Chapter 17 - Getting Worst

2764 Words
Lily's Pov Nakakapanibago ang mga bawat nangyayari sa mga nagdaang araw. No'ng mga nakakaraan, makikita mo pa ang mga saya at ngiti ng mga estudyante habang dumadaan pero sa nakikita ko ngayon tila naglaho lahat ito. Napalitan ito ng TAKOT at PANGAMBA. Sa bagay, sino ba naman ang magagawang maging masaya kung nasa panganib ang buhay mo diba? NAKAKAPRANING dahil umabot na sa sampung estudyante ang nabibiktima na nila at dalawa ang naligtas nila Mr. Aguiluz kung saan ay bago pa nila ito mailabas sa kanilang panaginip ay nailigtas na agad nila mula sa kamay ng mga evil dreamers samantalang mayroon na ring hindi na nagkaroon ng chance at tuluyan ng binawian ng buhay, tatlo sila. Yung lima ay patuloy pa ring hinahanap, sana ay mailigtas sila. Ilang araw na rin ang nakakalipas, kailangan na sila agad mahanap. Sa kada lumalakad at nakakasalubong ko, hindi ko sila maiwasan titigan at makaramdam ng lungkot. Kung titignan mo sila, walang gana kung lumakad at tila nanghihina. Minsan napapatingin din ako sa mga mata ng iba, ang kakapal ng mga eyebags at yung iba ay mukhang tinitiis ang antok at hindi pa nakakatulog which is not good and healthy. I do understand, even me hindi ko rin maiwasan magoverthink at palaging kulang din sa tulog dahil nga sa threat sa'min. but we have to sleep, enough sleep. Marami ang benefits ng sapat na tulog, isa na dito ang pag-gain ng energy na kailangan na kailangan natin sa araw-araw na mga gawain. Kung hindi tayo matutulog, malaki ang tyansa na magkasakit tayo at maraming risk factors na mangyayari. We have to be balanced. "Lily," rinig kong tawag sa'kin, pagtingin ko ay si Ian na papalapit sa direksyon ko. Nandito ako ngayon sa locker room, kakatapos lang ng isang subject namin at dahil vacant namin ng one hour naisipan ko munang pumunta dito at may kinuha lang ako saglit. Hinihintay ko lang si Michelle dahil nagpaalam na iihi muna siya bago kami tuluyang bumalik ng room. Hindi na ako nagatubiling sumama dahil malayo pa ang lalakarin mula sa CR at ika-ika ako ngayon maglakad. Damn, ayoko ng maalala ang katangahan ko. "Anong ginagawa mo dito?" matipid kong tanong sa kaniya at inapiran siya. "Ah wala, may kukunin lang ako sa locker ko, ikaw?" at binuksan niya ito. "Ah, may kinuha lang din," I said, napansin ko na ang kinuha niya sa kaniyang locker ay isang damit. "Magpapalit ka ng damit?" tanong ko sa kaniya habang nilalock muli yung locker niya. "Kinuha ko na 'tong PE uniform ko para sa training mamaya," Napahinga ako ng malalim, may training pa nga pala ngayong araw. Makakatrain ba ako gayong ika-ika ako maglakad ngayon? "Kumusta nga pala 'yang paa mo? Masakit pa ba?" tanong niya nang maisarado na niya muli ang locker niya. Nagawi yung tingin niya sa paa kong may nakapulupot na bandage. "Hm, it gets better. Medyo na lang, 'di katulad no'ng nakaraan na kumikirot talaga siya," sabi ko. "Pero grabe ka no'ng nakaraan, napakacompetitive mo rin. Konting training pa at magiging kapantay mo na yung pinakamagaling sa'tin," Napatawa ako ng bahagya, "Loko, nilakasan ko lang talaga yung loob ko that time, Tignan mo nga nangyari sa'kin, magaling ba 'to sa tingin mo?" sabi ko naman. Napatawa na lang din siya, "Anyway una na ako, pagaling ka," tumango lang ako at naglakad muli siya palayo. No'ng nakaraang linggo kasi nang matapos maituro lahat ni Mr. Van lahat ng tips, method na maaari naming magamit sa pakikipaglaban nagkaroon kami ng battle kung saan ay maglalaban ang dalawang tao gamit ang mga natutunan namin na naituro niya. Kung minamalas nga naman ako ay natapat pa ako sa magaling, sa taong malawak na ang ideya tungkol dito. At ito nga ang nangyari... *FLASHBACK* "Magsisimula na ang battle natin ngayong araw, you can use all of the tips that you've learned in me today and these past few days but I will also allow you to show your own tricks when it comes to fighting. "I want you to take it seriously and use your strength and capabilities. Dito ko makikita ang husay niyo. Para ganahan kayo lalo, katulad ng nakaraang activity natin kung sino ang matalo may kaaakibat itong parusa," pagpapaliwanag ni Mr. Van. Hindi ko alam ngunit ang bilis ng t***k ng puso ko, para akong hihimatayin sa nerbyos. Although Mr. Peligro taught us some tips many times ngunit hindi pa rin ako nakakasigurado na maiaaply ko ito. Bahala na siguro si Wonderwoman, I will just go with the flow. "Sir, ito na ang pinapagawa mo," sabi ni Ian at iniabot kay Mr. Van ang isang baso at naglalaman ng anim na niyuping papel kung saan ay nandoon ang pangalan namin. Dahan-dahan itong shinake ni Mr. Van, "Kung sino man ang dalawang mabunot ko ay siya ang maglalaban, maghanda kayo," "s**t, kinakabahan ako," napapamurang saad ni Michelle. "Lily, ba't parang namumutla ka?" natatawang tanong ni Nef sa'kin. "Huwag kang maingay d'yan, kinakabahan din ako," sabi ko kay Nef. Napatingin ako sa tatlo, mukhang chill lang sila. Kung sa bagay, magagaling na sila pagdating sa mga ganitong bagay. "Huwag kang kabahan Lily, relax. Tayo -tayo lang naman ang maglalaban, 'di naman natin kalaban ang mga evil dreamers," pagpapalakas ng loob sa'kin ni Ian, binigyan niya ako ng isang malawak na ngiti na nakakahawa talaga. "Salamat," Natuon ang atensyon namin lahat kay Mr. Van nang bubunot na siya ng dalawang papel. Napadasal ako ng mahigpit na sana ay hindi ako matapat sa malalakas, ito nanaman ang puso ko ang bilis ng t***k kumbaga sa pagsayaw humahataw siya ng sobra. "The first person na nabunot ko ay si...." Sana huwag ako, sana huwag ako, sana huwag ako. "Lily," sabi ni Mr. Van at para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Para akong nabingi ng sandali at nanghina. Juicecolored. Sabing huwag ako, ba't ako yung natawag? Napatingin sila sa'kin at napapalakpak samantalang ako ay anytime ay pwede ng himatayin sa nerbyos. "At ang makakalaban mo Lily ay si...." sabi ni Mr. Van habang nakatitig sa'kin. Napapalunok na ako ng laway, sana naman yung makakalaban ko ay yung mga kalevel ko lang. Sana naman si michelle yung nabunot nitong si Mr. Van. Sana... "Ang makakalaban mo ay si Lou," WHAT THE HECK! "Wooooah," sabi nila nang banggitin ang pangalan ni Lou. Napasapok ako sa ulo, parang gusto ko na lang magwalk out. Kaya ko ba 'to si Lou? She is freaking good at this. "Okay Lou at Lily, pumwesto na kayo dito sa gitna," utos sa'min ni Mr. Van. "Go friend, kaya mo yan!" cheer sa'kin ni Michelle na tila ako ang manok niya between me and Lou. I have no choice but to face this, pumunta ako sa gitna. Lou might be strong to me pero hindi dapat ako matakot, hindi dapat ako kabahan dahil katulad nga ng sinabi ni Mr. Van na mawawala kami sa focus kung papairalin namin ang takot at kaba. Nang makapunta ako sa gitna, huminga ako ng malalim. I close my eyes for a second, nirelax ko ang sarili ko. Kaya mo 'to Lily, kayanin mo. "Okay let's start the battle in 3...2...1, go" sabi ni Mr. Van at hinanda ko ang sarili ko. I looked at Lou, her expression is very serious para siyang asong gubat na manlalapa. Matalim ang kaniyang mga tingin sa'kin, nagpaikot-ikot kami at tila naghihintay kung sino ang unang aatake. Napapahinga ako ng malalim, hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip niya. Sa totoo lang, pwede niya akong atakihin anytime ng sunod-sunod hanggang sa matrap ako, I have to think a----- "Ah, ya! ya! ya!" Kakasabi ko pa lang na baka umattack at sumugod nga siya, sinipa niya ako ng dalawang beses ngunit nakaiwas naman ako agad at hindi niya ako natamaan. Maya-maya ay sumugod na ulit siya, isinipa niya ulit ako sa ikalawang pagkakataon and this time ay natamaan niya ako sa aking bewang dahilan para mapaaray ako ng bahagya. Damn. "Ano Lily? Puro depensa na lang ang gagawin mo? So weak," nakangisi niyang saad, bigla akong nakaramdam ng gigil sa binitiwan niyang salita. Pinanliitan ko siya ng mata, how dare she underestimate me? Pakiramdam ko kumulo yung dugo ko sa kaniya at nanilim ang aking paningin. Ayoko pa naman sa lahat ay yung namamaliit ng tao. "What? Lily? Do you think I am scared with that look? No way, show me what you got," sarkastikong saad niya, At hindi na ako nakapagtimpi, I attacked her. "Ah, ya,ya,ya,ya" Lumapit ako sa kaniya at sinipa ko rin siya ngunit agad siyang nakaiwas. Nang hindi ko siya natamaan ay gumawa ako ng panibagong move at sinapak ko naman siya ng sunod-sunod sa mukha ngunit mabilis ang naging galaw niya at nadepensehan niya ito ng wala man lang kahirap-hirap. Damn, she's annoying. I hate her. "Ayon na 'yon?" sarkastikong pagkakasabi nito. WHAT THE FUDGE! Napalakas niya mang-inis. "You don't know me well," I said to her, coldly. "Oh really? I see, ahhh ya, ya---" Pansin ko na puro sipa ang bawat atake niya, nakaisip naman ako ng depensa dito, ang ginawa ko ay inipit ko ang kaniyang paa mula sa aking kilili at malakas itong itinulak pagilid at mabilis ko siyang sinipa dahilan para tamaan ang kaniyang bewang. Napahinga ako ng malalim, naungusan ko siya doon. Ngumisi ako sa kaniya katulad ng ginagawa niya sa'kin. Hindi maipinta ang mukha niya ngayon, it's serious at tila nainis na rin sa'kin. "Chamba," pang-aasar niya. Lumalabas ang pagiging competitive ko, napupuno ang katawan ko ng gigil at inis sa babaeng ito. She acts like she can beat anybody. Muli niya akong inatake, isang malakas na sipa muli ang ginawa niya at sa oras na ito ay hindi ako nakailag, tinamaan niya yung tyan ko. Habang iniinda ko yung sakit ay walang awa at pagdadalawang isip siyang lumapit sa'kin at sinuntok ako ng tatlong beses sa mukha dahilan para mapaatras ako at kung minamalas nga naman ay aksidente din akong natapilok at napabagsak ako sa lapag at mapahiga. Damn, it hurts. "Lily," rinig ko ang nag-aalalang boses ni Michelle. "AHHHH!" sigaw ko dahil sa kirot na nararamdaman ko sa aking ankle at nanlaki rin ang mata ko dahil may kung anong tumulo sa ilong ko at nang punasan ko ito ng aking palad, nangangatog kong tinignan na dugo pala ang tumutulo dito. Parang nakakita ako ng liwanag sa sandaling ito, para akong nakakita ng mga bituin mula sa kalangitan. Namimilipit ako sa sakit ngayon ng ankle ko at maging ng ilong ko rin. Tumambad naman sa paningin ko ang mga nag-aalalang pagmumukha nila. Kita ko ang mga naglalakihan nilang mata. "Damn, she's not fine. We have to carry her in hospital," And that time, ang tanging way lang para maibsan yung sakit na nararamdaman ko ay dalhin ako sa hospital. *END OF FLASHBACK* **** "Bakit daw tayo pinapunta ng ganitong oras?" tanong ni Lou sa lahat habang papunta kami sa Meeting Room. Nagkibit-balikat lang ako, we're all clueless, "I have no idea," sabi ni Nef. Alas otso na ng gabi ngayon at lahat kami nagtataka dahil pinapapunta kami ng ganitong oras which is first time na mangyari at biglaan. "I think may importante silang sasabihin saatin," "Maybe, hindi naman nila tayo papapuntahin kung hindi 'to mahalaga, " si Michelle. "Nasaan nga pala yung dalawa? si Ian at Vin?" tanong ko naman nang marealize ko na hindi namin sila kasama na maglakad ngayon. "Nauna na sila kanina, may iniutos pa kasi si Mr. Peligro sa tatlo kasama dapat ako kaso kinailangan ko pa maglinis sa dorm kanina kaya 'di na ako sumama," si Nef. Tumango lang kami sa sinabi niya, maya-maya biglang nagvibrate yung phone ko nasa bulsa ko kaya ramdam na ramdam ko ito. I immediately took my phone at tinignan kung sino ang nagtext. It was from Ian. Lily, bilisan niyo. Nagsisimula na ang meeting, hintayin ko kayo dito sa bungad sabay-sabay na tayo, - Ian. Ininform ko naman agad sila tungkol dito at nagmadali na kaming pumunta sa Meeting Room. Pagdating namin, naabutan namin si Ian na nakasandal. "Tagal niyo, bilis tayo na lang ang hinihintay," nagmamadaling tugon ni Ian. "Ano raw ba gagawin?" tanong ni Nef. "Meeting daw," Hindi pa kami nakakapasok pero napaawang ako ng bibig dahil tila may nag-aaway sa loob. Mukhang nagkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. Narinig kong napapasigaw si Mr. Delubyo. "ANO? PANIBAGONG PLANO NANAMAN? ILANG BESES PA TAYO MAGPAPLANO? KAHIT ANONG PLANO NATIN, HINDI NATIN MAHUHULI KUNG SINO ANG NASA LIKOD NITO." "Mr. Delubyo, kung 'di tayo magpaplano mas lalong walang mangyayari saatin, mas lalo silang magkakaroon ng chance na gumawa ng masama sa atin, bakit ba ang pessimist mo?" sabi ni Ms. Martinez. Nang makaupo kami sa likod kung nasaan yung iba naming kasama, napatanong agad ako kay Vin na seryosong nakatingin lang sa harapan. "Anong nangyayari?" Napahinga siya ng malalim. "The situation is getting worst, nadagdagan na ng lima pa ang nabiktima. May nakalaban silang evil dreamers kanina at according sa kanila, they are getting stronger," mahinang pagkakasabi ni Vin. Maya-maya tumayo si Mr. Peligro para pigilan yung dalawang nagkakainitan ng ulo, "Kumalma muna kayo, wala tayong magagawa na matino kung papairalin natin ang galit. Mr. Delubyo, alam ko kung saan nanggagaling 'yang galit mo ngunit kailangan natin gumawa ng mas matinong plano," "Right, our latest plan did not work. Mas lalo silang lumakas, I can't even fight to them already. Masiyado silang magagaling, kahit anong gawin nating pagbabantay sa crescent world, hindi natin sila mahuli at malaya nilang nabibiktima ang iba, " sabi ni Ms. Alisah. "PUNYETA! WALA NA, HINDI NA TAYO MANANALO SA LABAN NA ITO! LET JUST WAIT NA LAHAT TAYO MABIKTIMA NILA" mainit na ulong sigaw ni Mr. Delubyo. I feel annoyed with him since the first I saw him. He is full of despair in life and why is he like that? "What are you talking about Mr. Delubyo? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ang tagal na natin ginagawa ang best natin, ngayon pa ba tayo susuko?" tugon muli ni Ms. Martinez, inis na inis na rin siya sa lalaking ito. "Kumalma ka nga Mr. Delubyo, parang awa mo na, kailangan lang natin ng effective na plano. Kung ganyan ang mindset mo hindi talaga tayo mananalo, hindi natin masosolusyonan 'to" sabi ni Mr. Jackson sa kaniya na ikinaiit naman ng ulo niya. "SO SINASABI MO NA MALI ANG SINASABI KO? I AM JUST TELLING TRUTH, WE ARE ALL HOPELESS. USELESS LANG KUNG LALABAN PA TAYO!" sabi niya na tila isang dragon na bumubuga ng apoy. "TUMIGIL NA KAYO!" isang sigaw ang pinakawalan ni Mr. Aguiluz para magpatigil ang dalawa sa alitan. "Hindi ito ang oras para magtalo, stop wasting our time with such things. Kailangan natin pagtuunan ng pansin ay ang matagal ng problema na ito. Hindi ako, tayo titigil hangga't hindi natin nasosolusyonan ang mabigat na kinakaharap natin." pagpapatuloy pa ni Mr. Aguiluz, ngayon ko lang siya nakita na ganitong seryoso. "Pero ano ang panibagong plano na gagawin natin? Habang patagal nang patagal parami nang parami ang nabibiktima nila," sabi ni Kiara na nasa aking harapan. "Bakit hindi natin tanungin yung bagong dream wanderers? Tutal wala pa silang ambag sa ngayon, makatulong man lang sila sa pagplano?" natuon yung atensyon ng lahat saamin dahil sa sinabi ni Mr. Delubyo. Kami nanaman ang nakita niya, napakrus ako ng braso and I rolled my eyes. Nagpanting yung tenga ko sa sinabi niya maging yung iba kong kasama. What the heck? We're not ready for this. Una sa lahat, biglaan ang naging meeting na 'to. Second, naninibago pa kami sa mga pangyayari at may mga hindi pa rin kami nalalaman. "Mr. Delubyo, just like what you've said mga baguhan lang sila sa issue na ito so you better not pressure them" tugon ni Mr. Peligro sa kaniya. "Anong silbi na pinapunta mo sila dito at makinig sa meeting natin kung wala silang gagawin kundi tumunganga lang dyan?" diretso niyang tugon. Mas lalo akong nakaramdam ng inis, napapikit ako. These past few days, ang nagpainis sa'kin ng sobra ay si Lou ngayon ito namang teacher na 'to. Sarap nilang pagbuhulin dalawa. Napapikit ako ng mata, kailangan ko pigilan na sumabog, after all he is our teacher. We need to respect him dahil kapag naman sinagot namin siya, kami naman ang lalabas na bastos at walang respeto. Pero konti na lang... "How dare he say that?" narinig kong bulong ni nef, napapakuyom siya ng kamao. "Mr. Delubyo----" hindi na natapos ni Mr. Peligro ang sinabi niya dahil pinigilan siya ni Ian. "We can handle this" Tumayo siya sa kinauupuan niya, ngumiti siya ng bahagya bago muling magsalita. "I have suggestion,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD