumating si Samantha, lagi ako nalelate sa trabaho pero ngayon inagahan ko dahil alam ko na kailangan ni Sam ng karamay. Yung kavideocall ko hindi naman si Mommy kundi si Cedrick, pinigilan ko siya na tawagan si Samantha dahil alam kong magugulat si Sam pero sadyang matigas ang ulo ni Cedrick at ginawa niya pa rin. “Pre tinawagan ko si Sam at alam ko na umiiyak siya ngayon dahil naririnig ko ang hikbi niya.” Malungkot na sabi ni Cedy. “Sinabi ko naman kasi sayo pre huwag muna ngayon, magpepresent pa yon baka masira yung presentation, ang tigas talaga ng ulo mo.” Pasermong sabi ko. “Alam mo naman kung gaano ko na namimiss si Sam hindi ba? Kaya lang mukhang wrong timing nga kaya ikaw na muna bahala sa kaniya ha. Salamat pre.” Ang tigas kasi talaga ng ulo ng taong yon’ kaya pati ako naiistress imbis na natutulog pa ako ng ganitong oras eto ako ngayon nakaupo dito at naghihintay kay Samantha. Sa di kalayuan Nakita ko si Sam na papalapit at may suot na sunglasses kaya alam ko umiyak tong babae na to’, hay Cedrick wrong timing ka talaga huwag lang sana maapektuhan presentation ni Samantha mamaya kundi lagot na. Pero knowing Sam alam ko na kaya niyang ihiwalay ang personal matters sa trabaho kaya alam ko na maibibigay niya ang best niya sa presentation niya mamaya. Habang naglalakad si Sam naisip ko na ang swerte ni Cedrick dahil may babaeng handang maghintay sa kaniya kahit pa tumagal ng ilang taon ang paghihintay niya. Bukod sa maganda si Samantha napakabait at maalalahanin pa, kaya hindi ko gets sila Tito kung bakit ayaw nila kay Sam, kung tutuusin swerte ng anak nila kay Sam. Mahirap din talaga kapag anak ka ng sobrang yaman kagaya ni Cedrick na ang gusto ay mayaman din ang papakasalan niya. Kung kay Tita lang ang alam ko tanggap na niya si Sam pero masyado matapobre si Tito kaya kahit successful na si Samantha ngayon ay hindi niya pa rin matanggap dahil ang nasa isip niya ay yaman lang ang habol ni Samantha sa anak nilang si Cedrick. Hindi ko namalayan na masyado na pala malalim ang iiisip ko at hindi ko napansin na nakaupo na si Samantha sa harapan ko at inaanalize maigi ang mukha ko. Si Sam kapag tinititigan ako kinakabahan ako, masyado malakas ang awra niya na kaya maka-attract sa tuwing tumutitig siya. “Nand’yan ka na pala hindi ka man lang nagsasalita.” “Goodmorning Bry, baka kasi maabala kita mukhang malalalim pa naman ang iniisip mo.” Masiglang sabi niya. “Goodmorning to you too Sam, sa sobrang ganda mo natulala ako.” Natatawang sabi ko. “Tss bolero, ang aga mo yata ngayon?” tanong niya. “Wala naman, napaaga gising ko at hindi na ulit makatulog ka naligo na lang ako at nag-asikaso papunta dito.” Nakangiting sabi ko. “Okay. Kumain ka na ba? Hindi pa kasi ako kumakain nagmamadali kasi ako umalis ng bahay.” “At bakit hindi ka kumain? Tska bakit naka sunglasses ka?” pang-aasar ko “Wala lang, alam mo naman nag-commute lang ako medyo maalikabok sa labas.” “Stop telling lies, I know that you’d cried pero binabalewala ko dahil ayaw ko masira ang araw mo, let’s talk about that later after your presentation.” “How did you know? Sa bagay kailan ba ako nakapagtago sa iyo hindi ba? Kwento ko mamaya.” “Sure ka? Baka naman hindi ka lang natulog dahil sa presentation ngayon, I was just joking you know, inamin mo naman haha” pang-aasar na sabi ko kay Samantha. Pag-iiba ko ng topic dahil alam ko any minute iiyak na naman si Sam at ayoko makita yon, minsan kailang din natin gawing biro ang katotohanan para alam natin kung paano mag-rereact sa ganoong sitwasyon. “Sama mo ang aga-aga.” “Hahahha! By the way nagcommute ka ng gan’yan ang suot mo?” iritableng sabi ko. “Oo, may masama ba sa suot ko ha?” nang-aasar na sabi ni Sam. “Wala naman Sam, naka mini skirt ka lang naman at masyado fitted yang blouse mo tapos naka high heels ka na very unusual sayo kaya walang masama sa suot mo tss,” buntong hiningang sabi ko. “Next time nga kung mag-cocommute ka ng ganiyan ang suot ay huwag mo na ituloy, tawagan mo na lang ako para masundo kita kasi sigurado pinagpyestahan ng mga mata ng iba yang itsura mo! Bakit ka ba kasi naka ganyan ha?” kapag ganito si Sam naiirita ako pakiramdam ko binabastos siya ng iba. “Sobra ka naman, wala naman mali sa suot ko at tsaka syempre dapat naman presentable ako mamaya sa harap ng board kapag nagpresent ako.” “I get the point pero huwag naman ganyan ka-revealing Samatha!” “Huwag ka na magalit okay boyfriend, hindi na mauulit sorry. Kain na tayo Bry nagugutom na ako.” Pang-aasar na sabi niya. Si Samantha hindi niya alam kung gaano kalakas sakin ang impact kapag tinatawag niya akong boyfriend, pakiramdam ko may Karapatan ako sa kaniya kahit wala naman talaga. “Nakapagcoffee nako girlfriend, alam mo naman na kapag ganito hindi nako nakain ng breakfast, kain ka na tapos sabay na tayo pumasok.” Sinabayan ko na lang din siya, usually kapag tinatawag niya ako nang boyfriend ay girlfriend naman ang itinatawag ko sa kaniya, kunyari sinasakyan ko lang siya hindi niya alam naeenjoy ko naman talaga hays. Samantha Maigi na lang talaga at marunong si Bryan sumabay kasi kung hindi baka biglang maiyak na naman ako. Kailangan ko pa naman magpresent ngayon sa board para sa bagong product na ieendorse ng team ko. Hindi ko lang talaga magets na nagalit siya dahil sa suot ko, masyado siya conservatives hindi naman sobrang iksi ng suot ko. Dahil sa nakapag coffee na si Bryan at wala ako makakasabay sa pagkain ng umagahan umorder na lang din ako ng kape at dinala yon sa opisina para habang nagkakape ako magagawa ko pang reviewhin yung ipepresent ko dahil ayoko magkamali lalo na at sa akin nakasalalay ang buong team ko. “Goodmorning ma’am Sam in fifteen minutes daw po mag-istart na yung meeting, pinapatawag na po kayo.” Sabi ni Carol. “Carol sa tingin mo okay lang ba ang suot at ayos ko ngayon? Ayoko mapahiya sa board.” Nahihiyang tanong ko. “Maganda ka po ma’am kahit wala kayong ayos maganda po kayo. Tara na po.” Nakangiting sabi niya. “Okay sige thankyou.” “Ma’am did you cry last night? Masyado mapula ang mga mata mo.” “Hindi kasi ako nakatulog kasi iniisip ko yung presentation ko ngayon kaya ganiyan, huwag mo na lang pansinin.” Nakangiting sabi ko kay Carol. “Okay Ma’am sorry for asking, concealer you want? Laki nang darkcircles e” “It’s okay ano ka ba, meron ka bang dala?” And we both laugh. Minsan talaga nakakabawas din sa mabigat na dinadala yung mga taong pilit ka pinapasaya kapag alam nila na humaharap ka sa problema. Carol and Bryan had the same bives na kaya ako patawanin sa simpleng paraan na kaya nila. And they never fail me for that. Dahil inalok na rin naman ako ni Carol ng concealer ay ginamit ko na, ayoko naman na haharap ako sa ibang tao na halatang mugto ang mga mata ko. Kailangan ko rin takpan ang dark circles sa ilalim ng mata ko kaya kailangan ko din talaga. Wala akong make-up na dala sa bag dahil hindi naman ako pala retouch, okay na sa akin yung aalis ako nang bahay ng may kaunting blush on at lipstick, ang dinadala ko lang talaga ay ang press powder at ginagamit ko lang iyon kapag kailangan na kailangan na talaga kasi ayoko talaga sa makeup kaya lang masyado maputla ang mukha ko kapag hindi ako naglagay kahit kaunting blush on. Pagkatapos kong magretouch ay agad akong pumunta sa meeting place dahil nakakahiya naman kung malelate ako sa meeting na pinaghandaan ko naman talaga. Inalis ko muna sa isip ko ang nangyari kagabi dahil kung hindi ay baka bigla na lang akong umiyak sa harap ng ibang tao. Board meeting Kinakabahan akong pumasok sa loob ng meeting. Sa loob ng board meeting kasama ko ang buong team ko including Bryan, ang Vice president ng Company at Board members. Ngayon ko lang sila makikita kahit ilang buwan na ako dito dahil ngayon lang naman ako nasama sa ganitong meeting at first time ko din magpepresent sa harap nila. Sa totoo lang never ko pa Nakita si Mr. President dahil bukod sa nasa ibang bansa daw ito ay wala akong nakikitang litrato niya na nakapaskil sa loob ng buong building, hindi ko rin naman alam kahit ang apelyido niya kaya wala talaga akong ideya. Kinakabahan ako kahit alam ko naman na maganda ang presentation ko, kinakabahan ako para sa buong team. “Okay Samantha pwede ka na magsimula.” Sabi ni Mr. Cruz isa sa Board member. “Okay po Sir.” Inabot ng fourty five minutes ang presentation ko pero pakiramdam ko buong araw ako nagpresent dahil sa sobrang kaba dala na rin siguro ng sobrang seryoso ng mukha ng panel ko, hindi ko alam kung approve ba sila o hindi sa suggestion ng team ko. Ilang araw po pinagpuyatan at pinaghandaan lahat ng ito pero hindi pa rin ako tiwala sa nagawa ko. Malakas na palakpakan ang narinig ko matapos ang katahimikan. “Good job Samantha, hindi mo kami binigo at pinatunayan mo ang husay mo sa aming lahat. Job well done hihintayin namin ang magandang feedback nito mula sa market.” Masayang sabi ni Mr. Cruz. “Ipinapangako ko po na hindi po naming kayo bibiguin, maraming Salamat po sa tiwalang ibinigay niyo sa akin at sa buong team. Thankyou po.” Masayang sabi ko. “Well done sa buong team, aasahan naming lahat iyan. Meeting adjourned.” Labing limang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin kami lumalabas ng buong team ko dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari na lahat ng hirap at pagod namin ay nasuklian ng magandang resulta. Malakas na sigawan ang narinig ko galing sa buong team dahil sa wakas yung hirap at puyat namin ay may magandang resulta. “Congrats ma’am, sabi ko na kaya mo e.” masayang bati ni Louie sa akin isa sa designer ng team. “Congrats sa ating lahat. Hindi ko naman magagawa iyon kung wala kayo sa tabi ko. Paghusayan pa natin para sa mga future projects pa. makakahinga na ako ng maluwag ngayon, celebrate tayo later?” “Sure ma’am.” They answer in unison. Labis na galak ang nararamdaman ko ngayon kaya natatakot ako na baka may kapalit iyon. Sobrang saya ko na walang mapagsidlan dahil sa wakas all our efforts are paid off. Lahat ng kaba at sari-saring emosyon na naramdaman ko kanina ay sa wakas napalitan na ng saya dahil sa wakas ang unang project ay sa team ko mapupunta. Sabi nga nila “there’s a rainbow always after the rain” kanina hindi maganda ang pakiramdam ko dahil sa sobrang pag-iyak pero ngayon lumabas na ang rainbow dala ng magandang resulta ng pagod at hirap ng buong team para mapaganda ang preparation ng mga bagay-bagay at hindi naman kami nabigo dahil nakuha namin ang resulta na gusto naming makuha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD