Chapter 10
Cedrick
Noong gabi na naglakas ako ng loob na tawagan si Samantha, nasa pilipinas na ako. Hindi ko sinabi kahit kay Bryan na nakauwi na ako dahil sa totoo lang kahit ilang taon na ang lumipas ay takot pa rin ako na harapin muli si Samantha, siguro hindi pa talaga ito ang tamang oras dahil may inasikaso pa ako, hanggang ngayon ginagawan ko pa rin ng paraan na tigilan na ako ni Maxene na kapatid ni Bryan.
Noong sinabi sa akin noon ni Dad na umalis ako at pumunta ng Canada ang akala ko magiging okay na lahat pero hindi dahil biglang umeksena si Maxene, alam ko na hindi pa sila nagkakakilala ni Samantha personally pero alam ko na sinusubaybayan ni Maxene ang mga kilos niya.
Nagalit ako kay Dad dahil nakipagkasundo na ako sa kaniya na susundin ko lahat ng gusto niya basta titigilan na niya si Samantha at hahayaan na niya na magkasama kami, naniwala ako noon na susundin ni dad ang napagkasunduan pero nakalimutan ko na si Mr. Dela Vega ay kahit kailan hindi marunong sumunod sa napagkasunduan.
Nagtiis ako ng ilang taon malayo kay Sam para paprotektahan ko siya, noong una masakit dahil hindi ko kaya pero lumipas ang araw nakasanayan ko na din ang sakit na nararamdaman ko, ito ang nagiging motivation ko pra sipagan at gawin ang lahat malayo lang siya sa panigin ng magulang ko.
Naalala ko noong araw na kinausap ako ni Dad tungkol sa pag-alis ko ng bansa. Umuwi ako noong araw na iyon ng halos gabi na dahil sa dami nang kailangan ko asikasuhin at tapusin na paper works, pagoda ko galing sa school dahil na rin sa marami akong hinahabol na deadlines. Pagdating ko sa bahay nandoon na si mommy and Daddy at alam ko na ako na lang ang hinihintay nila para kumain ng hapunan. Nagmadali ko pumanhik sa kwarto para magpalit ng damit at ibinaba ang mga gamit ko sa tabi at agad na pumunta sa hapag kainan.
“Cedrick, how’s your day?” tanong sa akin ni mommy.
Marahan tumango si mommy at sinabi na kumain na daw ako.
Pinagmasdan ako ni Daddy na tila ba may sasabihin pero nag-aalangan.
“Spill it Dad, mas gusto ko nang kinakausap mo ako kaysa sa tinititigan mo lang ako.”
“I’m planning to send you abroad, in Canada exactly.” Seryosong sabi niya.
“But Dad biglaan naman ata?” medyo inis na sabi ko.
“Cedrick anak pakinggan mo muna ang daddy mo.” Mahinahong sabi ni Mom.
“Kailangan ko ba ipaalam muna sayo ang plano ko? Baka nakakalimutan mo na ako ang ama mo at wala kang magagawa kundi ang sundin ako!”
“Dad huwag naman ganiyan, ipaliwanag mo ng maayos kay Cedrick para maintindihan niya, kung uunahan mo na naman ng galit ang sasabihin mo ay hindi kayo magkakaintindihan.” Kalmadong sabi ni Mom kay Dad.
I blew a short breath of frustration. I never reacted this much to anything in particular before dahil most of the time kapag may hihingiin na pabor sa akin si mommy malambing niya iyong sinasabi at ipinapakiusap sa akin pero iba si Dad, mapapa oo ka na lang dahil sa inis, galit at takot na kontrahin siya.
“Kailan po ako nagkaroon ng boses para sumagot sa inyo daddy? Kahit kailan naman hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na mgreklamo sayo hindi ba?” Malumanay pero madiin na sabi ko.
“At ano sinusumbatan mo ako? Wala kang modo siguro dahil yan sa kasasama sa kaibigan mong mahirap kaya ngayon natuto kana na sagot-sagutin ako.” Nanlilisik na matang sabi ni daddy.
“Labas ho sa usapin natin si Samantha kaya bakit idinadamay niyo siya? Nagsabi ho ba ako na hindi ko kayo susundin? Wala ho akong sinasabi kaya please tigilan niyo ang pangmamata nyo sa kaniya dahil hindi niyo naman siya kilala., kung tutuusin mas gusto ko siya kasama kaysa sa inyo na walang alam kundi ang mag-hamak ng iba!”
“Bastos kang bata ka!”
“Sa bagay kailan niyo ba ginawa na tignan ako bilang anak ninyo kung tutuusin ang turing nyo din naman sa akin ay katulad kung paano niyo ituring ang mga empleyado niyo hindi na po ako nagtataka dahil ganyan naman talaga kayo!" Galit ako, sa sobrang galit ko gusto ko magwala pero nahihiya ako kay Mommy, nahihiya ako na sa harap ng pagkain ganito kami nag-uusap ni Daddy.
“Sinasabi ko sayo Cedrick minsan mo pa akong bastusin para sa babaeng iyon magsisisi ka.”
“Kailan ang flight ko? Sabihin niyo na para maasikaso ko ang mga dapat asikasuhin.” Malamig na sabi ko
“Sa isang buwan ang alis mo kaya gawin mo na ang lahat ng dapat mong gawin.”
“Isa lang ho ang hiling ko, just make sure na hindi niyo gagalawin si Samantha at tatanggapin niyo siya sa pagbabalik ko dahil once na makarinig ako ng balita na pinakeelaman niyo siya ay uuwi ako at aalis ako sa pamamahay niyo.”
“Ok then malalaman natin pagbalik mo! Siguraduhin mo lang na susundin at gagawin mo ang lahat ng gusto ko.”
Umasa ako na gagawin ni daddy ang ipinangako niya sa akin kaya ginawa ko lahat ng ipinapagawa niya, noong unang taon ko dito dapat ay uuwi na ako pero pinigilan ako ni daddy kaya hinayaan ko nagtiis ako, pero umabot na rin sa punto na napagod na ako. Nagawa kong tumakas sa mga body guards ko at umuwi ng pilipinas kahit isang linggo lang makita ko lang si Sam, nakauwi ako pero hindi ko nagawang makita siya dahil nalaman ni Dad na nakauwi at hinarangan at tinakot na naman niya ako.
Wala akong nagawa kundi ang bumalik ng Canada na parang walang nangyari, takot ako na saktan ni Dad si Samantha kaya kahit ayoko man na sundin ulit siya na bumalik ako sa Canada ay ginawa ko pa rin. Bumalik ako na sobrang sama ng loob ko sa magulang ko dahil bakit nila ginagawa sa akin ng bagay na iyon. Kahit si Mommy ay hindi ako kayang ipagtanggol kay Daddy.
Mahirap maging anak ng isang bussiness tycoon kasi para sa kanila mas mahalaga ang tingin ng ibang tao kaysa sa sarili mo. Si Dad, he never cares for me kasi ang mahalaga sa kaniya ay ang kumpaniya at mga Negosyo niya pero kahit ganon nagtitiis ako kasi I’m hoping that one day he can see me as I am, he can let me to do the things that I wanted, he can see me as his only son and he can give advises as long as I want, I’m hoping but I know for sure those things might never gonna happen because Mr. Dela Vega is always mr. Dela Vega.
Simula umalis ako ng pilipinas never ko nakausap si Dad kahit pa nag-uusap kami ni Mom at andun siya hindi ko siya kinakausap, galit ako and until now yung galit ko hindi nawawala. Masyado swapang si Dad ayaw niya ng nalalamangan kaya kahit sa akin na anak niya ganon ang tingin niya.
Kaya kahit si Bryan walang kinalakihang Daddy ay naiinggit ako sa kaniya because Tita always let him to do what he wants and in return lumaking responsable si Bryan sa lahat ng acts niya. Kung sana lang ganon din si Mom and Dad mas maganda sana. Kung sana lang may sariling boses din si mom para maipagtanggol niya ako kay dad but she doesn’t have the courage.
Sa Canada gigising ako ng maaga para maaga mag-asikaso para pumunta sa opisina, bukod sa office nagenroll ako sa culinary school ng hindi alam ni Mom kasi ayoko ng magpapaluto sa iba mas gusto ko ng ako ang nagluluto ng sarili kong pagkain. Twice a week ako pumapasok at dalawang oras lang kada araw pero marami na agad akong natutunan. Sa ganitong paraan nakakalimutan ko yung sama ng loob ko kay Dad.
Naeenjoy ko naman din ang culinary kaya okay lang. Kapag nabobored ako sa opisina umaalis ako ng hindi alam ng mga tauhan ni Dad. Alam ko sa simula pa lang na lumipad ako papunta dito ay hindi na humiwalay sa akin ang mga bantay na ipinadala niya though hindi nila ako harap-harapan binabantayan pero alam ko dahil sa araw-araw ba naman na ang daming nakatingin sa akin sa tuwing papasok ako ng opisina e sinong hindi makakahalata.
Minsan kapag pakiramdam ko na nasasakal na ako sa environment hindi ako pumapasok sa opisina, I always giving time to myself para naman kahit papaano hindi ako ganoon nalulungkot. Umaalis ako at bumibiyahe papunta sa favorite place ko, since hindi ako located sa Toronto which is the city I always take a ride going in there, wala lang masarap lang kasi na maglakad-lakad sa ilalim ng maple leaf na unti-unting naglalagas ang mga kulay kahel na dahon nito kasabay ng kalmadong hangin na dumadampi sa mga balat ko.
Ilang oras ang lumipas simula ng magdrive ako papunta sa Toronto, hindi katulad sa lugar kung saan located ang opisina. Dito sa Toronto mas maraming tao ang makikita mong naghahabol ng oras para hindi sila malate sa kani-kaniya nilang trabaho. Usually kapag pumupunta ako dito namimili ako ng sangkap ng mga pagkain na gusto kong lutuin, at the same time meron akong favorite coffeeshop na dito mo lang sa city makikita. Dito ko din minsan pinapapunta ang mga tauhan ni Dad na gusto makipagmeeting tungkol sa kumpaniya.
Sa tuwing nandito ako sa city kahit 30 minutes nagagawa kong takasan ang mga bodyguard ko kaya minsan mas gusto ko ng andito ako kaysa sa nasa opisina ako tapos hindi naman ako makapagtrabaho. Hindi ko naman pinapabayaan ang opisina kaya siguro okay lang din kay Dad na minsan minsan ay pumupunta ako dito.
At isa pa pumupunta lang naman ako dito kapag pakiramdam ko ang toxic na masyado sa opisina, sumasakit lang ang ulo ko kaya tumatakas ako para mag-unwind at para mapakalma ang sarili ko. Marami sa empleyado ni Dad ang matitigas ang ulo at napaka-hirap ihandle kaya para hindi ko sila mapagbuntunan ng galit ko ay ako na lang ang umaalis. Mahirap mag-adjust lalo at kapwa ko din Pilipino ang karamihan sa empleyado kaya lang masyado matitigas ang kanilang mga ulo at hindi marunong sumunod sa kung anong ipapagawa ko.
Our company is well known in terms of stocks, kapag mataas ang curency at mas mababa ang stock ay nahihirapan kami. Bilang empleyado at the same time ay president ng company ay hirap ako, mahirap na ang trabaho ay mahirap pa magpasunod ng tao. Sa lahat gusto ko ay hands-on ako para alam ko kung paano sosolusyunan ang problema sa oras na magkaroon. Sa company meron kaming 14 floor which is half of it is in stock and the other 7 ay nag-susupply ng mga branded clothes sa market. Kami ang humahawak ng branded clothing lines at nag-susupply sa lahat ng malls and boutique dito sa buong Canada kaya nakaka-pressure talaga ganito din ang negosyo ni Dad sa pilipinas pero hindi ganoon ka-pressure sa pinas kasi iilan lang naman ang malls doon.
Hindi kami ang tumatahi pero kami ang nagsusupply ng design, kaya halos lahat ng designer ko ay dumadaan sa matinding training bago sila isabak sa opisina. Over all I have 20,000 employee and so far iilan lang ang pasaway sa kanila, minsan nalelate sa delivery kasi hindi maiwasan but most of the time nag-kakaproblema lang kapag sinumpong ang toyo ng ilan. Minsan ko na din tinanong ang sarili ko kung kaya ko ba i-manage ang ganoong karaming tao at ganitong kalaking kumpaniya pero naiisip ko na challenge lang iyon sa akin ni Dad na tinanggap ko kaya kakayanin ko.
Maganda din namang experience ang ganito para pag-uwi ko sa pinas kaya ko na ihandle ang mas malaking kumpaniya.
Miss ko na si Samantha, kamusta na kaya siya. Gusto ko na siya makita kaya lang hindi pa pwede kaya tiis-tiis muna tutal lahat naman nang pag-titiis ko ay para sa kaniya dahil alam ko na darating ang araw na muli kami magkikita at magkakasama at kapag dumating ang araw na iyon ay lahat gagawin ko para makabawi ako sa lahat nang pagkukulang ko sa kaniya.