Chapter 11
Samantha
Araw na naman ng lunes ngayon, at dahil naaprubahan ang project namin ay subsob na naman ang buo kong team para masimulan na namin ang project. Sa akin bilang isang manager at team leader napakalaking achievement na na maaprubahan ang isang proyekto na hindi lang naman ako ang nagpakahirap gawin at planuhin ang mga iyon kaya thankful ako sa buong team dahil ginagawa nila ng maayos ang kanilang mga trabaho kaya bilang kapalit ay gagawin ko din ang lahat ng makakaya ko para sa buong team naming para hindi rin magsisi ang mga taong naniwala sa kakayahan naming.
“Ma’am Sam may schedule po kayo ngayon with Mr. Cruz para po sa finalization ng project and he’s asking po about your free time.” Sabi ni Carol.
“Carol please tell Mr. Cruz that I can’t schedule that today and I know that you know the reason right? Tell him that I will be droping by at his office tomorrow after lunch thankyou.” Then I smile.
“Okay then ma’am ako na po ang bahala kay Mr. Cruz.”
“Thankyou, at isa pa pala ate can you call Bryan’s secretary, Paki sabi naman na in 20 minutes aalis kami ni Bryan, thankyou.”
“Ate ka dyan! Okay ma’am.” Then she left. While frowning.
Ayaw ni Caril ng tinatawag ko siyang ate lalo na kapag may iuutos ako kasi baka daw isipin nang makakarinig ay bastos ako dahil pagkatapos ko siya tawaging ate ay tsaka ko naman siya uutusan.
Kahit kay Carol thankful ako, mas matanda lang siya sa akin ng 2 taon pero kung ituring ako parang nakababatabng kapatid. Kapag wala si Bryan kay Carol ako nagkukwento ng mga bagay-bagay pero hindi tungkol kay Cedrick, kasi hangga’t maaari ayoko nang ikukwento si Cedrick sa iba. Ayoko din kasi marami anfg makaalam kasi kapag marami ang may alam ay sigurado na marami din ang makikialam.
Si Carol anak ng isang middle class family, petite na babae na may ubod sa among mukha na sobra naman ang kamalditahan kaya minsan ayoko ng sinasagot-sagot yan dahil baka pati ako patulan, she became my sister by heart, ayaw niya ng nakikita akong nakasimangot o malungkot dahil kapag ganon ang sabi niya nahahawa din daw ang awra niya, she is bubbly indeed na yung tipong bagay na hindi mo na kayang tawanan ay nagagawa niya pa rin tawanan, sobrang positive thinker na lahat na ata ng positivity sa mundo ay nakuha niya kaya sobrang bilib ako sa taong yan.
Ang sabi niya sa akin noong unang araw na ipinakilala siya sa akin bilang sekretarya ko ay natakot at kinabahan daw siya dahil mukha akong suplada at mataray, pero noong nagtagal ay nagkasundo din naman kami kaya hindi ako nahirapan magadjust sa unang trabahong pinasok ko matapos kong makapagtapos ng kolehiyo. Bukod kay Bryan ay si Carol talaga ang pinakaunang naging kasundo at kakilala ko sa opisina. Kaya alam na alam niya kapag ayoko tmanggap nang bisita sa opisina siguro kasi nakikita niya sa mukha at kilos ko kapag pressured and stress na ako dahil sa trabaho.
Tuwing lunes alam na alam ni Carol na ayoko ng nakikipagmeeting sa kahit kanino, kahit pa sa president ng kumpaniya though hindi ko pa naman talaga namimeet si mister president ng personal. Ayoko lang na lunes na lunes sasabak agad ako sa nakaka-stress na meeting kasi feeling ko buong linggo ako mai-stress kaya alam na alam ni Carol iyon kahit hindi ko sabihin. Hindi sa nag-iinarte ako kaya lang iyon na kasi ang nakasanayan ko gawin. Mas gusto ko iyong tambak na paper works na babasahin at pipirmahan ko kaysa ang makipagmeeting ako kung kani-kanino.
Okay na sa akin na sa management team ako makipag-meeting para pag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa project, sa ganoong paraan mas napapagana ko ng maayos ang utak ko at mas nagiging maayos ang schedule ng buong linggo ko.
At isa pa bukod sa ayoko makipagmeeting sa iba tuwing Monday may nakasanayan kaming puntahan ni Bryan pagkatapos ng buong araw naming pagta-trabaho. Every Monday afternoon bumabalik kami sa university campus, tatambay kami sa bleachers habang pinapanood ang mga atletang pursigido sa pag-eensayo para sa nalalapit nilang laban. Wala lang nagustuhan lang namin ni Bryan gawin ang mga ganitong bagay, tatambay kami sa bleachers bit-bit ang isang plastic bag na sitsirya at 2 boteng mineral water and softdrinks, nag-uusap tungkol sa buhay-buhay, sa trabaho at kung minsan napag-uusapan namin si Cedrick.
Kapag nagsalita ako ng seryoso kahit hindi ko bangitin ang pangalan ni Cedrick naiintindihan agad ako ni Bryan at alam niya agad kung sino ang tinutukoy ko. Minsan napapaisip pa rin ako kung may balak pa ba na bumalik sa Cedrick dito sa pilipinas para naman makita man lamang ako o kaya kahit bumisita lang siya, kahit pa may kasama na siyang iba ay ayos lang sa akin dahil sa ngayon naman ang mahalaga sa akin ay makita ko siya. Nakagawian na din naming pag-usapan ni Bryan si Cedrick tuwing lunes dahil iyon lang ang araw na inilaan ko para sa sarili ko para isipin ang mga bagay tungkol kay Cedrick dahil hindi naman pwede na araw-araw siya ang isipin ko dahil baka hindi na ako makapagtrabaho.
Siguro nga kapag mahal mo ang isang tao kahit hindi kayo ganoon kadalas mag-usap or nagkikita ay nagkakaintindihan na kayo, siguro kahit pa ilang taon kayo walang communication ay ayos lang basta alam niyo na safe kayo, ang nakakalungkot lang naman na part kapag nagmahal tayo ay yung biglang magpapakita na lang siya at may kasama ng iba, pero anong magagawa natin kung iyon ang pinili niya, if ever mangyari iyon sa amin ni Cedrick I am very much willing to let him go dahil in the first place kung ako naman talaga ang mahal niya ay hindi na siya maghahanap pa ng iba.
Nakakalungkot pero kailangan tanggapin kung hanggang doon na lang talaga. Sabi nga nila diba kapag nagmamahal ang tao mas pipiliin natin masaktan makita lang natin na masaya yung taong mahal natin. How ironic life is kasi bakit pa magkakagustuhan ang dalawang tao kung hindi rin naman sila ang itinadhana para sa isa’t-isa.
Bakit nga ba lunes na lunes ang senti ko, anyway marami pa akong dapat asikasuhin dahil ayoko sa lahat yung maghahabol ako ng oras kapag malapit na yung due date ayoko din nang bigla-bigla na lang mai-stress ako sa bagay-bagay lalo na kapag office works. Kadalasan lang naman ang ginagawa ko ay mag-review ng design na ipinapasa sa akin ng designer ko, minsan pumipirma ako kapag kailangan lang pero hindi lagi, usually sa pag-gawa ng bagong design hirap kami since brand ng clothing line ang ginagawaan naming ng design na dapat unique at bago lang sa paningin ng mga consumer.
Yung project namin na inaprubahan kailan lang ay hoodie jacket, na meron nang headset na nakakabit sa bandang bulsa, applicable siya sa mga runner at mahilig mag-jogging na ang gusto ay may music habang tumatakbo, hindi na hassle diba kaysa naman magdala pa sila ng headset tapos sa bulsa din naman nila ilalagay, mabilis din makapag-papawis yung hoodie kaya sure naman ako na papatok sa market. Kaya pinagpupurisigihan talaga namin ng maayos kasi para sa amin din naman ang lahat ng iyon.
Carol
Si Samantha at first akala ko suplada kasi never ko siya nakikita na nakangiti kapag nasa opisina, lagi lang siya tahimik or magsasalita lang siya kapag may itatanong o sasabihin ako tungkol sa trabaho. Naisip ko noon siguro ganoon lang talaga siya or may pinag-dadaanan kaya ganoon na lang siya ka aloof sa iba. Kay sir Bryan ko lang siya nakikita na ngi-ngiti na abot hanggang tainga at halos wala nang mata pero sa iba ang seryoso niya. Ilang buwan na din akong nagta-trabaho bilang sekretarya niya pero ngi-ngiti lang talaga siya kapag gusto niya or kaya kapag nakikita niya si sir Bryan na sisilip sa bintana ng opisina niya kaya ang akala tuloy ng marami sa opisina ay may namamagitan sa kanilang dalawa.
Pero dumaan ang araw at siguro 3 buwan paunti-unti ko na nakikilala si ma’am Samantha, mabait siya, sobrang bait pa nga at dahil don mas ginusto ko na kilalanin pa siya, hindi naman niya ako sinusungitan kaya araw-araw kinukulit ko talaga siya, kapag may dala akong chocolate sa opisina maya’t-maya tinatanong ko siya kung gusto niya hanggang sa mapatawa ko siya.
She is smart, simple, beautiful inside and out kaya hindi ako nagtataka na pinipilahan siya ng mga lalaking gusto manligaw sa kaniya, pero dahil andyan si sir Bryan ay walang nakakalapit sa kaniya sa gwapo naman kasi ni sir Bryan nakakaintimidate talaga kahit nga ata lalaki gugustuhin siya.
Dahil sa pangungulit ko unti-unti hindi ko namalayan na nakikilala ko na si Samantha, mas matanda ako sa kaniya ng 2 taon kaya minsan ate ang tawag niya sa akin kapag gusto n’ya ako asarin na ikinatutuwa ko naman dahil kahit sa ganoong paraan nakikita ko ngumiti at tumawa si Samantha, never siya nagkwento tungkol sa lovelife niya, ang tangi niya lang nasabi ay walang namamagitan sa kanila ni sir Bryan at talagang mag-kaibigan lang silang dalawa. Pero pakiramdam ko talaga ay may iba. Hindi ko lang kilala kung sino pero alam ko na may nagugustuhan siya.
Masaya ako sa tuwing nakikita kong masaya si Samantha dahil nag-iiba siya talaga kapag masama ang mood niya. May mga araw na hindi siya kumikibo at patingin-tingin lang na akala mo sinusubay-bayan ang trabaho mo. She is sometimes creepy pero alam ko na nagkakaganon lang siya kapag super stressed na siya sa trabaho niya. Kahit ako naman siguro mag manage ng isang team at the same time manager ng isang branch ay maloloka din lalo na kapag hindi pasok sa schedule at nagtatama ang schedule niya sa dalawa ay hindi niya alam kung paano hahatiin ang sarili niya. But she is tough fighter. Kahit pa para sa iba ang hindi niya pa-ngiti ay pagsusuplada pero para sa akin ay normal lang dahil alam ko naman ang totoong dahilan kung bakit ganon siya sa iba at alam ko din naman kung kailan lang siya magiging ganon sa iba.
Ang gusto ko lang naman ay kahit papaano ay magpahinga siya dahil masyado siya sub-sob sa tarabaho na akala mo pamilyadong tao na sa sobrang sipag na ipinapakita niya sa opisina. Hindi tuloy maiwasan na pag-usapan siya nang mga taong naiinggit sa kaniya. Sino ba naman ang hindi hindi ba? Matalino na sobrang sipag pa! kahit ako inggit sa babaeng iyan dahil nasa kaniya na ang lahat ng bagay na pwede mo hanapin sa isang babae kaya siguro si Bryan hindi na rin maitagop ang totoo niyang nararamdaman.